E *27*

460 13 1
                                    

E *27*

Ipuwenesto nila si Charlyn sa tabi nong kausap ni Hanz kanina, na sa tingin ko'y yun ang leader sa kabilang grupo. 

"Maling galaw lang ni Charlyn, panigurado dudugo leeg niya. Ang malala pa, baka maging sanhi ng pagkamatay niya," boses ni William kaya napatingin ako sa kaniya. Bakas ang pag-aalala at takot para kay Charlyn.

Nakaramdam ako ng kaba sa kaniyang tinuran. Pailing iling naman si Ron na nakatutok ang mata sa harap.

"Huwag niyo siyang tutukan ng kutsilyo," mariing usal ni Hanz na masamang nakatingin sa dalawang nakahawak kay Charlyn.

Napahalakhak naman ang kaharap, "Bakit tila ikaw pa ang takot na takot samantalang yung mismong tinutukan ay hindi mababakasan ng kahit ano mang kaba lalong lalo na ang takot?"

Tinignan niya ito, "Pakawalan niyo siya," nagtatangis ang mga panga at nanlilisik na mata.

Tinignan niya lamang ito ng nakangise at itinuon ang mata kay Charlyn. Tinignan din siya ni Charlyn na parang walang kwenta at nabuburyo.

Itinaas nong lider ang kaniyang kamay upang haplusin ang maliit na mukha ni Charlyn, "Hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay ka sa babaeng ito," pinasadahan niya ng tingin mula paa hanggang ulo, "Maganda at," sinadya niyang bitinin ang sasabihin upang humarap ulit kay Hanz at dinilaan ang ibabang labi nito, "Masarap."

Mas tumalim ang tingin ni Hanz, "Pvtangina mo! Anong ginawa mo sa kaniya?! Ha? Gago ka!"

Akmang susugod na ito nang mas inilapit nila ang patalim sa leeg ni Charlyn, "Sige! Lumapit ka at mamatay itong babaeng ito!" paghahamon nong isa.

Napahinto si Hanz at halata ang panginginig ng kamao niya sa galit habang masamang nakatitig kay Charlyn.

Napangise ulit ang isa,"Bakit nga ba ganyan ang reaksyon mo? Hindi ba't kilala itong shuta ng lahat? At balita ko'y marami nang nakatikim sa kaniya. Baka nga pate ikaw at ibang grupo mo ay naikama na nila yan. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na bukod sayo, may gusto rin ang ilan sa mga kagrupo sa kaniya."

Napatingin ako kay Charlyn at bigla akong nalungkot nang makita ang lungkot sa kaniyang mata na nakatingin sa baba. Nanlaki ang mata ko nang igalaw niya ang kaniyang mata at saktong huminto sa akin. Mas lumungkot ang kaniyang mata at mabilis na ibinaling ang tingin sa dalawang nag-uusap.

"Gago! Hindi ako katulad mo! May respeto ako sa kaniya! Pvtangina mo!" sunod sunod na pagmumura ni Hanz.

"Tsk," tinig mula kay Charlyn kaya napatingin lahat sa kaniya, "Puro kayo satsat. May bibilhin pa ako," wika niya na tila naiinip at mabilis na hinawakan ang palapulsuhan ng dalawang nakahawak ng kutsilyo. Pinindot niya ito dahilan ng pagkabitaw ng mga hawak nilang kutsilyo. Napahiyaw ang dalawa sa sakit.

Naging hudyat iyon upang sugudin nila Hanz ang grupo nong isa at doon na nagsimula ang laban nila. Naglabas ng kutsilyo ang grupo nong isa samantalang baseball bat naman ang hawak ng grupo ni Hanz. Napuno ng daing ng bahay at baseball bat na pumapalo sa iba't ibang parte ng katawan. Base sa galaw at paraan ng paghawak ng mga hawak nila, mas eksperto ang grupo ni Hanz sa paggamit at pakikipaglaban dahil sa galing nila sa pagdedepensa ng sarili.

"I didn't expect she's this good at taking down."

Napatingin ako kay Ron at nakatulala na halata ang pagkamangha sa mukha. Sinundan ko ang tingin ng kaniyang mata at nakita si Charlyn na kasalukuyang ginugulpi ang bawat kalaban na sumusugod sa kaniya.

Namangha ako at sunod sunod na napalunok nang hinawakan niya ang kamay nong dalawang lumapit sa kaniya at inikot iyon patalikod. Bumulagta ang dalawa at kinuha ang pagkakataon. Pinagdikit ang dalawang nakahiga at hinawakan ang braso nila, ipwenesto ang magkabilang paa sa tapat ng kili-kili nila. Pinagkrus ang dalawang braso na hawak at pabiglang umupo si Charlyn kasunod ng paghiyaw sa sakit nong dalawa.

Pinalo palo nong dalawa ang lapag gamit ang isa nilang kamay. Sinubukan nilang tanggalin ang kamay ni Charlyn na nakahawak sa braso nila ngunit mas hinigpitan ay diniinan nito ang hawak dahilan upang magwala sa sakit ang dalawa. Pinakawalan na ni Charlyn ang braso nong dalawa.

Tila naramdaman nito ang presensya ng lalaki papasugod sa kaniya dahil mabilis siyang tumayo para lamang paharap na sipain ang mukha ng lalaki. Napatumba ito sa sahig sa lakas ng impact nito at malakas na sinuntok ang mukha. Mabilis na nakatulog ang lalaki.

Hindi niya napansin ang panibagong sumugod sa kaniya kaya natamaas siya sa kanang braso. Nakita ko sa mata niya ang sakit at nagsalubong ang kilay niya. Mabilis na hinuli niya ang kamay ng taong sumaksak sa kaniya at agad na sinakal paitaas nang mabitawan na nito ang kutsilyo. Pilit nagkukumawala ang lalaki ngunit mas lalo lamang hinihigpitan ni Charlyn ang pagkakahawak nito.

"How dare you gave wounds to me," mariing usal ni Charlyn.

Lumapit sa kaniya si Hanz at pilit tinatanggal nito ang kamay sa lalaki, "Charlyn, let him go! Mapapatay mo siya!"

Tila natauhan si Charlyn at mabilis na binitawan ang lalaki. Bahagyang napadaing siya ng hawakan ni Hanz ang braso niyang nadaplisan.

"May sugat ka! Tara, gagamutin natin yan!" bakas ang pag-aalala sa boses ni Hanz, lalong lalo na sa mukha.

Sinamaan lang ni Charlyn nito ng tingin, "Tsk, ang tagal niyo kaseng mag-usap."

Tinakpan niya ang kaniyang sugat gamit ang kamay bagama't patuloy pa rin sa paglabas ang dugo. Nahahaluaan na ng mantya ng dugo ang kaniyang uniporme na kulay white.

Tinabig niya si Hanz at nagsimula nang maglakad papalabas ng bahay. Napatingin siya sa gawi ko at bumalik sa walang emosyon ang kaniyang ekpresyon. Agad din siyang nag-iwas ng tingin at pinagpatuloy ang paglalakad. 

Doon ko lamang napansin na tumba na lahat ng kalaban nila. Nakahandusay ang iba na walang malay at ang iba naman ay humihiyaw sa sakit na nararamdaman habang hawak hawak ang iba't ibang parte ng katawan.

Ang grupo naman ni Hanz ay nakaupo ang iba na nakasandal sa dingding, nakatuon ang kamay sa magkabilang tuhod habang nakatayo't hinahabol ang hininga, at nagpupunas ng pawis gamit ang palad.

Huminto si Charlyn sa paglalakad at hinarap sila Hanz, "Salamat sa pagdating pero kung ganong kabagal kayo kumilos lalo na ang makipag-usap, huwag na lang kayo susunod. Maraming oras ang nasasayang, tsk!" singhal niya at tuluyan nang lumabas.

Hanggang ngayon ay hindi ko maiwasang magtaka at mamangha kung paano siya makipaglaban. Alam ko naman na palagi siyang nasasangkot sa gulo at laging nakikipag-away pero hindi ko inaakalang ganoon siya kahusay. 

The Playgirl In Boys Section ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon