R *34*

372 16 2
                                    

R *34*


Nakayuko lang ako habang hinahayaan ang malamig na tubig na nagmumula sa shower. Walang laman ang isip ko pero parang punong puno ito. Hindi ko maintindihan, nawawalan na naman ako sa wisyo.

Kanina ko lang napansin na hindi ko pala suot ang eyeglasses ko. Marahil ay nawala noong nahulog ako sa pool. Hindi naman ganoon kalabo ang mata ko kaya nakakakita pa rin ako.

"Aren't you done yet?"

Napatingin ako sa kaliwa at doon ay nakita si Charlyn na may hawak na towel at damit. Hindi katulad kanina na walang cover ang katawan niya. Ngayon ay nakasuot siya ng malaking damit pero nakikita pa rin ang suot niya sa loob dahil manipis ito. Ngunit para sa akin ay mas maigi na ngayon.

Hindi ko alam kung papaano ko siya kakausapin matapos ang nalaman ko. Sa tuwing ma-iisip ko na naglapat ang labi namin ay kinakabahan ko. Siya ang first kiss ko!

Sinikap kong kalimutan ang nangyari kanina at hinarap siya. "Ah patapos na."

Naglakad siya papalapit sa akin at inabot ang tuwalya. Mabilis ko naman itong kinuha dahil nagsisimula na akong manginig sa lamig.

"That towel is mine. "

Napatigil ako sa ginagawang pagpunas sa buhok ko at wala sa sariling ibinalik iyon sa kaniya. "Sorry, hindi ko alam—"

"Nah, I let you use it." Ibinalik niya sa akin yung towel. "And here's your clothes. William volunteered and wanted you to borrow his things. He's one of your close friends right?"

Tumango ako.

"Alright. I'll just wait you there."

Mabilis akong nagpalit ng damit pagkaalis niya. Hindi ko maiwasang iyakap ang towel sa katawan ko dahil sobrang bango. Ang lambot pa!

Pagdating sa cottage namin ay napansin nila ang presensya ko kaya napatingin sila sa akin. Lumapit ang dalawang matalik kong kaibigan at inakbayan.

"Ano pre? Malambot ba?" nanunuksong tanong ni Ron.

"Matamis ba ang lasa?" gatong ni William.

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko nang napagtanto ang ibig nilang sabihin. Napatingin ako kay Charlyn na wala na namang emosyon na nakatingin sa akin, hindi narinig ang sinabi ng dalawa. Mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"H-hindi ko alam," alanganin at utal kong sambit.

Matunog silang ngumise at kinindatan saka pa-iling iling.

"Ken! Tara shot tayo!"

Napatingin ako kay Gino—isa sa mga nagpapagawa ng activity niya noon sa akin.

Napatingin ako sa lamesa at doon ko lang napansin ang maraming iba't ibang uri ng alak. Maraming set sa ibaba ng lamesa. May mga pagkain din na marahil iyon ang kanilang pulutan. May mga ilang babae rin ang narito na katabi ang mga classmates kong lalaki. Siguro mga shota nila ang mga ito.

Lumapit ako sa kanila. Inabot ni Leo ang baso na may lamang alak. Tinabig naman ni Charlyn ang kamay niya. Umiling siya habang seryoso ang mukha.

"No, he will not drink."

Ngumite ako kay Leo. "Pasensya na pero hindi ako umiinom."

Naupo lang ako sa cottage kasama ang dalawa kong kaibigan. Ang iba ay patuloy na nag-iinuman. May mga kumakanta rin sa videoke at sumasayaw. May mga umaalis kasama ang mga shota nila. May mga naliligo lang sa pool at naglalaro ng bola. Si Charlyn naman ay hindi ko makita.

Biglang lumitaw si Charlyn at ibinigay ni Miguel ang baso na may alak sa kaniya pagkatapat sa kanila. Mabilis naman niya itong kinuha at dire-diretsong tinungga. Naki-upo siya roon at nakisali sa mga umiinom.

"Alam mo, tingin ko crush ka ni Charlyn."

Bahagya akong nagulat sa biglaang pagsasalita ni Ron. Napatingin ako sa kaniya at ang kaniyang mata ay na kay Charlyn na dahan dahang lumipat sa akin.

"Pansin ko rin," segunda ni William.

Hindi ko maintindihan ang biglaang kaba na bumalot sa akin. Paulit-ulit akong lumunok para makapagsalita. "P-paano niyo naman nasabi?"

"Iba e. Iba yung pakikitungo niya sayo. Iba yung tingin niya sayo. Iba siya kapag kasama ka niya. Basta nagiging iba siya pagdating sayo." Si William ang sumagot.

"Siguro yun ay dahil alam niyang lampa ako."

"Ano konek? Hindi lang naman Ikaw ang lampa. Maraming lampa sa paligid niya pero ikaw lang ang binibigyan niya ng special treatment."

"Oo nga. Baliktad pa nga e. Dapat ikaw ang nagtatanggol sa kaniya, nanlilibre, naghahatid, at promoprotekta dahil ikaw ang lalaki at siya ang babae," pagsang-ayon ni Ron.

Hindi na ako umimik pa matapos iyon. Pinilit kong hindi maniwala dahil ayoko namang umasa bagama't wala akong gusto sa kaniya. Pero hindi malabong magkagusto.

Matapos ang ilang sandali ay nag-aya silang maglaro ng truth or dare. Halos lahat ng classmate ko ay andito na. Nag-form kami ng circle na bumuo ng malaki dahil nasa trenta kami.

Unang nagpa-ikot ng bottle ay si Frits na tumapat kay Charlyn agad. Ngumise si Frits. "Truth or Dare?"

Mapupungay na ang mata ni Charlyn dahil sa alak pero nanatiling malamig ang kaniyang reaksyon. Ni hindi man lang kakikitaan ng kaba sa mangyayari. "Dare."

Mas lalong lumaki ang ngise ni Frits at humalakhak. "Kiss me," kagat labing usal niya na parang kinikilig.

"Hoy! Mapagsamantala ka ah!" reklamo ni Leo na wala pa man ay naiinggit na.

Dinilatan lang siya ni Frits at natulala nang halikan siya ni Charlyn sa pisnge. Hindi namin iyon inaasahan!

Napa-wooo ang mga kaklase namin sa biglaang kilos niya. Ang iba ay naiinggit at nag-aagawan sa bote kung sino ang magpapa-ikot, umaasa na kay Charlyn tumapat.

Agad namang napunta sa akin ang tingin ni Charlyn. Titig na titig siya sa akin na kinakunot ng noo ko. Wala sa sariling napatitig din ako sa maganda niyang mukha kahit namumula na dala ng alak. Minuto ang lumipas at nakita ko ang bumalatay na lungkot sa mukha niya. Maya maya pa ay nagtutubig na ito!

Naalerto ako at akmang lalapitan nang mag-iwas siya ng tingin. Sakto namang sa akin tumapat ang bote.

"Truth or Dare?" Si Winz ang nagtanong kaya malamang siya ang nagpa-ikot.

"T-truth."

"Name ng babaeng mahal mo?"

Napangite ako, "Cynthia."

Napatingin kami sa biglaang pagtayo ni Charlyn. Nagulat ako nang makita ang tubig na tumutulo mula sa mukha niya. Bagama't nakayuko siya, alam kong umiiyak siya!

Anong nangyayari sa kaniya?



The Playgirl In Boys Section ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon