Mahimbing na natutulog ang dalaga habang maingat na buhat-buhat niya ito. Madilim na at napasarap ata ito sa pagtulog kaya naman hindi pa ito nagigising at ayaw naman niya ito gisingin. Maliban sa pagkukwento nito sa buhay siyudad nito at pagpa-fangirling nito sa paborito nitong PPOP group ay di na nito namalayan na nakatulog na ito. Hindi niya mawari kung maayos ba itong nakakatulog sa gabi.
Bumaba ang mga mata niya sa mukha ng dalaga. Nakadantay ang kaliwa pisngi nito sa kaliwang dibdib niya. Nagpakawala siya ng hininga. Maamo ang mukha nito. Mahahaba ang pilik-mata ang perpektong makurbang kilay nito,ang matangos na ilong at ang mapupula mga labi nito.
Maganda ang itinakda sayo...
Ipinilig niya ang leeg ng umimik ang kanyang lobo.
Itinakda ako na maging panginoon..tugon niya sa kanyang lobo.
Pero kung sakali lang na hindi ito ang itinakda sayo. Ano kaya gagawin mo?
Hindi siya kaagad nakasagot sa tanong iyun ng kanyang lobo.
Kung iisipin gaya ng kanyang mga kapatid malamang sa malamang magiging happy ending din ang pagtatagpo nila ng babaeng itinakda sa kanya.
Alam mo na ang sagot..tugon niya pagkaraan.
Paano kung pareho kayo ng kapalaran ng iyong ama?
Natigil siya sa paghakbang. Nangunot ang kanyang noo. Ilang metro ang layo ay tanaw na niya ang tirahan ng Lolo ignacio nito.
Anong ibig mong sabihin?
May kung anong tugon sa tanong na iyun ang naglalaro sa isip niya pero iwawaksi niya iyun.
Alam mo yun ..wala naman sa propesiya na bawal ka magkaanak sa tinakda sayo at wala din sa propesiya na hindi ka itatakda at wala din sa propesiya na bawal kang magmahal...
Mas lalo nangunot ang kanyang noo.
Propesiya?
Hindi mo inabala basahin ang propesiya na nasa tore dahil itinatak mo na sa isip at puso na ang pagiging panginoon mo ang kapalaran mo..bakit hindi mo buksan ang gintong libro?
Mula ng tanggapin niya ang pagiging panginoon ng mga lobo sa Mundong-Colai ay hindi niya na inabala ang sarili na basahin pa ang Gintong Libro o ang propesiya kung saan nakasaad ang kapalaran ng mga lobo. Paniguradong nakasulat din doon ang nararapat sa kanya.
Hindi ba ako ang gagawa ng kapalaran ko?
Sinasabi mo ba na mas paiiralin mo ang tungkulin mo kaysa sa ikasasaya at kukumpleto sayo?
Napatiimbagang siya sa panunubok ng kanyang lobo.
Inilalagay mo lamang sa alanganin ang lahat..sa tingin mo gugustuhin ko na masaktan siya?
Kung tatanggapin niya. Hindi siya masasaktan...agad na sagot nito.
Nabitin ang pagtugon sana niya rito ng pukawin siya ng gumalaw ang dalaga. Mas lalo ito sumiksik sa katawan niya. Napatitig siya sa natutulog pa rin na dalaga.
Hindi ko maaaring biguin si ama..hindi ko maaaring ulitin kung anuman ang nangyari sa kanila nina ina at ama..
Dahil natitiyak ko na mas pipiliin ko pa rin ang pagiging panginoon ko ng mga lobo..pinal na tugon niya.
"Gusto kita.."
Napukaw siya ng nagsalita ang dalaga. Tulog na tulog pa rin ito.
Hindi mapuputol ang koneksyon niyo dalawa...
BINABASA MO ANG
Forbidden Love of Zayne Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)
Hombres LoboHe's born a become a new God of Wolf in Mundong-Colai. He choose it..dahil gusto niya ibigay sa pinakamamahal niyang ina na si Adeline ang hinihintay nitong pagbabalik ng kanyang Ama,na sinuko naman ang pagiging panginoon nito para sa kanila pero si...