Chapter 13

709 51 7
                                    

Princess Juliet keep calling his name.

Matalino naman pala..

He keep acting like he's nothing hear from her. Panay tawag nito sa kanya habang sumusunod sa kanya. Hindi ba ito naiingayan sa boses nito?

"Zay--"

Tumigil siya bigla sa paglalakad at dahilan iyun para mabunggo sa likuran niya ang dalaga. Hindi niya ito nilingon.

"Ouch,"daing nito.

Saka lang niya ito nilingon ng di na ito umiimik. Hawak-hawak nito ang ilong at nakasimangot ang maganda nito mukha.

Hinarap niya ito na nakakrus ang mga braso niya sa harapan.

"Ang tigas ng likod mo..kulang na lang matanggal ang ilong ko,"reklamo nito habang hinahaplos nito ang nasaktan na ilong.

"Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo kaya hindi yan mangyayari sayo,"malamig niyang sabi.

Nagsalubong ang mga kilay nito. "Bakit kasalanan ko pa?"

Napabuga na lang siya ng hininga.

"Kung nililingon mo ko habang tinatawag kita sa pangalan mo?"pataray nito tugon sa kanya.

Siya naman ang nagsalubong ang mga kilay.

"Sino naman nagsabi sayo na Zayne ang pangalan ko?"

Naningkit ang mga mata nito sa kanya.

"Push mo yan,beh. Huli ka na. Lumingon ka kanina ng unang tinawag  kita Zayne saka nakita ko sa kapa mo nakaburda na Zayne. Alangan naman sa alaga mo yun di naman fit yun sa kanya,"saad nito sa nanunuring tingin.

Hindi na siya nakaimik kaya napangisi ito. "Bakit ayaw mo sabihin ang pangalan mo,eh,maganda naman,"anito.

Ipinilig niya ang leeg habang nakatitig lang sa dalaga.

"Hindi naman na kailangan pa dahil hindi rin naman magtatagal ang pagkikita natin,"tugon niya .

Ito naman ang nawalan ng imik. Ibinaling nito ang mga mata sa kanang bahagi nito.

Hindi nakatakas sa matalas niyang mata ang pagdaan ng dismaya at lungkot sa mga mata nito.

"Ahm,malayo na tayo sa talon. Saan ba tayo pupunta?"mayamaya tanong nito.

"Malapit na tayo,"nanantiya niyang sagot habang sinisipat ang anyo nito.

Humarap na ito sa kanya saka nagpatiuna ng lumakad.

"Let's go na!"

Napabuntong-hininga siya muna saka sumunod sa dalaga.

"Hindi dyan ang daan,"turan niya rito. Agad naman ito lumiko sa tinuro niyang daan.

Taas-noo na nilampasan siya nito at derederetso ang lakad.

Umangat ang isang dulo ng mga labi niya.

Parang LQ lang ah..

Napapailing na sumunod na siya sa dalaga na nililingon siya habang mabagal na ang hakbang.

Sigurado ka na dadalhin mo siya dun?

Iyun lang ang lugar na pwede niya pagdalhan sa dalaga na wala sinuman makakaabala sa kanila.

Nilingon niya ang dalaga ng maramdaman ang paghinto nito sa paghakbang.

She look shock and amazed.

Nakaawang pa ang mga labi nito na iniikot ng mga mata ang buong paligid.

"Pag-aari ng pamilya ko ang lugar na ito,"untag niya sa dalaga.

Forbidden Love of Zayne Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon