50
"Good morning, Ken!"
Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Mika sa harap ko. Nakangite siya ng malaki at hindi ko alam kung ako lang ba ito pero kumikinang ang kaniyang mga mata.
"Magandang umaga. Una na ako ah? Baka ma-late ako."
Tumingin siya sa kaniyang relo, "It's still 6:43 a.m. Too early to be late and malapit naman na room mo," aniya na sinulyapan ang daan patungo sa room ko.
"Ah ano kase e, may quiz kami mamaya. Mag-rereview ulit ako para masiguro na marami akong makuha." Nakokonsensya ako sa isiping gumagawa lang ako ng excuses para makaalis na. Bagamat totoong may quiz kami ngayon at kelangan ko pa ring mag-review kahit nakapag-review na ako sa bahay.
"Ikaw talaga. Napakasipag mo! No wonder why you got the highest position. Good luck to your quiz! Hope to see you later!"
Nagpasalamat lang ako at mabilis na nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi ko man naintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Charlyn sa sinabi niya nung nakaraan ay ginawa ko pa rin ang gusto niya. Sinusubukan kong iwasan si Mika para kay Charlyn. Hindi ko alam kung nagiging masama ba ako sa ginagawa kong pagsubok na iwasan si Mika pero ayokong magalit si Charlyn sa akin.
"Mmmmm"
"Ugh...."
Napahinto ako sa ginagawa kong pagkausap kay Tuning nang makarinig ng mahihinang ungol. Hindi ko alam kung bakit gusto kong alamin kung sino ang may gawa ng tunog na iyon. Namalayan ko na lang yung sarili ko na sinusundan ang tunog.
"Charlyn......Mmmmm....."
Mabilis na kumabog ang puso ko sa narinig kong pangalan. Mas pinagpatuloy ko ang pagsunod sa mga tunog at dinala ako ng paa ko sa likod ng room namin. Inilibot ko ang paningin ko ngunit walang tao kaya napagdesisyonan kong bumalik na lang sa loob.
Ilang hakbang lang ang nagagawa ko nang malinaw kong narinig ang boses ng isang lalaki.
"I love you, Charlyn."
Napalunok ako nang muli ay marinig ko ang pangalan ng babaeng nagugustuhan ko. Pumihit ako paharap patungo sa likod ng kusina at dahan dahang naglakad. Mas lalong lumalakas ang mga ungol kasabay ng paglakas ng kabog ng dibdib ko at panginginig ng katawan ko. Nang nasa harap ko na ang kurtina na siyang nagsisilbing harang para makita ang likod ng kusina ay dahan dahan ko itong hinawi.
Napako ang tingin ko sa dalawang naghahalikan na parang hindi nararamdaman ang presensya ko. Si Hanz at si......... Charlyn. Napaiwas ako ng tingin ng makita ang kamay ni Hanz na hawak ang magkabilang harap ni Charlyn.
Mabilis kong naramdaman ang pamamasa ng mata ko at agad na lumabo ang paningin ko dahil sa luha. Hindi ko kayang panoorin sila sa ganoong sitwasyon dahil parang pinupunit ang puso ko. Maingat akong umatras palayo ngunit kamalasang nasagi ko ang mga ilang gamit sa kusina. Nagsanhi ito ng matinis na tunog na siyang nagpahiwalay sa kanila.
Napalingon sila sa akin at parehong gulat na makita akong andoon ako, nanonood kung gaano sila nasasarapan. Kitang kita ko kung papaanong napalitan ng pangamba ang gulat na reaksyon ni Charlyn.
Umiwas ako ng tingin nang magkatitigan kami at mabilis na pinunasan ang luha sa pisnge. Pinigilan ko rin ang sarili na umiyak dahil ayokong isipin nila na nasasaktan ako. Mas lalong ayokong malaman ni Hanz ang nararamdaman ko para sa girlfriend niya.
Lumunok ako para magsalita at makaalis na sa sitwasyon.
"Ah pasensya kung na-istorbo ko kayo. Ma-may kukunin lang sana ako dit sa kusina."
Wala akong narinig na tugon ni isa sa kanila kaya napagdesisyonan kong magsalita ulit.
"Alis na ako," paalam ko nang hindi tumutingin sa kanila.
Tumalikod na ako sa kanila at naglakad na nang napahinto ako sa pagtawag niya sa akin.
"Ken."
Humarap ako at pilit na ngumite. "Alis na ako, Charlyn at Hanz. Tuloy niyo na."
Umalis ako na may bigat sa dibdib. Dahil inaamin kung sa huling pag-uusap namin ni Charlyn at sa kaniyang pag-amin na nagseselos siya kay Mika ay may nararamdaman siya sa akin. Kasalanan ko na naman kung bakit nasasaktan ako ngayon dahil nag-expect ako kahit alam kong may boyfriend na siya.
Kasalukuyan akong nasa library kasama sila Ron at William. Vacant namin ngayon kaya naisipan naming gawin ang iba naming assignments para kunti na lang ang gagawin namin sa aming bahay.
Napatingin ako kay Ron nang bigla niyang nilapag ang libro at agad na tumayo. "I forgot my red ballpen. Kukunin ko lang sa room natin."
Tumango ako, "Sige."
Nabaling ang atensiyon ko kay William nang bigla rin siyang tumayo. "Oh? Aalis ka rin?"
"Yes, I'm pee. I'll be quick," sagot niya.
"Sabay na lang kaming lalabas. Babalik din kami."
"Sige, ingat."
Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng assignment pagkatapos lumabas ang dalawa para gawin ang kani-kanilang dahilan. Hindi pa umabot ng ilang minuto nang gulatin ako ng presensya ni Mika.
"Wow. Hi, Ken. You're here. Bakit nga pa ba ako nagugulat? Eh ikaw pa, parang second home mo na rin itong library sa sobrang sipag mo mag-aral." Bakas sa mukha at tono ng boses niya ang tuwa.
Pinilit kong gantihan ang ngite niya. "Ah hehehe, ginagawa ko kase yung assignment. Actually, kasama ko yung mga kaibigan ko. Umalis lang dahil may kelangan silang gawin. Babalik din sila maya maya."
"Is that so? Hmm can I join? I'll do my assignment, too."
"Ha?"
"Pwede maki-upo na rin kase gagawin ko rin yung akin."
Napakamot na lang ako sa ulo at pilit na tumango.
Nangunot ang noo ko nang maramdaman ang balat ni Mika sa akin kaya napatigin ako sa side niya. Ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang ilang inch na lang ang pagitan ng mukha namin sa isa't isa. Napalunok ako nang makita ang paggalaw ng kaniyang mata patungo sa labi ko.
Napasinghap ako nang may humatak sa akin palabas ng library at dinala ako sa music room. Pabalibag niyang isinara ang pinto at isinandal ako sa likod ng pinto pagkapasok namin.
Napalunok ako at nakaramdam ng takot nang makita ang madilim na mukha ni Charlyn. Salubong ang mga kilay, kumikibot kibot ang mga labi at kunot na kunot ang noo. Bahagyang nakakuyom ang mga kamao niya.
Napapitlag ako nang malakas niyang sinuntok ang nasa gilid ko. Nanginig ang mga tuhod ko sa takot. Ngunit napalitan ng pagtataka nang biglang naging malungkot ang mga mata niya at nagsimulang mamuo ng luha.
Kumabog ng todo ang dibdib ko sa sunod na narinig ko sa bibig niya.
"Please, don't break my heart."
BINABASA MO ANG
The Playgirl In Boys Section ✔️
RomanceImagine'n mong isa kang playgirl. Naparusahan ka dahil sa ugali mong hindi na katanggap tanggap. They sent you to the Boys Section. Imagine? All student there are boys and take note mga pogi sila at macho including yung nerd. How's the feeling? Fee...