Final Chapter

672 62 15
                                    

5 years ago...

Masigabong palakpakan ang pumainlanlang sa buong venue na pinagdausan ng launching event ni Princess Juliet. Malaki ang pasasalamat niya sa mga nakasama niya sa journey niya at sa pagiging matagumpay niya ngayon. Malaki din ang naitulong ni Ms.Madielyn sa kanya karera na hindi niya mapaniwalaan na isa din palang lobo at nasagot niyun ang makahulugan sinasabi nito noong unang pag-uusap nila ng dalaga.

"Congrats,insan!!!"pagbati sa kanya ni Lawrenz pagkababa niya ng entablado.

Masaya na niyakap at hinalikan siya nito sa pisngi. Hindi niya inaasahan na makakahabol pa ito dahil nasa honeymoon trip ito.

Bumaling siya sa asawa nito na katabi nito. Nakanguso na binati siya nito.

"Congrats.."anito saka hinalikan siya nito sa pisngi.

Naitirik niya ang mga mata pero tinugon niya naman ang halik nito sa pisngi.

"Tsk,dumating pa kayo?"kunwa'y pagtatampo niya.

"Syempre love kita noh!"tugon ng pinsan niya.

"Muntik na nga ko makalimutan niyan kakamadali pagbaba ng eroplano,"nakaismid na turan naman ni Trixie.

Nginisihan niya ito.

"Hija! Anak!"paglapit ng kanya Mama kasunod ang kanyang Daddy.

Masayang-masaya ang puso niya na makita ang mga ito sa isang mahalagang araw para sa kanya.

Sa wakas unti-unti ay natanggap na ng kanyang Daddy ang karera na pinili niya.

Hinalikan niya ang kanyang magulang pagkalapit ng mga ito sa kanya.

"Si Zayne?"agad na tanong ng kanyang Mama.

Bigla tuloy siyang kinabahan sa biglaan paghahanap ng mga ito kay Tatay Zei.

Inaasahan naman niya hahanapin ng mga ito si Tatay Zei kaya hanggat matapos ang event ay iniiwasan talaga niya na makahanap ang mga ito ng mga pagkakataon na hanapin sa kanya si Tatay Zei.

Ngunit sa pagkakataon ito ay wala na siyang kawala.

Anong sasabihin mo ngayon,Julieta!?

Nakamasid sa kanya ang mga magulang at ang mag-asawa sa kanya.

Naikwento naman na niya sa sa mag-asawang Lawrenz at Trixie tungkol kay Tatay Zayne. Sa larawan lamang nakita ng mga ito ang huli.

"Oo nga pala! Ngayon lang namin siya makikilala ng personal!"untag ng pinsan niya.

Nanlalamig na ang mga palad niya sa sobrang kaba at tense. Wala siyang maisip pa na idadahilan kung bakit wala sa gabing iyun ang inaakalà ng mga ito na nobyo niya.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib bago niya sinagot ang mga ito pero bago pa bumuka ang bibig niya ay may humawak sa braso niya.

Nanlalaki ang mga mata na napalingon siya sa gilid niya.

"Magandang gabi,Tita,Tito.."pagbati ni Tatay Zei sa magulang niya.

"Wow! Mas gwapo ka pa pala sa personal kaysa sa picture na pinadala sakin ni Princess Juliet! Gusto mo bang magmodel? Kahit itry mo lang! Nabanggit ba niya na professional photographer ako?!"may excitement na sabi nito kay Tatay Zei pagkaraan magkakinlanlan sa isa't-isa.

Naalangan na napabaling sa kanya ang Tatay Zei niya.

"Hindi pwede,Lawrenz,"saway niya sa pinsan.

"Busy siya sa pamamalakad niya sa eskwelahan kaya huwag mo na dagdagan!"pinanlakihan niya ito ng mga mata.

Forbidden Love of Zayne Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon