Chapter 26

442 54 3
                                    

Alalang si Zayne ng hindi maramdaman ang presensya ng dalaga ng kinaumagahan. Masyado maaga para umalis ito at magtungo sa opisina nito at malaman din na wala din ito sa opisina.

Tumawag siya at tanging boses binabae ang sumagot at sinabi na may pinuntahan ang dalaga sa malayong lugar upang makausap daw muli ang umatras na supplier nito.

Nagpanggap siya na kamag-anak nito kaya naman nakuha niya ang contact number ng dalaga at hindi naman niya iyun makontak hanggang sa tumawag siya muli sa opisina at sinabi di makontak ang dalaga at hiningi ang address na pinuntahan ng dalaga.

Natanaw na niya ang pamilyar na kotse ng dalaga na nakahimpil sa gilid ng kalsada. Panaka-naka pa din ang pagbuhos ng ulan.

She's safe..untag ng kanyang lobo.

Saka lang siya nakahinga ng maluwag. Nag-alala siya dahil malapit sa disgrasya ang dalaga at labis ang pangamba niya na baka mahuli siya.

Tumingala siya at sa isang iglap ay tumigil na ang pagbuhos ng ulan at mayamaya pa ay sumilip na ang panghapon araw.

Bumaba na ng kotse ang dalaga at mula sa kinaroroonan niya sa pinagtutuntungan niyang puno ay sinundan niya ang dalaga na hindi nito mararamdaman ang presensya niya.

Huminto ang dalaga sa tapat ng isang mataas at malapad na gate na kulay puti.

Agad na may guard na lumapit sa dalaga at pinapasok ang dalaga sa loob.

Nilundag niya ang mataas na bakod na pumapalibot mula sa mataas na gate. Tila isang bodega na malaki iyun at nalalanghap niya ang amoy ng mga tela.

Tinulay niya ang bakod at nanatili roon. Pwede naman niya pakinggan mula roon sa kinatuntungan ang pag-uusapan ng mga ito.

Tinunghay niya ang pakikipag-usap ng dalaga sa isa pang guard saka pinapasok ito sa katabing bahay marahil ay pinakaopisina ng may-ari na siyang pakay ng dalaga.

"Magandang umaga,Mrs.Tan,"bungad pambati ng dalaga sa may-ari. Nasa himig nito ang determinasyon na makakuha ng sagot sa pakay nito.

"Goodmorning din,Hija.."tugon naman ni Mrs.Tan. Base sa tono nito ay may edad na ito.

"Hindi na ho ako magpapaligoy-ligoy pa po alam ko po na batid niyo na kung ano ang pakay ko,"mariin tugon ng dalaga sa magalang na paraan.

Hindi tumugon ang kausap nito.

"Maayos po ang pag-uusap natin. We're done our deal. Naideposit ko na po ang bayad sa inyo at ngayon sinabi niyo na ibaback out niyo ang napag-usapan natin,Mrs.Tan..i--i can double the price kung magkano man po ibinayad sa inyo ni Ms. Fedir,"anang ng dalaga.

"Hija..I'm sorry..i already delivered them to her place,"saad ng may-ari.

Wala man naging imik ang dalaga. Mula sa kinasasandalan niya ay ramdam na ramdam niya ang galit at poot,inis at pagkadismaya na pilit nito kinokontrol na makawala.

"Why...?"dismayadong turan ng dalaga pagkaraan ng ilang sandali.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng matandang may-ari.

"Hija..may importante akong meeting na pupuntahan and..i..i can't talk to you in a longer and like i said naideliver na at..I'm a businesswoman..business is a business,alam kong alam mo kung ano ang ipaibig sabihin ko. Nakakaranas ako ngayon ngayon ng financial shorts and..Ms.Fedir offered a doubled price that i needed now,"litanya ng matandang may-ari.

"Kayo lang po ang trusted supllier ko sa tela na gusto ko. Bakit hindi niyo sinabi sakin ang bagay na yun,i can help you,Mrs.Tan..?"

"No,Hija..i think you can't help me lalo na at nagsisimula ka pa lamang.."

Forbidden Love of Zayne Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon