Simula

851 56 8
                                    

Hindi madali ang nakaatang na responsibilidad bilang isang panginoon ng mga Lobo sa Mundong-Colai. Napakalaking gampanin iyun pero hindi siya nagsisisi na pinili niya iyun kapalit man niyun ay ang mawalay sa kanyang mahal sa buhay. Pangarap niya na mabuo ang kanyang pamilya at dahil sa pagiging panginoon ng mga Lobo ng kanyang ama na si Zei ay hindi iyun mangyayari kung hindi nito pipiliin ang kanyang ina na napakalaking sakripisyo para sa ama ngunit dahil nakaatang rito ang Mundong-Colai bilang isang panginoon kinailangan may pumalit rito at hinding-hindi siya nagsisisi na maging panginoon ngayon ng mga Lobo.

Payapa at matiwasay naman ang pamumuhay ng kanyang mundong kinabibilangan ngayon lalo na ang mga ibang prinsipe na pinili na manatili sa Mundong-Colai sa kani-kanilang distrito na kinabibilangan.

Aminado naman pa rin siya na pinangungulilaan niya ang mundong kinalakhan niya at nagpasya siya na gaya ng kanyang ama na pumaroo't-parito sa dalawang mundo bilang tagaprotekta. Tagaprotekta ng kanyang mahal sa buhay gaya ng kung paano pinorektahan ng kanyang ama ang mga prinsipe noon ngunit sa pagkakataon ito ang mga pronsesa naman ay siyang kanyang sinusubaybayan at ang kanyang mahal sa buhay  ang dahilan kung bakit nasa mundo siya ng mga tao hindi man malapit sa mga ito pinaparamdam pa rin niya sa mga ito na nasa paligid lang siya.

Maaliwalas ang kapaligiran natatakpan man ng matataas at ng mayayabong mga sanga ang kalangitan sa kagubatan na kinaroroonan niya ay kitang-kita pa rin ang ganda ng kalangitan. Hindi mainit sa balat ang panahon. Nasa isang kagubatan siya ngayon na madalas niyang pasyalan para magpalipas ng oras bago bumalik sa Mundong-Colai.

Living a peaceful life..untag ng kanyang inner wolf.

Pero ang peaceful na iyun ay nagambala ng isang matinis na tili mula sa boses ng isang babae sa di kalayuan sa kinaroroonan niya.

Isa sa pinangako niya sa sarili ay ang hindi maugnay sa isang tao. Ngayon isa na siyang panginoon ng mga Lobo wala ng posibilidad na magkaroon pa siya ng makakasama sa panghabambuhay.

Itinakda siya para maging isang panginoon ng mga Lobo hindi sa kanyang mate.

Ipinagkibit-balikat na lamang niya ang ingay na yun. Hindi naman bago sa kanya na may mga tao na gaya niya ay namamasyal sa loob ng kagubatan.

Hindi naman ito sagrado gaya ng Black Forest na tanging ang mate lang ng mga lobo ang makakapasok roon.

Nagpatuloy na siya sa paghakbang ng muli umalingawngaw ang tinig na iyun.

"Tulong!!!"

Napakislot ang kanyang lobo sa narinig na iyun.

Baka kailangan ng tulong..

Napabuga siya ng hininga.

"Help! Ayaw ko pa mamatay!"

Naipilig niya ang leeg sa sinabi ng babae iyun.

Well,baka naman pwede natin tulungan..

Napabuntong-hininga siya. Mas nanginginbabaw pa rin ang pagiging maawain ng kanyang inner wolf.

Pinakiramdaman niya ang kinaroroonan ng babae saka niya sinundan kung saan eksakto naroroon ito.

"No! Huwag ka lalapit! Papaluin kita ng hawak ko!"tili ng babae ng madatnan niya ito.

Nakasiksik ito sa pagitan ng malalaking ugat ng puno habang nakaamba ang mahabang kahoy sa walang kamuwang-muwang na kambing.

Nanginginain lang naman ang kambing pero may pagbabanta na sa buhay nito.

"Shoo! Stay away from me! Tulong!"

Nanatili siya sa kinatatayuan niya ilan metro ang layo mula sa babae na akala mo mamatay kapag nalapitan ito ng inosenteng kambing.

Forbidden Love of Zayne Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon