Abot-abot ang kanyang kaba habang hinihintay ang kanyang mga magulang.
"Mukha lang akong hindi kabado pero sana kahit isa sana sa kambal na lang pala ang nasa posisyon ko ngayon,"untag ni Tatay Zei sa kanya na nasa tabi niya.
Nag set -up siya ng private dinner para isakatuparan ang planong ito.
Hiyang-hiya siya na hilingin ito kay Tatay Zei na magpanggap na si Zayne at ito ang nobyo niya na ipapakilala niya sa magulang.
Ngunit sa suporta na natanggap naman niya sa mag-asawa ay kahit papaano nabawasan niyun ang hiya at guilt niya.
Humigit siya ng hininga saka nahihiya pa din na sumulyap sa Tatay Zei niya.
"I'm really sorry po talaga,Tay Zei.."
Ngumisi ito at umiling. Ipinatong nito ang kamay sa ibabaw ng ulo niya at nagbigay iyun kakomportablehan sa pakiramdam niya.
"Kahit ano naman gagawin ko para sa mga anak ko,"puno ng suyo nitong turan na kinagaan ng pakiramdam niya.
"Hija..."
Agad na napabaling sila sa kanyang magulang na hindi makapaniwalang nakatingin sa kanila ng Tatay Zei niya. Nadatnan lang naman mga ito ang eksena iyun na sa paningin ng mga ito ay sobrang sweet at romantic.
Umusbong na muli ang kaba sa dibdib niya.
"Magandang gabi po sa inyo,"magalang na pagbati ni Tatay Zei sa kanyang magulang.
Agad na kinalma niya ang sarili. Hindi sila pwede pumalpak at siya ang dahilan niyun na pagsisihan talaga niya. Importante sa kanya ang kahihiyan niya sa mga magulang ni Zayne dahil dinamay pa niya ang mga ito para lang matuldukan ang tensyon sa pagitan nila ng kanyang sariling mga magulang.
Tumikhim siya at taas-noo na hinarap ang kanyang mga magulang.
"Dad,Mama..nobyo ko po..si..si Zayne,"pakilala niya sa Tatay Zei niya sa kanyang mga magulang.
Relax,Julieta...baka may mahalata na may mali sa inyo.
Mariin ang titig na pinukol ng ama niya kay Tatay Zei. Mas lalo dumoble ang kaba niya sa nakikitang reaksyon ng ama. Malamig,mariin at may disgusto.
"Hi,Hijo! Kamusta?! "untag ng kanyang Mama at nilapitan si Tatay Zei.
Makikita sa mukha ng kanyang mama ang pagkamangha at di pakapaniwala.
"Ang...gwapo mo naman,Hijo!"mangha saad ng mama niya na marahil ay hindi na napigilan pang puriin si Tatay Zei.
Gustohin man niya mapangiwi agad na pinigilan niya iyun.
Nagagawa talaga ng mga immortal.
"Salamat po,Tita..kayo lang po nagsabi na gwapo ako,"pakwela tugon ni Tatay Zei sa mama niya na nagpamaang dito at pagkaraan naman ay natawa ng mahina na tila duda ito roon.
"Hindi ka ba sinabihan nito si Julieta?"namamangha ng turan ng Mama niya.
Alanganin na napangiti siya sa ina. Hiyang-hiya talaga siya.
"Biglaan naman ata na nagkanobyo ka,Princess Juliet?"baritono turang ng kanyang Daddy.
Agad na napabaling ang atensyon nila rito.
"Ako na po magpapaliwanag sa bagay na yan,Tito.."
"Uh,Ma,Dad ..maupo muna tayo,"giya niya sa mga ito sa mesa.
Tila hindi sang-ayon ang Daddy niya pero napilitan din ng hilahin ito ng kanyang Mama na kinahinga niya ng maluwag kahit papaano. Kahit nasa pribadong silid sila hindi siya nakakatiyak na hindi sila magkasagutan ng kanyang Daddy.

BINABASA MO ANG
Forbidden Love of Zayne Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)
WerewolfHe's born a become a new God of Wolf in Mundong-Colai. He choose it..dahil gusto niya ibigay sa pinakamamahal niyang ina na si Adeline ang hinihintay nitong pagbabalik ng kanyang Ama,na sinuko naman ang pagiging panginoon nito para sa kanila pero si...