N *48*

393 14 2
                                    

48











Mabilis na lumipas ang araw ngunit ang nararamdaman ko para kay Charlyn ay hindi kumukupas. Bagkus lalo lamang lumalala sa kabila ng pambabalewala niya sa akin. Para lang akong hangin sa kaniya, gaya noon. Siya lang ang hindi kumakausap sa akin.

Ngunit minsan ay nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin ng may malungkot na ekspresyon sa kaniyang mata. Agad din babalik ang malamig niyang tingin sa tuwing magsasalubong ang aming mata at mabilis na iiwas ng tingin. Hindi ko tuloy alam kung tuluyan na ba talagang wala na lang ako para sa kaniya.













"I don't wanna be friends with you, anymore. Oh let me rephrase my words. We will never be friends since what we had before was nothing. I didn't consider you as one of my friends before."

Yan ang mga katagang nakuha nang isang araw ay lumapit ako sa kaniya para maging kaibigan ko ulit siya. Masakit. Masakit dahil tinuring ko siyang kaibigan nung mga panahong magkasama kami pero para sa kaniya ay wala lang. Hindi ko ipinakita sa kaniya ang emosyon ko nang araw na iyon at pinilit na ngumite. Naiintindihan ko siya at kahit dumating yung araw na hindi na kayang intindihin ng utak ko, pipilitin ko pa rin kahit mapiga ang utak ko na intindihin siya.

Inaasahan ko naman na tatanggi siya sa alok ko. Sadyang sumubok pa rin ako dahil kahit pagkakaibigan na lang sana ang relasyon na meron kaming dalawa. Pero siguro ganito na lang talaga ang lahat, gugustuhin ko na lang mula sa malayo.











"Hi, Ken. Are you heading the direction of the library?"

Napatingin ako sa babaeng sumabay sa akin sa paglalakad at napahinto. Si Mika. Siya ang babaeng tinulungan ko sa pagkuha ng libro sa library. Sa mga nagdaang araw ay naging malapit kami sa isa't isa. Nagkapalitan din kami ng pangalan. Nalaman ko rin na same year lang kami, grade 11 ngunit iba ang kaniyang strand.

Napatango ako, "Oo. Ikaw rin ba?"

"Yes. Sabay na ako sayo."
Ngumite siya na naging sanhi ng paglabas ng kaniyang biloy sa magkabilang pisnge. Saglit akong napatulala sa mukha niya. Ang ganda niya!

Nagsimula kaming maglakad patungo sa destinasyon namin. Ayan na naman yung mga masasamang matang napapatingin sa amin dahil magkasama kami ni Mika. Hindi lingid sa aking kaalaman na isa sa mga pantasya dito sa campus itong kasama ko. Marahil ay naiinggit sila dahil malapit sa akin ang babae at naiintindihan ko sila. Ang mahalaga ay hindi nila ako sinasaktan at hanggang tingin lang sila.

"Kung wala lang sana sila ay matagal ng sira ang mukha niyan."

"Oo nga. Bakit kaya prinoprotektahan siya? Lalong na SIYA."

Hindi nakaligtas sa aking pandinig ang pag-uusap ng dalawa. Lumingon ako para kumpirmahin na ako ang pinag-uusapan nila. Tama ang hinala ko at mas lalong sumama ang titig nila sa akin ng masalubong nila ang aking mata. Ibinalik ko sa daan ang aking tingin at lumipad na naman ang aking isip hanggang sa makapasok sa library. Kahit sa pagkuha ng babasahin at pagbabasa ay lumilipad pa rin ang aking isip.

Kaya ba wala ng bumubully sa akin dahil may pomoprotekta sa akin? Sinong sila? Sinong siya na higit na pomoprotekta sa akin? At bakit niya ginagawa ito?

Ang buhay ko estudyante ko noon ay mahirap. Hindi lang sa section ball ang may bumubully sa akin kundi pate sa labas. Kahit saan man ako magpunta ay laging may hindi magandang nangyayari sa akin. May pumapatid, nambubuhos ng juice, bumabato at kung ano ano pa. Pero nitong mga nagdaang buwan ay naging tahimik na ito.













"Ken, I think Mika likes you."

Naramdaman ko ang pagkunot ng aking noo sa itinuran ni William.

"That's what I am thinking of, too. Look, the way she look at you, the bright in her face whenever she's with you, all signs of being inlove," gatong naman ni Ron.

"Gaya ni Charlyn noon," sabay pa nilang sabi.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa pagbanggit ng kaniyang pangalan. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit sa bawat pintig ay masakit.

"Ayan na naman kayo sa mga napapansin niyo. Hays. Ganyan din noon yung sinabi niyo tungkol kay Charlyn. Tignan niyo, boyfriend na niya si Hanz at tuluyan na niya akong iniwasan."

Ngumise sila, "Oh bakit mukhang disappointed ka? Why bother asking when we already know the answer?"

Hindi ko pinansin ang sinabi nila at ipinagpatuloy ang paggawa ko ng sariling notes sa paparating na long quizzes namin.

"I have an idea."

Bagot akong tumingin kay Ron na kasalukuyang nakangite ng nakakaloko.

"Oy ano yan?" Si William na mababakas ang interest sa tinig.

"Let's use Mika to know what Charlyn really feel for you, Ken!"

Napahinto ako at napatulala sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang ma-iisip niya ang ganiyang bagay. Masyadong maka-sarili ang ideya niya. Hindi rin deserve ng kahit na sino ang maging bagay para gamitin.

"That's risky, Ron. What if mahulog si Ken dahil sa ideyang yan? Madadamay rin ang inosenteng si Mika sa ideyang yan. That's the most stupid way you ever suggested," hindi sang-ayon si William.

Napabuntong hininga ako at binitawan ang ballpen. Tinitigan ko silang dalawa. "Hindi na kailangan pang gumawa ng paraan para malaman kung ano talaga ang nararamdaman ni Charlyn para sa akin. Malinaw na wala lang ako sa kaniya. At hindi ko kayang mandamay lalo na ang manggamit ng tao para lang sa sarili kong kapakanan. Ron, alam mo yan. Hindi kakayanin ng konsesya ko. Kahit sa isip ay hindi ko ma-imagine na nanggagamit ako. At tama si William, masyadong risky yan."

Napayuko si Ron si hiya. "Sorry, I just want to help you."

Nagkatinginan kami ni William. Tinapik ko ang balikat ni Ron kaya napatingin siya sa akin. "Salamat sa intensiyon mo ngunit hindi maganda ang paraan na naisip mo. Pero naiintindihan kita."

"Bakit kase puro love life ni Ken ang pinag-uusapan natin? Why don't we talk about dating together for celebrating our friendship? What do you think guys?" Nakangiteng wika ni William.

Nagkatinginan kami ni Ron at sabay na napatingin kay William na nakangite.

The Playgirl In Boys Section ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon