Chapter 20

417 51 4
                                    

Pasapit na ang dilim.  Mabilis na binalot ng lungkot ang puso ni Princess Juliet dahil alam niyang ilan oras na lang din ay babalik na siya sa realidad ng buhay. Ang totoong buhay na kinagisnan niya. Napabuga siya ng hininga habang palabas ng mahiwagang gubat. Ang lugar na hahanap-hanapin niya tiyak. Kung wala lamang siyang responsibilidad sa labas ng probinsiya ito. Mas nanaisin na lamang niya manatili sa lugar na ito.

Ngunit ang katanungan lamang ay Kung pipiliin niya naman manatili sa lugar na ito ay hindi naman magbabago na hindi siya gusto ni Zayne.

"Nandito na tayo,"untag sa kanya ni Zayne.

Tinanaw niya ang kinatatayuan ng Villa ng kanyang Lolo Ignacio.

Ayaw na humakbang ng mga paa niya kasi alam niyang hindi na muli niya makikita pa ang lalaki.

Pinuno niya ng hangin ang kanyang dibdib na kanina pa mabigat sa pakiramdam niya saka dahan-dahan hinarap ito na tahimik lamang na nakamasid sa kanya.

"Madaling araw kami aalis ni Lolo kaya...malamang ito na ang huli natin pagkikita,"saad niya sa mabigat na pakiramdam.

Tumango naman ito na walang sinasabi. Nagbigay iyun sa kanya ng kirot sa puso niya.

Tumikhim siya upang palisin ang tila may bumabara sa lalamunan niya.

"Ahm,paalam na?"untag niya sa lalaki.

Tumango lamang ito muli.

"Okay,"tatango-tango niyang tugon.

Come on,Julieta! tumalikod ka na!

"Mauna ka na saka na ako papasok sa loob,"untag niya rito.

Saka lamang siya nakakuha ng ibang reaksyon rito ng sinulyapan nito ang bahay. Saka ibinalik nito sa kanya ang halos kulay ginto nitong mga mata.

Her heart beat so fast now.

"Mag-iingat ka,"usal nito.

"Okay,salamat.."anas niya. Ang bigat sa pakiramdam. Ang sikip sa dibdib.

Bakit pa kailangan makaramdam siya ng ganito kung tanggap naman niya?

Kasabay ng paggalaw ng lalaki ay kasabay din niyun ang pag-angat ng isa niyang braso. Inabot ang braso nito na hindi pa man tuluyan nakakatalikod sa kanya.

Humigpit ang kapit niya sa braso nito.

Ano na,Julieta?!

Ipinikit niya ng mariin ang mga mata.

"Pwede ba kitang yakapin?"mabilis na sabi niya habang mariin pa rin nakapikit ang mga mata niya.

Pigil-pigil pa niya ang paghinga. Aasa pa ba siya? Baka lalo lang siya masaktan?

Gumalaw ito at inaasahan niya na aalisin nito ang pagkakapit niya braso nito o di naman kaya ay irireject na naman siya nito.

Okay. Tanggap na niya.

Bago pa man niya na unahan ito ay napamulat siya ng unti-unti maramdaman niya ang paghila nito sa kanya hanggan sa bumalot sa kanya ang mainit na yakap nito.

Nanlalaki ang kanyang mga mata at pag-awang ng mga labi niya sa hindi pagkapaniwala na papayagan siya nito na pagbigyan siya sa hiling niya.

Dinig na dinig niya ang napakabilis ng tibok ng puso nito o ng tibok ng puso niya?

Ganito pala ang pakiramdam na yakapin ka ng taong gustong-gusto mo!

Nakakaestatwa?

Naku,Julieta! Samantalahin mo na!

Forbidden Love of Zayne Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon