H *26*
"Ken! Ken!"
Abala ako sa pag-dodouble check sa bag ko kung kumpleto ba ang gamit ko nang may tumawag sa akin. Mabilis kong nilingon ang pinanggalingan ng boses.
Nakita ko ang dalawang matatalik kong kaibigan dito sa Campus, si Ron at William—nerd na katulad ko. Tumatakbo sila papunta sa direksiyon.
Nasa malapit na gate ako ng Campus. Napahinto lang ako kanina upang ma-check ang aking bag. Alas sais na ng hapon at kaninang alas kwatro pa ang dismissal ng aming klase. Ang dalawang oras na nagamit ay napunta sa matagal na meeting tungkol sa paparating na okasyon sa susunod na buwan. Isa akong president ng clubs kaya kailangan talaga ang presensya ko kanina.
"Bakit?" mahinahon kong pagtatanong sa kanila nang marating na nila ang pwesto ko.
Parehong inilagay ang kanilang palad sa magkabilang tuhod dala ng pagod sa pagtakbo. Maririnig ang kanilang hingal at kitang kita ang pagtagaktak ng kanilang pawis sa mukha. Bago sila sumagot, "Nasa panganib si Charlyn."
Napakunot ang aking noo, "Paano niyo nasabi?"
Nagtataka man ay kinuha ko ang aking dalawang panyo sa bag at mabilis na inabot sa kanilang dalawa na agad naman nilang tinanggap.
"Narinig namin ang isang estudyante na nagsumbong kay Hanz at nakita nilang dinukot si Charlyn ng mga limang lalaki at isinakay sa puting van," bakas ang pag-aalala sa mukha ni Ron.
"Ayon pa sa aking narinig, kalaban daw yun nila Hanz at si Charlyn ang kinuha nila dahil alam nilang siya ang kahinaan nito," pagpapatuloy ni William.
Si Hanz ay kilalang hearthrob sa aming Campus at hindi lingid sa kaalaman namin na leader din siya ng Fraternity. Matagal ng gusto ni Hanz si Charlyn at hindi na yun nakapagtataka.
Sabay sabay kaming napalingon sa grupo ni Hanz na nagmamadaling tumakbo patungo sa kaliwang direksiyon, bitbit ang baseball bat.
Nakilala ko ang mga ng kaklase ko. Hindi na ako nagtaka dahil halos lahat ng kaklase ko ay kasali sa frat ni Hanz.
"Tiyak na pupuntahan nila si Charlyn!" komento ni William.
"Tara! Sundan natin sila!" Ron na hinatak kami.
Nagpatianod na lang kami at tumakbo na dahil medyo malayo na kami sa kanila. Naging dahan dahan na ang aming paglalakad nang medyo malapit na kami sa kanila. Palihim namin silang sinundan dahil siguradong ayaw nila kaming sumama kapag nagkataong nalaman nila na pupunta rin kami.
Habang sinusundan namin sila, bigla akong napaisip. Panigurado na magagalit ang nanay at tatay ko kapag nalaman niyang sumama ako sa kanila kahit hindi literal. Kabilin bilinan pa man din nila na ilayo ko ang aking sarili sa anumang gulo. Pero nag-aalala ako kay Charlyn sa kung ano man ang maaring mangyari sa kaniya. Kinokonsider ko na siyang isa sa mga matatalik na kaibigan kahit isang linggo ko pa lamang siya nakakasama. At gusto kong personal na makita ang kaligtasan niya kahit wala akong magawa dahil isa akong mahina.
"Sorry, Nay, Tay," mahinang usal ko.
"Ken, tara na. Nakakalayo na naman sila."
Nakita ko ang dalawa kong kasama na napahinto para lamang tawagin ako. Hindi ko namalayan na napahinto na pala ako sa pagsunod dahil sa sandaling pag-iisip ko.
Nilingon ko ang aming sinusundan at medyo malayo na nga sila kaya agad akong tumakbo sa pwesto nong dalawa. At pinagpatuloy ang pagsunod sa grupo nila Hanz.
Mahigit trenta minuto na kaming naglalakad, kung saan saan na kami lumiko at pumasok. Hindi ko na alam kung asan kami dahil hindi naman ako lakwatsera.
Napatingin ako sa kalangitan dahil unti unti nang nagdidilim ang paligid.
Huminto ang sinusundan namin sa isang malaking bahay at sa tantya ko'y malawak ang sa loob nito. Wala itong bintana, sira ang pintuan at unti-unting nabubura ang pintura ng dingding. Ang bobong ay nababaklas na at ilang mga lumang gamit sa loob nito na nasilip ng aking mata mula sa mga sira-sirang bintana at walang bintana.
Nagtago kaming tatlo sa malaking halaman sa gilid para hindi kami makita.
"Ito na siguro yung teretoryo nong kalaban at dito dinala si Charlyn," mahinang pagsasalita ko para hindi kami marinig.
Tinignan lang ako ng dalawa at ibinalik muli ang tingin sa mga grupo ni Hanz.
"Boss, papasukin na ba natin?" pagsasalita ng isa sa mga kaklase namin na grupo ni Hanz.
Tumango si Hanz at iyon ang naging hudyat upang pasukin ang abundunang bahay.
Dahan dahan kaming lumapit sa tapat ng mga bintanan upang malaman kung ano ang nangyayari sa loob.
Naroon ang dalawang magkaibang grupo. Nasa trenta ang sa kabila at ganoon din sa grupo ni Hanz. Hindi ko makita ang mga mukha ng maigi dahil nahaharangan ito ng nasa likuran patungo sa direksyon namin.
"Tara roon tayo para mas makita natin nang maayos," pag-aaya ni Ron.
Iginaya kami sa ibang bintana na kung saan nakatagilid ang mga kaklase namin at kabilang grupo. Kita na namin ang mga mukha nila kahit papaano mula sa pwesto namin.
Nasa gitna si Hanz na masamang nakatitig sa isang lalaking matangkad sa kabilang grupo. Magkatapat lang sila ni Hanz at nakangise ito.
"Sabi na nga bang si Charlyn lang ang kahinaan mo e. Kaya inaasahan ko na ang pagdating mo," pagsasalita ng nabanggit kanina.
"Anong kailangan mo?" kalmado ngunit may diing wika ni Hanz.
"Alam mo bang nakipaghiwalay sa akin si Allysa dahil sayo? Kilala mo naman si Allysa diba? Yung babaeng mahal ko kaso iniwan ako dahil nakilala ka niya."
Lumaki ang mata ni Hanz sa gulat, "Kung sino man yang babaeng sinasabi mo ay hindi ko kilala. At wala akong balak patulan yun kung sakali man dahil si Charlyn lang ang gusto ko. Wala na akong kasalanan kung iniwan ka man niya, labas na ako roon."
Dinuro nong isa si Hanz, "Pero kasalanan mo pa rin! Kung wala ka sana sa landas namin ay hindi ito mangyayari!" malakas na sigaw nito.
Tumawa ang isa, "Nagpapatawa ka ba? Anong alam ko sa inyo at pate existence ko'y nadamay? Huwag mo akong idinadaan daan sa katangahan at kabaliwan mo! Ilabas mo si Charlyn o uubusin ko ulit ang mga tao mo?!" may pagbabanta sa tono nito.
Napangise ang lalaki at pumitik ng dalawang boses. Segundo lamang any nakalipas at lumitaw si Charlyn sa isang pinto mula sa likod nila. Hawak ito ng dalawang palaki sa balikat at kalmado lamang si Charlyn na nagpapatianod sa kanila.
Napakunot ang aking noo, "Bakit hindi ko man lamang makita sa mukha niya ang takot?" tanong ko sa aking isipan.
Dahil bukod sa hawak nila siya ay may nakatutok din na kutsilyo sa magkabilang leeg nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/247766544-288-k974159.jpg)
BINABASA MO ANG
The Playgirl In Boys Section ✔️
RomansaImagine'n mong isa kang playgirl. Naparusahan ka dahil sa ugali mong hindi na katanggap tanggap. They sent you to the Boys Section. Imagine? All student there are boys and take note mga pogi sila at macho including yung nerd. How's the feeling? Fee...