THE CHAPTER 1;
8 years ago...
"Pre, tama na 'yan. Hindi sulosyon ang paglalasing sa pagiging broken hearted mo..." Deon said to Oliver na medyo may tama na rin dulot ng pag-iinuman namin.
Ito kasing si Oliver nag-ayang mag-inuman. Walang pilitan pero sinamahan pa rin namin siyang mag-inom, kawawa naman kung mag-isa lang siya. Broken pa naman.
Nandito nga pala kami sa Bar or Beerhouse na pagmamay-ari ng pamilya nina Reeze, one of our friends also.
"Oliver, pre, tigil na. Umuwi na tayo, lasing kana..." Patuloy pa rin sa pagsaway si Deon kay Oliver na kumukuha na naman ng panibagong beer at akmang iinom na naman ng kunin ito ni Deon mula sa kamay ni Oliver at inilayo.
Ako naman ay nandito lang sa gilid nila, nanonood sa kanila habang panakaw-nakaw na umiinom rin ng beer. Hinihintay na humingi ng tulong si Deon sa 'kin na kanina pa pinipilit si Oliver na tumigil na sa pag-inom at umuwi na.
Napabuntong hininga na lamang ako ng malalim dahil mukhang matatagalan pa 'ata kaming umuwi dahil ayaw ni Oliver tumayo. Ayaw pa nitong umuwi. Gusto na yatang masira ang kidney niya kakainom.
"Sige na, Deon. Ako ng bahala kay Oliver." Napatingin ito sa 'kin ng sa wakas ay nagsalita na rin ako. "Ikaw na kay Reeze. Ingat sa pagmamaneho." Paalala ko pa sa kanya pagkatapos ay nilingon si Reeze na nasa kabilang couch, knock out na.
"Sige, Sky. Ikaw rin. Ingat sa pagmamaneho. Ikaw ng bahala kay Oliver." Anito bago naunang umalis kasama si Reeze na akay-akay niya palabas ng Bar.
Nilingon ko naman si Oliver na ngayo'y nakapikit na ang mga mata. Dahan-dahan ang ginawa kong paglapit sa pwesto niya at naupo sa tabi niya ng walang ingay.
Maingat kong hinaplos ang pisngi nito. "You don't deserve this..." I whispered softly. Kung alam ko lang na masasaktan ka lang rin naman pala ng babaeng 'yon...
Tangina. Sa nakikita ko ngayong pagbabago niya, hindi ko maiwasang hindi sisihin ang Kreezy na 'yon. Siya ang dahilan kung bakit naging ganito ngayon ang kaibigan ko. Kung bakit nito pinapabayaan ang sarili at pag-aaral. Kung bakit ito ngayon nandito sa bar imbes na nasa sariling condo niya ito ngayon, nag-aaral o hindi kaya ay naka-overtime sa pinapasukang law firm bilang isang internship.
Si Kreezy ang nobya ni Oliver na ngayo'y dating kasintahan na lamang dahil sa ginawa nitong pagto-two-time kay Oliver at sa isa pang lalaki na mas nauna pang naging karelasyon ng Kreezy na 'yon kesa kay Oliver. Ang mas malala, mag-asawa na ang mga ito. Mas matanda kasi ng ilang taon si Kreezy kay Oliver.
Sa edad ni Kreezy na 27 ay hindi na talaga nakakapagtaka kung may asawa na siya at sariling pamilya. May stable na rin siyang trabaho sa pagkakaalam ko at mukhang kaya naman na bumuhay ng pamilya. Kaya nang makilala ko siya no'ng una ay nagsuspetsa talaga ako na single pa siya pero isinawalang bahala ko na lang na pinagsisihan ko na ngayon dahil sa kinahinatnan ng kaibigan kong 'to.
Sa mata ng diyos at sa mga taong nasa paligid, kabit si Oliver. Ang isang Oliver Lance Drewitt ay naging kabit lamang.
Ang kuwento sa 'min ni Oliver, ang dahilan daw kung bakit hinayaan siya ni Kreezy na manligaw noon at nagsinungaling ito na single pa lamang ay dahil nagkakalabuan na raw si Kreezy at ang asawa nito noong mga panahong nagkakilala silang dalawa ni Oliver. Dahil nga nagkakalabuan na nga ang dalawa ay sinubukan ni Kreezy maghanap o magmahal ng iba kahit na alam niyang mali iyon...
At sa dinami-daming lalaki, si Oliver pa talaga ang lalaking iyon na parang ginawa niyang panakip butas sa relasyon nilang mag-asawa na nagkakalabuan na.
Nalaman lamang iyon lahat ni Oliver nang sinabi na sa kanya ni Kreezy ang totoo. It was three months ago and that time also, they decided na maghiwalay, na tama namang ginawa ni Oliver. Si Oliver ang nag-request no'n dahil ayaw niyang maging kabit after everything he knows. Kreezy immediately agreed with that bago pa raw lumala ang situwasyon saka humingi ng pasensya sa kasensya.
At tatlong buwan na rin ang nakalipas simula ng maging ganito si Oliver. Imbes na pumasok. Palagi itong laman ng mga bar at paminsan-minsan ay nasasangkot pa sa mga away sa bar dahil sa kalasingan. Kaya hangga't maaari, sinasamahan namin siya bilang mga kaibigan niya para uminom at damayan siya. Broken hearted, eh. Pero this time, hindi na pwede ang palaging ganito.
Sinisira niya na ang buhay niya dahil lang sa babae.
Nang nakarating kami sa harap ng condo niya ay kaagad kong tinipa ang password ng condo niya pagkatapos ay pumasok kami sa loob ng unit niya habang akay-akay ko siya.
Dere-deretso lang ako sa paglalakad kahit nabibigatan na ako sa kanya. Hanggang sa nasa harap na kami ng pintuan ng kwarto niya dito sa condo niya, saka kowalang pagdadalawang isip na pinihit ko ito at itinulak upang bumukas. Nang makapasok sa loob ng kwarto niya ay ngali-ngali ko siyang ibinagsak sa malambot niyang kama.
Napa-inhale-exhale pa ako ng sunod-sunod ng ilang beses pagkatapos ay nagtungo sa banyo upang kumuha ng plangganang may tubig. Nagtungo rin ako sa maliit niyang walk in closet para kumuha ng bimpo na gagamitin kong pangpunas sa katawan niya.
Nang bumalik ako sa pwesto kung saan ko iniwang nakahiga si Oliver ay nakita ko itong tulog na tulog na at bahagya pang humihilik.
Dala-dala ang isang maliit na planggana na may lamang tubig at saka bimpo na rin ay napailing-iling na lamang ako.
Damn! Kailangan na talaga akong bayaran ni Oliver nito dahil palagi na lang ako ang umaasikaso sa kanya kapag lasing siya.
Walang kaalam-alam ang mga magulang ni Oliver sa nangyayari ngayon sa kanya. Nasa ibang bansa kasi ang mga ito, nakabakasyon at binisita ang mga apo nito sa Kuya ni Oliver na si Owen na ngayo'y nasa ibang bansa na nakatira, nag-migrate na. Ang alam ng mga ito, maayos siya. Na okay lang siya kahit ang totoo ay hindi talaga.
Habang sinisimulan ko na siyang punasan ay hindi ko maiwasang hindi mapansin ang pagbabago ng katawan niya.
Mula sa mukha ay nag-iba na rin ang itsura nito dahil sa pagpapabaya sa sarili. Tumutubo na ang mga balbas nito sa may panga at sa may nguso nito. Ang buhok naman ay medyo malabong na, kailangan ng pagupitan.
At kung ang katawan naman nito ang titingnan ko ngayon ay masyadong malaki ang binago ng katawan niya sa dati niyang pangangatawan. Pumayat siya marahil ay dahil sa hindi pagkain minsan o nalilipasan ng pagkain at dahil sa palaging pag-inom nito. Wala yatang araw simula noong naghiwalay sila ni Kreezy na hindi siya umiinom at hindi nalalasing.
Gustuhin ko mang sisihin si Kreezy sa ginawa niya kaya nagkakaganito ngayon ang kaibigan ko ay wala na akong magagawa pa. Alam ko naman na kahit papaano, sa loob ng pitong buwan nilang relasyon ni Oliver ay minahal niya ito ng totoo. Kahit mali sa mata ng iba.
If I could just bring back the time...
Sa ngayon, ako ang nasasaktan para kay Oliver. Hindi niya 'to deserve lahat ng nangyayari ngayon sa kanya. He deserve better.
Bago pa man lumala ang lahat. Dapat itigil na ni Oliver itong ginagawa niyang pagsira sa sarili niya. Dapat may taong magpapa-realize sa kanya na hindi niya kailangan sirain ang buhay niya dahil lang sa isang babae... Dahil lang sa pagmamahal...
At isa ako sa mga taong susubok na ipatindi sa kanya na hindi lang isa ang babae sa mundo. Na marami pang ibang babae ang pwedeng dumaan sa buhay niya at pwede niyang mahalin kagaya ng pagmamahal niya kay Kreezy. Hindi niya kailangan sirain ang buhay niya.
Mahirap mag-move on because it will take some time before you can finally moved on especially if masyadong naging masakit para sa 'yo ang nangyari. But dude, if moving on will take some time, paano na lang kaya kapag nakamove-on kana? At the end, it was still worth it. You'll be the better version of yourself when the right time comes. Just wait and take your time to heal and help yourself to move forward.
YOU ARE READING
Holding It Together [COMPLETED]
Romance"Choosing the right decision to be with you again is the best..." - Skylight Bonneville-Drewitt. - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ; This story is not yet polished but I'm trying my best to give a good reading-worthy experience. - - - Date Sta...