55

276 9 5
                                    

55

Nagising ang aking diwa mula sa malamig na tubig. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata upang salubungin lamang ang malakas na suntok mula sa 'di kilalang tao. Napabaling ang aking ulo sa kanan dahil sa lakas ng epekto nito.

Hindi pa roon natapos dahil nasundan iyon ng sapak, tadyak at suntok sa iba't ibang parte ng katawan ko dahilan upang nahulog ako sa sahig mula sa pagkakaupo. Napagtanto ko rin na parehong nakatali ang aking mga kamay kaya hindi ko nagawang proteksiyonan ang aking ulo.

Minuto lamang ang nakalipas, nararamdaman ko na ang sakit sa aking katawan at ulo. Bumilis din ang aking paghinga dahil pakiramdam ko'y nauubusan ako ng hangin sa katawan. Bahagya kong ibinuka ang aking bibig.

"Welcome to the hell!!!!"

Ang buong silid ay napuno nang halakhak, kumpirma na marami silang nanakit sa akin.

'Ano bang nangyayari? Paanong napunta ako sa gan'tong sitwasyon?'

Inalala ko ang nangyari upang mabigyan ng kasagutan ang aking tanong sa sarili.

Pagkatapos magpaalam kay nanay at tatay upang pumasok sa paaralan ay mabilis akong naglakad. Sa gitna nang pag-iisip tungkol sa huling usapan namin ni Charlyn habang naglalakad, bigla akong nakaramdam nang presensya mula sa aking likod. Bahagya akong huminto upang kumpirmahin ito at iyon na pala ang hudyat nang kanilang paglabas. Hindi ko nagawang bilangin kung ilan sila dahil mabilis nilang nilagyan ng black plastic bag ang aking ulo dahilan upang hindi ko sila makita. Naramdaman ko ang pagkaladkad nila sa akin hanggang sa marahas akong pinaupo sa isang malambot na upuan. Bago ko narinig ang pag-andar nang sasakyan. At hindi ko na alam kung anong sumunod na nangyari.

Takot ang namuo sa aking dibdib nang mapagtanto ang aking kalagayan. Kinidnap ako!

Kahit masakit ang mata'y ipinilit ko pa ring ibuka upang makita ang mga taong nanakit sa akin.

'Baka sakaling masagot ang ilan sa aking katanungan.'

Kahit nanlalabo ang mata'y nasisiguro kong hind ko kilala ang mga lalaking nasa harapan ko. Inilibot ko ang aking  paningin at napakunot ang aking noo nang makita ang pamilyar na tatlong lalaki.

Habang nakatitig sa kanila'y pilit kong inalala kung saan ko sila nakita o kailan ko sila nakasalamuha.

'Sila yung nagtanong sa akin noon tungkol kay Black Blood Soul! Oo, tama!'

"Bakit ka nakatingin? Naalala mo kami?" Pagtatanong ng isa sa kanila.

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa kanila.

Naglakad sila patungo sa akin. "Pasensya ka na pero....."

Muli ay pinalipad nung isa ang kaniyang kamao patungo sa aking mukha. Malakas iyon, sobrang lakas dahilan upang mapaubo ako nang may kasamang dugo.

Hindi ko na napigilan ang sarili na magtanong. "Ano pong kasalanan ko sa inyo?"

Humalhak sila. Naramdaman kong may sumabunot sa akin upang itingala.

"Dahil sinungaling ka!"

Umiling ako. "Hindi po ako sinungaling."

"H'wag mo nga kaming gawing tanga! Oo, matalino ka pero hindi mo kami mauuto! Ang sabi mo hindi mo kilala si Black Blood Soul! Tarantado, eh shota mo pala yun!" Malakas na sigaw nung isa at sinapak ulit ako!

Hindi ko ininda ang sakit at mas pinagtuunan ko nang pansin ang laman ng kanilang sinasabi.

"Hindi ko po talaga siya kilala. Atsaka, wala po akong girlfriend."

"Walangya! Yung palagi mong kasama! Yung parang anghel ang mukha pero demonyo ang pagkatao! Si Charlyn Valdez!"

Sandaling napatigil ang aking mundo sa narinig. Napakunot ang aking noo at nanlaki ang mga mata nang maproseso ang kaniyang sinabi.

"Tangina! H'wag ka ngang umasta na parang hindi mo alam! Nakakagago ka! Pinahirapan mo pa kami! Kilala mo naman pala yung babaeng matagal na naming hinahanap!"

Hindi ako nakapagsalita. Walang saysay kahit ipagpilitan kung hindi ko alam ang sinasabi nila.

"Ano? Magsalita ka! Gago!" At muli akong sinuntok sa mukha.

"Stop!"

Napalingon kami sa nagmamay-ari ng boses na iyon. At nanlaki ang aking mata nang makita ang isang matanda ngunit may itsurang lalaki at sa tabi nun ay si ............Hanz.

"Hanz......," wala sa sariling sambit ko.

'Anong nangyayari? Bakit siya andito? Kasabwat din siya? Hindi ba't girlfriend niya si Charlyn?'

Walang emosyong mababasa sa kaniyang mata kaya hindi ko alam kung ano ang maaring tumatakbo sa isip niya.

Nagulat ako nang sinapak ako nung lalaking kasama ni Hanz pagkalapit sa akin. Pinatigil niya pala ang lalaki upang siya ang gagawa nun sa akin!

"Dad, stop!"

Napatingin ako kay Hanz nang isigaw niya iyon. Dad? Tatay niya 'to?

"Hindi! Gusto kong siguraduhin na madudurog sa sakit ang babaeng iyon kapag nakita niya ang lalaking mahal niyang halos hindi na makilala dahil sa pasa! Gusto kong maramdaman niya yung sakit na naramdaman ko noong nahihirapan ang Mommy mo dahil sa kaniya!"

Mas lalong tumalim ang tingin sa akin  nang matanda.

"Alam mo bang mamatay tao ang babaeng yun? Alam mo bang pinatay niya ang asawa ko?!" Mas malakas na sigaw niya sa pagmumukha ko. At pinagsusuntok muli ako habang paulit-ulit sinasabi ang, "Putangina, pinatay niya ang asawa ko!" 

Huminto ang mundo ko sa narinig at sandaling hindi tumibok ang aking puso.

Pinatay niya ang nanay ni Hanz? Mamatay tao si Charlyn?

Tinitigan ko si Hanz at kitang kita ko na ngayon yung lungkot at sakit sa mata niya habang pinapanood ang ama niyang ilabas lahat ng sakit at galit kay Charlyn sa pamamagitan nang pagsuntok, pagsipa, at pagtadyak sa akin.

"Boss! Andito si Black Blood Soul!!"

Doon lamang napatigil ang matanda at segundo lang ang nakalipas ay nakikita ko na ang imahe ng taong mahal ko ngunit hindi ko kilala.

Walang emosyon ang kaniyang mga mata habang nakikipagtitigan sa ama ni Hanz. Samantalang ang isa naman ay nag-aapoy sa galit ang mga mata.

"Nice to meet you again, Black Blood Soul." Mahihimigan ang sarkastiko sa tinig ng matanda. .

Hindi umimik si Charlyn at inilibot ang paningin sa kabuuang silid. Nang matagpuan nang kaniyang mata ang aking posisyon ay bigla siyang nanlambot dahilan upang mapaluhod. Sa ilang dipang layo ko sa kaniya ay kitang kita ko ang sakit sa mata niya habang nakatingin sa akin. Nahahabag sa aking hitsura.

"Ken............"

Sa pagbigkas niya sa aking pangalan ay siya ring pagtulo ng kaniyang luha. Samantalang ako'y nanatiling nakatingin sa kaniya na parang hindi ko siya kilala.



The Playgirl In Boys Section ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon