G *32*
Lumipas ang Tuesday, Wednesday, at Thursday na nakikinig sa prof, nagpapasa ng mga activities, at nakakasalamuha nang maayos.
Meron pa yung nag-aya silang mag-foodtrip na lang kami imbes na pumunta sa canteen for lunch. Nag-order sila ng Jollibee at ang gumastos non ay si Eric. Hindi na yun kataka taka dahil talagang mayayaman ang mga classmates ko. Ako lang ata yung mahirap dito. Yung dalawang kaibigan ko naman ay mayayaman yung mga yun, sadyang hindi lang showy sa mga kayamanan nila.
Pagkatapos ng klase sa araw na iyon ay nagtungo kami sa Market para bumili ng materyales sa kusina at stock na pagkain. Magluluto na lang daw kami ng kakain instead na bumili. Si Charlyn ang nagbayad sa ambag ko dahil nag-iipon talaga ako. Nagboluntaryo ako na ako na lang ang taga-luto since marunong ako sa kusina. Natuwa naman sila dahil hindi nila alam magluto.
Tumibay ang samahan ng lahat sa section namin. Hindi ko inakala na dati ay binu-bully lang ako, ngayon kinokonsider na nila akong kaklase at kaibigan. Si Charlyn na pinag-aawayan ng mga lalaki, ngayon ay nagkakasundo na. Isinantabi na nila yung nararamdaman nila para sa magandang samahan ng Section Ball.
Nakakapanibago talaga ang nangyayari sa paligid pero pabor na pabor sa akin dahil gusto ko ng kapayapaan.
"Class, I am so proud of this section. You really changed for good. All of you passed my quizzes and that is really an achievement. Keep it up students!"
Ika-apat na teacher na namin ang nagsabi ng ganyan, hindi man saktong ganyan pero iisa ang ibig sabihin. Gumanda ang academic performance namin.
Nakakatuwa na napapansin nila ang mga improvement namin. Patunay lang na nagbibigay talaga sila ng atensiyon sa amin. Sana talaga tuloy tuloy na para maging maganda ang background tungkol sa section namin. Tinuturing kase na hell section ito dahil sa mga estudyante. Kaming tatlo lang ng mga kaibigan ko noon ang naiiba.
"Aray!" daing ko nang sa hindi inaasahan ang talim ng kutsilyo na dumikit sa kamay ko.
Kasalukuyan akong naghihiwa ng potatoes. Lunch break na namin ngayon at naghahanda na ako ng mga ingredients para sa lulutuin kong ulam namin. Adobong manok ang lulutuin ko.
Bahagya akong nagulat nang biglang sumulpot si Charlyn sa harap ko at hinawakan ang kamay na nagdudugo. Sinipat niya ito na mukhang pinag-aaralan.
"Tsk, what was inside your mind? You should focus on what you are doing. Clumsy." Bakas ang irita sa tinig niya at salubong ang kilay. Tinignan niya ang mga kaklase na masayang naglalaro ng kung ano ano. "Hoy! Tumulong nga rin kayo rito! Puro na lang si Ken ang nagluluto. Learn on how to cook!"
Agad na napatingin sa kanila si Charlyn at sabay sabay na tumayo at sumalado. "Masusunod mahal na Reyna."
"Take care of this. Just peel this potatoes and carrots. Then cut it into four pieces. Wait me and I will teach on how to make this adobo. I'll just clean his wounds."
Bumalatay ang pag-aalala sa mukha nila nang napatingin sila sa kamay ko. Akmang hahawakan sana nila kaso pinigilan sila ni Charlyn. Hinatak naman niya ako papunta sa loob ng room para roon gamutin.
Ang nagsilbing kusina namin ay sa likod ng room. Gumawa sila ng maliit na kubo roon. Hindi naman pwede na gawin naming kusina ang room dahil tiyak na mapapagalitan kami.
"Marunong ka magluto?" kuryos kong tanong dahil hindi halata sa kaniya.
Tinapos niya ang ginagawa sa kamay ko bago sumagot. "Yeah, I used myself to it since I live alone in my condo."
Mabilis siyang nagpaalam na babalik sa likod para turuan magluto ang mga classmates namin, gaya nang sinabi niya kanina. Gusto niyang magpahinga ako at wala akong magawa kundi sumunod. Parang siya yung nanay namin sa section na ito, lahat kami ay sumusunod sa kaniya.
"So how it taste?" Pagsasalita ni Charlyn pagkatapos naming kumain. Walang reaksyon ang mukha niya ngunit ang tinig nito ay nagmamalaki.
"Ang saraaapppppp!!!!!"
"Pwede ng asawahin!"
"Maganda na, masarap pang magluto!"
"It taste like you, yummy."
Kaniya kaniyang komento ang mga classmates namin pero iisa lang ang ibig sabihin, masarap ang luto ni Charlyn.
Tinignan niya ako, hinihintay ang sagot ko. "Masarap."
Nag-iwas siya ng tingin pero dahil nasa kaniya ang mata ko, nakita ko ang tipid niyang ngite, pinipigilan ang sarili.
Pagkatapos ng panghapon na klase ay nagkaroon kami ng pagpupulong sa likod ng room. Lahat kami ay narito.
"Ang boring tomorrow dahil walang pasok," si Miguel mahihimigan ang lungkot sa boses.
"Outing tayo! Swimming sa A&E resort!" pag-aaya ni Eric.
Nagsisang-ayon naman ang halos lahat, tuwang tuwa at excited para bukas.
"Ikaw Charlyn, sasama ka ba?" pagtatanong ni Frits na umaasang pupunta siya.
Naramdaman ko ang matang nakapukol sa akin kaya napatingin ako rito. "Makakapunta ka ba?" titig na titig ang mata ni Charlyn.
"Titignan ko. Pupunta ako sa Orphanage bukas e. Baka susunod na lang ako sa hapon."
Itinuon na niya ang tingin sa mga classmates namin na naghihintay sa sagot niya. "Yeah, I'll come."
Pagkatapos pag-usapan ang tungkol bukas ay nagkaniya kaniyang uwian na kami. Inihatid ako ni Charlyn sa bungad ng compound namin. Madalas niya itong gawin at hindi ko naman siya matanggihan. Hindi ko maintindihan pero natutuwa ako sa gan'tong samahan namin. Nararamdaman ko na espesyal ako sa kaniya. Espesyal siya sa akin dahil kaibigan na ang turing ko sa kaniya.
Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan pagkatapos kong magpasalamat. Gaya ng dati, wala akong nakuhang sagot sa kaniya. Titig lang, walang salita.
Napatigil ako sa paglalakad nang may humarang sa akin na tatlong mama. Mukhang tatay na ang mga ito. Malalaki ang mga katawan kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng takot.
"Magandang gabi po. May kailangan po ba kayo, manong?"
Nagkatinginan sila at ipinatong ng isa ang kaniyang braso sa aking kanang balikat. Mabigat ang kaniyang braso kaya bahagyang bumaba ang balikat ko.
"Wala naman bata. Tatanungin lang namin kung kilala mo ba si Black Blood Soul," nakangiseng saad niya at hinawakan ng mahigpit ang braso ko.
Napalunok ako at lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Anong kailangan nila?
BINABASA MO ANG
The Playgirl In Boys Section ✔️
RomansaImagine'n mong isa kang playgirl. Naparusahan ka dahil sa ugali mong hindi na katanggap tanggap. They sent you to the Boys Section. Imagine? All student there are boys and take note mga pogi sila at macho including yung nerd. How's the feeling? Fee...