Chapter 12

449 49 6
                                    

Maingat ang bawat hakbang ang anyong-lobo ni Zayne habang tinatahak ang kasukalan. Sa bawat pagdaan ay ang pagkaluskos naman ng mga basang dahon na siyang bumabasa sa makapal na balahibo niya. Magdamag din bumuhos ang ulan at sa walas tumigil na yun. Malamig ang simoy ng hangin. Masasamyo ang sariwang amoy ng mga basang dahon. Tumigil sa paghakbang ang lobo ng matanaw ang balkonahe ng kinaroroonan ng dalaga.

Malalim na ang gabi..turan niya sa kanyang Lobo.

Hindi naman nagpapigil ang kanyang lobo. Walang kahirap-hirap na nilundag nito ang balkonahe at madatnan na naroroon ang dalaga. Nakasandal sa gilid ng sliding door habang natutulog. Nakabalot rito ang kapa na pag-aari niya.

Inaasahan niya na darating ka?

Nakamasid lamang sila sa natutulog na dalaga at mayamaya pa ay gumalaw ito. She's look not comfortable on her position. Ang ulo nito ay unti-unti dumudulas sa salamin ng pintuan hanggan sa pati ang katawan nito ay sumunod na. Mabilis ang naging kilos ng Lobo agad na pumuwesto ito sa tabi ng dalaga. Bumagsak ang natutulog na dalaga sa katawang ng Lobo niya na komportable naman nakadapa sa tabi nito.

Mahinang umungot ang dalaga indikasyon na komportable na ito natutulog. Yumakap pa ang isa nitong braso at lumubog iyun sa makapal na balahibo ng lobo.

She's even sniffing. Ibinaon nito ang mukha sa balahibo ng Lobo niya.

Lalo pa sumiksik ang dalaga sa katawan ng kanyang Lobo.

Babalik pa tayo sa mundong-Colai..paalala niya sa kanyang Lobo na balak din matulog.

Nakamulat ang isa nitong mga mata at ang isa naman ay nakapikit.

Hindi tayo maaaring mag-umaga rito..

Tuluyan ipinikit na nito ang mga mata na tila hindi nito narinig ang paalala niya.

Sampung minuto..

Nanatili nakapikit lamang ang mga mata nito at gustuhin man niya magpalit sila ng anyo ng kanyang lobo ay hindi niya magagawa kung hindi ito makikiisa.

Huwag mo sanayin ang ganito bagay..

Patuloy lang siya sa pangaral rito. Tumigil lamang siya na lahat ng mga sinabi niya ay para din sa kanya.

Yes,because they are one. Siya at ang Lobo niya ay iisa.

Sa isip lang naman sila minsan hindi nagtutugma.

Hinayaan na niya ang kanyang lobo.

They've feel comfortable with her.

"Zayne?!"

Mabilis na napamulat ang Lobo niya ng marinig ang boses ng dalaga na hindi nila namalayan na nagising na pala ito. Ganun ba sila kakomportable ng lobo niya at hindi nila namalayan ang paggising ng dalaga?

Nilingon ito ng lobo niya. Mangha at gulat na nakatitig ang dalaga sa kanila.

"Zayne! Nandito ka!"bulalas nito. "Kaya pala ang sarap ng hinihigaan ko,"mangha at natutuwa nitong sabi.

"Buti pumunta ka? Nagpaalam ka ba sa amo mo? O hinayaan ka niya magpunta dito? Hindi kami nagkita kanina kasi bigla umulan!"mahaba nitong sabi.

Hinaplos nito ibabaw ng katawan niya. "Ang ganda ng balahibo mo! Alaga ka siguro sa ligo!"turan nito.

"Medyo basa ka,"anito sabay lingon nito na tila sinusuri kung umuulan pa.

"Siguro nabasa ka ng mga dahon,sandali. Kukuha lang ako ng twalya,"saad nito sabay tayo at mabilis na pumasok sa silid nito.

Agad naman ito bumalik na may bitbit na malaking kulay pink na twalya.

"Wala ako extra towel,ito na lang,di ka naman marumi,"saad nito at saka pinunasan nito ang balahibo ng lobo niya na may parte na basa.

Forbidden Love of Zayne Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon