I *46*

351 11 1
                                    

46






"Anak, sigurado ka bang kaya mo nang maglakad?"

Sa pang-limang pagkakataon na tanong niya. Handa na kaming lumabas dito sa hospital para maka-uwi na. Kanina niya pa tinatanong kung kaya ko na bang maglakad o kelangan na mag-wheel chair ako sa paglabas. Makumpirma naman na ng doctor na okay na ako kaya nga pinayagan na akong umuwi ngayon.

"Oo, Nay. Kayang kaya ko na." Hindi ko magawang magsawa sa pagsagot sa kaniya dahil nanay ko siya. Bagkus, natutuwa ako dahil sa ganong paraan napapakita niya kung gaano niya ako kamahal.

Naglakad na kami palabas. Bitbit ni Inay at Itay ang mga gamit ko habang inaalalayan ako sa likod. Nasa labas na kami nang dumating ang tatlong kaibigan ni Charlyn, si Almyra, Luna at Kim. Wala sa sariling tinanaw ang kanilang pinanggalingan, umaasang makikita ko siya.

"Good morning po," bati nila sa amin na mabilis naman naming ginantihan.
Pagkatapos non ay ipinakilala ko sila sa isa't isa.

"Naku, uuwi na kami mga iha," pagbibigay alam ni Inay sa kanila.

"Alam po namin. Hindi lang po namin inaasahan na gan'to kaaga," magalang na sagot ni Luna. Siguro mga nasa 7 pa lang ng umaga.

"Atsaka, ihahatid na po namin kayo pauwi para agad ng makapagpahinga si Ken," si Almyra na bahagyang kinindatan pa ako. Naiilang na nginitian ko siya.

"Hassle rin po kase kung maghihintay pa kayo ng tricycle dyan sa labas. Sa kotse na lang po namin kayo sumakay para mas komportable ang pagkaka-upo niyo," pagsasalita ni Kim na malaki ang ngite sa amin, nanghihikayat.

Nagkatinginan kami nila Inay at Itay. "Oh siya sige. Total naman kayo," si Itay ang sumagot.

Tinulungan ng tatlo ang mga magulang ko sa pagbitbit ng gamit ko. Nahihiya man sila pero wala nang nagawa. Mapilit ang mga kaibigan ni Charlyn at ayaw magpatalo. Sabay sabay na naglakad patungo sa sasakyan ni Kim.










Pagkarating sa bahay ay naghanda si Inay ng meryenda para sa kanila bilang pasasalamat. Sandali silang nawala at pagbalik ay may dala ng tig-iisa silang malalaking supot ng plastic bag.

"Para po pala sa inyo."

Nanlalaki ang mata na nagkatinginan kami nila Inay at Itay na nakaupo sa lumang sofa. Tumayo kami para tignan ang laman ng supot na iniaabot nila sa amin. Napalunok ako ng paulit ulit ng makita na puro daily needs ang mga iyon. May mga gamot pa!

"Huwag niyo sanang mamasamain kung tatanungin ko kung bakit niyo kami binibigyan ng gan'to?" Seryoso ang tinig ni Inay.

Nagkatinginan silang tatlo at sabay sabay ring napatingin sa amin. "Gusto lang po naming tumulong."

Napatango tango na lang kami. Inilagay na namin sa kusina ang kanilang ibinigay. Inaya na magmeryenda. Nagtagal lamang sila ng kalahating oras dito dahil may pupuntahan pa raw sila. Inihatid sila nila Itay at Inay sa bungad ng compound namin. Hindi nila ako pinayagan na sumama dahil kagagaling ko lang sa hospital. Dapat daw na magpahinga na ako.

Friday ngayon kaya wala akong pasok bukas. Sa Lunes na ako makakapasok. Pinag-iisipan ko kung pupunta ba ako sa Orphanage bukas at sa Simbahan sa linggo. Nasagot naman ang bumabagabag sa akin nang kinabukasan ay dumating ang mga tao sa Orphanage upang tignan ang kalagayan ko.

"Pasensya ka na kung hindi na kami nakadalaw sa hospital. Sadyang marami lang kaming ginagawa nitong mga nakaraang araw." Huling salita ni Madre Fatima pagkatapos makapagpaalam sa akin. Nagtagal lang sila rito ng dalawang oras dahil may mga naiwan pa silang gawain sa Orphanage.




Sa sumunod na araw ay ang mga tao naman sa Simbahan ang dumalaw. Hapon iyon dahil iyon ang libreng oras nila. Tinignan lang nila ang kalagayan ko at mabilis ding umalis pagkatapos ng maikling kuwentuhan.

Wala akong ginawa kundi ang humiga lang sa kama dahil ayaw akong pagtrabahuin ng mga magulang ko. Baka raw mapagod ako at mapasama sa katawan ko. Lalo na't mahina ang katawan ko. Nagbasa na lang ako ng mga libro para hindi maburyo. At habang umaasa na dadalawin niya ako. Ngunit natapos ang araw na iyon na hindi ko nakita o naramdaman man lang ang presensya niya.

Kinaumagahan ng Lunes ay hindi ko maintindihan ang excitement na nararamdaman ko. Maaga akong nagising, mas maaga sa nakasanayan. Mabilis na nag-ayos para sa pagpasok, mas mabilis sa nakaugalian.

Aaminin kong siya ang dahilan ng aksiyon ko. Gusto ko siyang makita kahit wala siyang pakealam sa akin. Miss na miss ko na siya.

Ito yung pakiramdam na kuntento na ako sa nararamdaman ko para sa kaniya. Yung hindi na hihiling pa ng kapalit. Yung tanggap ko na na hanggang gan'to na lang ang papel ko sa kaniya. Lalaking nagkakagusto sa kaniya ng palihim.

Kagabi ko lang naisip ang mga naging aksiyon ko nitong mga nakaraan. Ang pakiramdam na masaktan dahil may karelasyon siyang iba. Ang makaramdam ng lungkot sa pambabalewala sa akin. Ang paghihintay sa kaniya na dumalaw man lang sa akin. Ang pagkasabik na makita ang kaniyang mukha. At doon ko napagtanto na gusto ko siya.

Pagkarating sa classroom ay bahagya pa akong nagulat sa inihandang sorpresa ng mga kaklase ko. Sabay sabay nila akong inabangan sa harap ng pinto para lamang salubungin ng yakap. Sa loob ng room namin ay nakahilera ang sandamakmak na pagkain sa gitna. Halatang masasarap ang mga 'yon!

Sa blackboard naman ay may nakasulat na "Welcome Back Ken!"

Napangite ako sa kanilang effort. Pinasalamatan ko sila isa isa habang palihim na hinahanap ang mukha niya ngunit hindi ko siya makita. Ayaw ko namang magtanong kung nasaan siya dahil baka mahalata nila ako.

"Where's our Queen?" Si Manuel nang mapansin na wala ito. Kasalukuyan na kaming kumakain ngayon.

"I saw her earlier. She was with her boyfriend, Hanz having breakfast in the coffee shop," si Mike ang sumagot.

Kaagad na nawalan ako ng gana para kumain bagama't pinilit kong ubusin ang pagkain ko. Ang pagkasabik na naramdaman ko kanina ay biglang nawala. Mabilis ko ring inalis sa isip ang inis dahil mali. At winasak ang numumuong selos sa dibdib ko.

Buong maghapon ng klase ay hindi ko tinapunan ng tingin si Charlyn sa kaniyang pwesto kahit na alam kung andito siya. Mabilis din akong lumabas para bumili ng mga prutas. Pagkatapos nun ay agad kong tinungo ang hospital. Pagkarating sa loob ng room nila ay nasaksihan ko kung papaano manlaki ang kanilang mata nang makita ako. Kalaunay napuno ng takot ang kanilang mukha na animoy isa akong multo.

Anong nangyari sa mga bumugbog sa akin?

The Playgirl In Boys Section ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon