It's her lucky charm. Yes it is!
Masayang-masaya na linanghap ni Princess Juliet ang kapa habang sakay ng elevator paakyat sa floor ng condo unit niya.
Kung may nakasabay lang siya sa loob ng elevator baka isipin na nababaliw na siya dahil panay ang tawa niya.
Yes,she's so happy. Sobrang saya niya na sa tingin niya aabot hanggang sa susunod na taon ang saya at kilig niya.
Akalain mo isang kapa nagbibigay sa kanya ng saya ngayon at kilig.
Bumukas ang elevator. Dim na ang ilaw sa hallway patungo sa unit niya at sa bandang dulo pa iyun pero natigilan siya sa paglalakad ng may kung ano siyang kakaibang pakiramdam.
Umiling siya at saka nagpatuloy sa paglalakad ng makaramdam siya ng yabag na kasabay sa paghakbang niya at nawala din ng tumigil siya.
Ano ba nangyayari?
Nagmadali na lang siya sa paglalakad dahil pakiramdam niya nasa isang horror scene siya. Nagmamadali na kinuha niya ang keycard niya at isang tili ang kumawala sa bibig niya ng may humawak sa balikat niya.
Gulat at takot na nilingon niya ang humawak sa kanya.
"Ano ba?!"asik niya ng makilala kung sino ang hinayupak na humawak sa kanya.
Isang tawa ang kumawala rito.
"Matatakutin ka pala!"nang-aasar pa nitong turan.
Hinampas niya ito ng bag niya na natatawa na inilagan naman iyun.
"Baliw ka! Ikaw lang pala yan! Kailangan manggulat ka pa!"inis na inis na sabi niya rito.
"Okay! Chill! Aray! Masakit na!"tumatawa pa rin nito turan.
Humihingal na tumigil siya sa pananakit rito.
"Ano ba ginagawa mo rito?"
"Pasok muna tayo sa loob kanina pa ko maghihintay sayo saka gutom na gutom na ko eh,"reklamo nito sabay hawak sa sikmura nito.
"Eh bakit hindi mo ako tinawagan?"tugon niya saka binuksan na ang pintuan at sumunod ito sa pagpasok.
Nilapag niya sa center table ang bag niya at maingat na sinampay ang kapa sa may arm rest ng pahabang sofa niya. Pabagsak na umupo roon ang kanyang pinsan na si Lawrenz.
Dumikwarto ito at nakangisi sa kanya.
"Himala umuwi ka?"untag niya rito habang hinahanapan ito ng makakain.
Nilingon niya ito at nakapatong na sa headrest ang baba nito sa pagitan niyun ang braso nito.
"Next project ko dito eh,"anito.
Tinaasan niya ito ng kilay. Isa itong sikat na photographer pero mas pinili nito mamuhay sa ibang bansa.
"Talaga..well,congrats and goodluck,"turan niya saka nagpatuloy sa paghahanda ng makakain nito.
"May nakuha nga pala ako sa labas ng pintuan mo,"anang ni Lawrenz.
Hindi niya ito nilingon. Papalapit ang yabag nito sa kanya.
"Kakaiba siya. It's look like real one,actually.."anito.
Nilingon nito saka nanlaki ang mga mata niya ng pinitas nito ang isang petal ng kulay gintong rosas.
"No!"
Nagulat ito sa lakas ng boses niya kaya natuliro ito saka hinablot niya rito ang hawak. Hinablot din niya ang petals na hawak nito.
Unti-unti nalanta ang rosas na kinaawang ng mga labi niya.
"What happen?"
Agad na tinapon niya sa basurahan ang rosas.
![](https://img.wattpad.com/cover/206982133-288-k45685.jpg)
BINABASA MO ANG
Forbidden Love of Zayne Rostov byCallmeAngge(COMPLETED)
WerewolfHe's born a become a new God of Wolf in Mundong-Colai. He choose it..dahil gusto niya ibigay sa pinakamamahal niyang ina na si Adeline ang hinihintay nitong pagbabalik ng kanyang Ama,na sinuko naman ang pagiging panginoon nito para sa kanila pero si...