Chapter 9

551 48 6
                                    

Pwede naman ako kumain niyan...

Nagpatuloy lang sa pagnguya si Zayne sa masarap na homemade cookies ni Princess Juliet habang prente na nakaupo sa mahabang haligi ng tore tanaw ang walang hanggan na tanawin ng mundong-colai.

Paninindigan mo na aso ka?

Mananahimik na ko..

Napangisi siya ng sumuko ito sa kagustuhan matikman ang cookies na para naman talaga sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at nagpakita siya sa dalaga sa anyong lobo. Napapailing na natigilan siya ng makitang isang piraso na lang ang cookies.

Napabuntong-hininga siya at tinitigan iyun. Isa na lang at bitin pa siya. Hindi niya alam kung bibigyan ba siya ulit ng dalaga.

Naipilig niya ang leeg saka kinagatan na iyun hanggan sa malunok na niya.

Pupuntahan ba natin siya ulit?

Bukod sa gubat at talon nakasanayan na din niya puntahan ang balkonahe ng dalaga.

Napakatahimik na ng gabi at tanging ingay ng mga panggabing hayop ang siyang maririnig sa gitna ng katahimikan.

Sa anyong lobo niya ay maingat na isinara niya ang bukas na sliding door nito. Tinanaw mula sa loob ang mahimbing na natutulog na dalaga habang ang kapa niya na siyang ginawa nitong kumot.

Mahalaga sa kanya ang kapa pero mas mahalaga na ito sa dalaga.

Tsk.

Ilang minuto pa ay nagpasya na nila lisanin ang balkonahe ng dalaga at mula sa ikalawang palapag ay walang ingay na lumapat sa damuhan ang anyong tao niya at mabilis na nagsuot ng pang-ibaba na siyang di niya kinakalimutan magdala sa tuwing naiisipan niyang magpalit sila ng kanyang lobo.

Kinabukasan,mabilis na bumangon si Princess Juliet at tinungo ang pinaglagyan niya ng celpon at laki pasalamat niya na binilhan siya ng abuelo. Naisipan niyang videohan kung sino nga ba ang nagsasara sa balkonahe niya.

Magulo pa ang buhok na umupo siya sa paanan ng kama niya at agad na inistop ang video niyun. Mabuti na lang pangmatagalan ang aparato sa pagvivideo.

Fast forward ang ginawa niya sa haba ng duration time niyun at bandang dalawang oras na pagvivideo doon napalapit ang mukha niya sa aparato. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang panilyar na nilalang.

Zayne?!!!

Ang alaga ng lalaking misteryoso!

Isinara nito ang sliding door gamit ang nguso nito at ilang minuto pa ay umalis na ito.

Napakurap-kurap siya at hindi siya makapaniwala!

All this time ang alaga pala nito ang nagsasara niyun?

Posible din kaya na kasama ito ng alaga? Paano naiisip ng alaga nito gawin yun kung hindi ito tuturuan?

Awang ang mga labi na napalingon siya sa nakasarang balkonahe niya.

Tama sila ng hinuha ng kanyang abuelo.

Gusto niya mapalapit sa alaga nito!

Mukha naman harmless ito kahit nakakaba ang sobrang laki nito pero sa nasaksihan niya ngayon sigurado siya na hindi siya nito sasaktan!

Napangiti siya at nakaramdam ng kilig. Mabuti pa ang alaga nito si Zayne expressive,tsk.

Napakagat siya sa gilid ng labi niya pigil na mapatili.

Dinaan niya sa pagbuntong-hininga ang nararamdaman kilig.

What a wonderful morning!

Wala dapat makaalam tungkol sa mag-amo iyun. Sigurado siya na siya lang ang hinayaan ng mga ito na makita ang mga ito lalo na ang alagang lobo nito.

Forbidden Love of Zayne Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon