Chapter 14

505 50 5
                                    

Hindi naman siya excited pero hindi pa man sumisikat ang araw gising na siya at abala na sa kusina para gumawa ng cookies. Panay hikab pa nga niya pero agad nawawala antok niya kapag naalala niya ang black forest. Sobrang ganda ng kagubatan iyun sa tuwing naalala niya agad na naiexcite siya na makabalik muli doon.

Nakapangalumbaba siya sa center island habang hinihintay na maluto ang mga cookies sa loob ng oven. Hindi niya namalayan na napapikit siya at napamulat na lang basta at saka taranta na lumapit sa oven.

Nagmamadali na binuksan niya ang oven at dahil lutang siya nakalimutan niyang kumuha ng potholder at nagising lahat ng inaantok niyang cells ng mapaso ang mga daliri niya. Mabuti na lamang hindi natapon ang mga cookies sa sahig.

"Shit..ouch,"impit na daing niya habang hinihipan-hipan ang tatlong daliri na napaso.

"Kainis..bakit ba nataranta ako!?"sita niya sa sarili.

Nang mahimasmasan siya sa hapdi kalmado na niyang ipinatong ang pinaghulmahan ng mga cookies sa ibabaw ng center table at hinayaan na lumamig roon bago ilagay sa lalagyan.

"Kung hindi lang ito paborito ni Zayne,"usal niya habang sinusuri isa-isa ang mga cookies kung maayos ba ang pagkakaluto.

Napanguso siya ng bumalik sa alaala niya kung paano makipag-asaran sa kanya si Zayne.

Infairness,mukha siyang tao ng mga oras yun!

Marunong din naman pala makipag-asaran.

Unti-unti nababanat ang mga labi niya ng maalala yun.

"Mukhang maganda ang umaga ng apo ko?"

Napaigtad siya ng marinig ang boses ng abuelo niya.

Mapanuring tingin ang pinukol nito sa kanya pero masasalamin ang pagkamangha roon.

"Hi,'Lo! Morning,aga niyo nagising ngayon?"pagbati niya rito.

Humakbang ito papasok sa kusina mula sa bukana at tumigil sa harapan niya nasa pagitan nila ang center table kung saan nakapatong roon ang mga ginawa niyang cookies.

Bumaba ang mga mata nito roon at sinuri iyun.

"Maaga talaga ako nagigising, apo para magpaaraw..pwede ko ba matikman ito?"sagot nito saka nagtanong sa huli.

"Opo,'Lo..dinamihan ko po talaga ng pagbeyk para makakain din kayo lahat,"tugon niya.

Tatango-tango na kumuha ng isa ang kanya Lolo Ignacio. Nakatitig lamang siya sa abuelo habang nginunguya nito ang kinagat na cookies. Agad na sumilay ang satisfaction na ngiti sa mga labi niya ng tumango-tango ito bilang pag-approved na nagustuhan nito ang ginawa niya.

"Paborito ba niya ang cookies na gawa mo?"

Natigilan siya sa paglalagay ng cookies sa lalagayan. Nakatitig sa kanya ang abuelo niya.

"Opo,'Lo.."

Tumango ito. "Alam ba niya na ilang araw ka na lamang dito?"

Agad na binalik niya ang atensyon sa paglalagay ng mga cookies sa lagayan. Hindi siya sigurado baka ano pa makita nito reaksyon niya ngayon pinaalala nito na ilan araw na lamang ay babalik na siya ng Manila.

"Nasabi ko na po sa kanya kaya po...ipapasyal niya ko lagi bago ang araw na pagluwas natin,Lolo.."saad niya.

"Kung ganun,ienjoy mo ang pamamasyal niyo,"anito saka nagpaalam na sa kanya na magpapaaraw sa may hardin.

Nang makaalis ang abuelo tumigil siya sa ginagawa saka napabuntong-hininga. Gustong-gusto niya sabihin na kung pwede maextend pa siya rito o kaya naman mauna na ito sa kanya at susunod na lamang siya lumuwas.

Forbidden Love of Zayne Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon