Chapter 30

516 55 4
                                    

She deserved the whole day rest. Matapos matanggap ang magadang balita pagkatapos ng launching event ay maswerteng siya ang napili at sa susunod na araw ay pipirma na siya. Makakatrabaho na niya si Ms.Madielyn Hilton.

How she lucky is,right.

Wala nakakaalam na nakaharap na niya ito ng personal ngayon naman ay siya pa ang napili para maging isa sa designer ng kompanya nito.

Sobrang saya ng puso niya.

Maaga siya nagising kaya naisipan niyang magjogging malapit lang sa condo unit niya. Kailan nga ba ang huling beses na nagjogging siya?

Hindi na niya maalala.

Wearing a black jogging pants and printed jacket na nakasaklob sa ulo niya ang hood niyun ay mabagal na inikot niya ang parke kung saan may ilan din residence roon na nagjajogging .

Pajogging ang ginawa niya habang tinutungo ang crossing road pabalik sa condo unit niya dahil mataas na din ang araw. Napatigil siya sa pagjogging ng makita ang pamilyar na bulto na nakatayo sa kasama ang ilan tao na tatawid din sa kabilang kalsada.

Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso niya. Mas hinihingal pa siya ngayon gawa ng pagririgodon ng puso niya kaysa ng nagjogging siya.

Humakbang ang mga paa niya na hindi inaalis ang tingin sa kinatatayuan nito.

Huminga siya ng malalim saka tinanggal ang pagkakasaklob ng hood niya sa ulo saka pasimpleng sinulyapan ang lalaki na may isang tao ang nakapagitan sa kanila. May nakapasak na earphone sa magkabila tainga niya habang pinapakinggan ang paborito niyang kanta ng paborito niyang ppop boyband.

He's wearing a black cap and black leather jacket.

Kahit ano suotin nito hindi maikakaila ang maganda tindig ng katawan nito. Maikokompara ito sa isang modelo.

Muli siya huminga ng malalim para kumalma ang paggalabog ng dibdib niya. Deretso ang tingin sa mga sasakyan na dumadaraan.

Dumami na ang tao na nakahinto din upang hintayin ang paghinto ng mga sasakyan. Nasa harapan siya at isang tao ang pagitan mula sa lalaki na hindi man lang lumilingon sa kanya.

Is he pretending na hindi siya nito nakita?

Kaya nga niya tinanggal ang hood sa ulo niya para makita siya nito pero mukhang wala ito balak na tumingin sa kanya.

Imagining the world becomes slow everything is in the slow motion while her favorite ballad song Hanggang sa Huli song playing.

Hindi talaga siya nagkamali na nasa paligid lang ito.

Hindi lang guniguni iyun. Binabantayan siya nito.

Sinundan ba siya rito?

Pero bakit hindi ito lumalapit sa kanya?

Napanguso siya sa isipin iyun. Gusto niya magtampo at magdemand pero sino ba siya?

Wala naman sila label saka siya lang assuming sa kanilang dalawa.

Napukaw siya ng huminto na ang mga sasakyan indikasyon na kailangan na nila tumawid sa kabilang kalsada at doon na din bumalik sa realidad ang lahat mula sa mala-korean drama ang peg niya sa eksena niya ngayon.

Kung hindi pa siya nasagi ay hindi pa siya hahakbang at ng makita na hindi rin gumagalaw ang lalaki gaya niya ang nasasagi rin ng tatawid.

Nakagat niya ang pang-ibaba labi.

Gusto ba nito sabay sila?

Pinigilan niya na mapangiti. Magkukunwari din siya na hindi niya ito kilala.

Forbidden Love of Zayne Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon