Chapter 19

455 54 5
                                    

Zayne saw her waiting for him. Sa talon na kanila tagpuan.

Pupuntahan ba natin o pupuntahan ba natin?

Nagtatalo sila ng kanyang lobo kung tama ba na magpakita pa siya sa dalaga,kay Princess Juliet matapos na makompronta siya ng Lolo Ignacio nito.  Alam ng matanda ang ikabubuti ng apo nito.

Ngunit huli na ba lahat? Tuluyan na kaya nahulog sa kanya ang dalaga?

Alam mo pwede naman maging farewell ito sa inyo dalawa..

Napabuntong-hininga siya. Sinuway niya ang sarili sa lahat ng pinangako niya na kailanman ay di siya dapat maugnay pa sa isang tao.

Wala naman tayo magagawa. Siya ang itinakda sayo..

Oo. Princess Juliet is his mate. Nakatadhana siya sa tao pero itinadhana din siya maging panginoon ng mga kalahi niyang lobo. Sumuway man siya o hindi kapalaran na niya ang maging panginoon ng mga Lobo.

A forbidden love,huh.

Hinayaan niya ang sarili na pagmasdan ang dalaga habang abala ito sa pagpapanuod sa pagbuhos ng tubig mula sa ituktok ng talon. She's look like an angel pero anghel na maatityud. Hindi. Masyado lang ito straight forward na tao. Wala ito pakielam ipakita kung sino at ano ang ugali na meron ito.

Mabuti na lang maganda..

Kahit hindi maganda basta may mabuting puso.

"Kanina ka pa dyan?"

Napukaw siya sa bigla pagsalita nito. Gulat at maang na nakatingin ito sa kanya.

"Ngayon lang naman,"tugon niya.

Tumaas ang isang kilay nito.

"Alam ko kanina ka pa dyan,nararamdaman kita,"pagtataray nito sabi na kinangisi niya.

Nakahalukipkip ang mga braso nito sa harapan.

"Pero tinanong mo kung kanina pa ko dito?"tuya niya tugon rito.

Tumaas ang isa nito kilay at nanatili ang masungit nitong anyo.

Bakit aliw na aliw siya makita nasa ganun ang ekspresyon ng dalaga samantala noong una sinasabi pa niyang maattitude ito.

Isa sa katangian niya bilang tao na siyang tatanggapin mo..

Ipinilig niya ang ulo. Is he accepted now?

Tinatanggap na ba talaga niya na may itinakda nga sa kanya?

"Magtitigan na lang ba tayo? Bukas na ang alis ko,"untag nito sa kanya. Ang masungit na anyo nito ay napalitan ng...lungkot.

"Saan mo gusto pumunta kung ganun?"

"Doon pa rin,"agad nito sagot.

"Ayaw mo sa ibang lugar?"panunubok niya.

"Mas maganda dun kaysa sa lugar na meron dito saka..mamimiss ko ang lugar na yun,"sagot nito.

Tumango-tango siya.

"Kung iyan ang gusto mo,"anang niya saka nauna ng lumakad.

Sumunod naman kaagad ang dalaga sa kanya.

"May tanong nga pala ako,"mayamaya turan nito habang sinusubukan nitong sabayan siya sa paglalakad.

"Ano yun?"tugon niya na hindi ito sinusulyapan.

"Nagkausap ba kayo ni Lolo Ignacio?"

Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ito. Tumigil naman ito kaagad at humarap sa kanya. Hinihintay ang sagot mula sa kanya.

Forbidden Love of Zayne Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon