Chapter 24

447 48 2
                                    

Gumising ng maganda ang pakiramdam ni Princess Juliet habang ramdam niya ang kanyang buwanan bisita at mula ng madatnan siya ay ngayon lamang siya nakaranas na hindi abala at irita habang meron.

Malaking pasasalamat niya sa herbal na iniwan sa labas ng pintuan niya. Napakamisteryoso. Sa salitang iyun,iisa lang ang naiisip niya.

Si Zayne.

The weird rose na kulay ginto?!

Akala niya ng una ay isa lang yun artificial rose pero ng sipatin niya ang petals niyun,totoong-totoo gaya ng petals ng tunay ng isang rosas!

Iisa lang ang naiisip niya. Iisang tao at sa iisang lugar  na misteryoso.

Sinapo niya ang kayang puson. Napangiti siya. Kung tama talaga ang hinala niya. Aasa siya na binabantayan siya nito kahit na malaking bahagi sa puso niya na sana ay magpakita ito sa kanya.

Akala ko ba move on na..kakalimutan mo na?

Napabuga siya ng hininga.

Her heart told it. It's Zayne!

Naghanda na siya para sa araw iyun kung hindi dahil sa pamahid at sa nilagang pinatuyong dahon at luya baka nakahiga pa siya at namamalipit sa sakit ng kanyang puson.

Inilagay niya sa kulay asul na tumbler na may tatak ng logo ng paborito niyang ppop group na Sb19 ang natirang nilaga niya kagabi at ang pamahid na langis sakaling kailanganin pa niya.

Muli,isang kulay gintong rosas ang bumungad sa kanya sa pagbukas niya ng pintuan. Dinampot niya iyun at may sulat ng kalakip iyun.

Goodmorning,Princess..

Agad na gumuhit ang ngiti sa mga labi niya.

Admirer. She didn't think it's a stalker dahil malaki ang hinala niya na si Zayne ito.

Si Zayne lang ang kilala niya na misteryoso at ang pag-iwan ng dalawang bagay sa labas ng pintuan niya ay gawain ng isang tulad nito at mula ng mabili niya ang unit niya ngayon lang siya nakatanggap ng ganito mula iyun ng makilala niya ang lalaki.

Lumilinga-linga siya sa hallway. Walang tao may limang pintuan sa floor na iyun ang isa ay ang katabi ng silid niya at ang alam niya wala umuokupa dun.

Weird. Oo. Dapat din ikabahala iyun. Sa iba,oo..but not her.

She feel it and her heart feel it. It's Zayne.

May ngiti sa mga labi niya na umalis para pumasok na sa kanyang opisina.

Sa pagtanggap niya ng bagong project sa isang kilalang clothing line ay isang malaking oportyunidad sa isang kagaya niya na nagsisimula pa lang sa larangan ng pagiging fashion designer.

Pumasok siya ng elevator at bago iyun tuluyan magsara may isang bultong pamilyar sa kanya ang lumabas sa katabing silid niya.

Umawang ang mga labi niya ng tuluyan magsara ang pintuan ng elevator.

Saka lang niya naalala na ang lalaki na nakasabayan niya sa elevator kagabi ay ito rin.

May umuokupa na pala sa kabilang unit.

Ngunit ang lalaking iyun ay kapareho ng bulto ni Zayne!

Napukaw siya ng tumunog ang elevator  at bumukas. Nahulog siya sa  pag-iisip ng humakbang siya palabas ng elevator.

Huminto siya sa paghakbang at nilingon ang elevator at tumitig sa umiilaw na button. May pababa mula sa floor na pinaggalingan niya.

Bumilis ang tahip ng dibdib niya. Pigil-pigil ata niya ang paghinga hanggang sa bumukas iyun mula sa palapag ng unit niya. May limang sakay iyun at agad na hinanap ng mga mata niya ang  kasunod ng mga ito pero bigo siya ng tanging ang limang sakay lamang niyun ang lumabas mula sa elevator iyun.

Forbidden Love of Zayne Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon