Chapter 20

439 6 0
                                    

THE CHAPTER 20;

3 months later...

"Choosing the right decision to be with you again is the best..." I muttered softly as Oliver and I hugging each other. Seating on the one sun lounger while he's hugging me behind my back.

We're now in a beach resort while the triplets are just in front of us, playing sand castle while we're enjoying watching them.

"Hmm, really?" Oliver said as he planted soft kisses on my neck and shoulder blade.

"Yes."

Three months ago, parang nag-usap lang kami sa kusina hanggang sa mauwi sa mainit na pagniniig.

After that day, nag-usap ulit kami ng masinsinang dalawa. Nag-usap kami. Nagmakaawa siyang huwag na naming ituloy ang pagde-divorce na siya rin namang sinangayunan ko sa huli.

In the first place, hindi ko rin alam kung bakit umabot sa puntong may separation nang naganap sa pagitan naming dalawa at ng mga bata.

Siguro kasi that time narealize kong baka may tsansa pang sumaya kami sa piling ng iba kahit may anak na kaming dalawa sa isa't isa? Ewan, hindi ko alam.

Kahit kailan, sa buong pagsasama namin hindi ko kailanman naisipan noon na maghihiwalay din kami, na tatagal kami. Siguro dala ng bitterness ko that time no'ng nakita ko siyang masayang kausap ang ibang babae, napaisip ako, na baka kung hindi niya ako naanakan baka iba ang naanakan niya or much better na iba ang pinakasalan niya at masaya siya sa piling ibang babae.

Then doon ko lang din na-realize na hindi lang ako nakakaramdam ng kaunting bitter, nagseselos na pala ako kasi.

Kasi mahal ko na rin pala siya...

Takot lang akong aminin sa sarili ko na mahal ko na siya dahil baka umasa ako sa huli o hindi kaya ay ako lang ang magmahal sa 'ming dalawa. One-sided love ika nga...

Pero ngayon, nawala na lahat ng takot at pangamba kong baka hindi niya rin ako mahalin pabalik. Na hindi niya rin ako magawang mahalin. Because now I know how much he loves me. How much he cares for me. And how much he loves our children.

"Ano ba, Oliver! Saan ba tayo pupunta?" Naiinis ko ng sabi kay Oliver dahil kanina pa kami naglalakad habang naka-blindfold ako.

"Calm down, wife. Will you? Malapit na tayo..." Mahinahon niyang sabi habang inaalalayan ako sa bawat paghakbang ko.

"Saan ba kasi tayo pupunta?!" Now, I'm really pissed off.

"Ito na nga, ito na, oh! Nandito na tayo. Wait lang kasi." Ani Oliver na mukhang naaasar na sa 'kin. Tinatanggal na niya ngayon ang panyong nakapiring sa mata ko. And as I opened my eyes, my eyes started to water...

Will You Marry Me?

Ayan kaagad ang nabasa kong salita sa mga hawak-hawak ng mga empleyado pa 'ata dito sa resort na 'to na binayaran ni Oliver panigurado dahil sa mga suot nitong uniporme. Habang ang may hawak ng huling letrang M, E at questions mark (?) ay ang triplets na pare-pareho ang mga suot. At sa gilid naman ay ang mga pamilya namin at iba pa naming mga kakilala at kaibigan na nagsisilbi ngayon bilang audience sa pagpo-propose sa 'kin ni Oliver ngayon.

Umiiyak na napatingin ako kay Oliver na ngayo'y nakaluhod na pala sa gilid ko pagharap ko sa gawi niya habang may iilang butil din ng luha ang tumutulo mula sa mga mata niya.

"S-sky, my wife... Noon, hindi ko 'to nagawa dahil hindi naman natin inaasahan ang mga sunod-sunod na nangyari noon. But now... Will you marry me... again?" Ani Oliver at bahagya pang nautal habang nakaluhod sa harapan ko at hawak-hawak ang isang diamond ring. Mas maganda sa suot-suot kong singsing namin noong kinasal kami. "Promise, this time, sa simbahan na ang kasal. Sa harap mismo ng diyos, hindi sa isang judge lang. Hindi sa isang munisipyo kundi sa pinakamalaking simbahan na tayo ikakasal..."

"This time, mas magiging good husband na ako sa 'yo at magiging mas mabuting ama sa mga anak natin. Pangako 'yan. No, I mean, sumpa man."

"Ano? Deal or no deal?" Napatawa ang mga nakarinig sa sinabi niya kahit ako ay natawa habang umiiyak pa rin.

"Deal." Pagsakay ko sa kanya na ikinatawa rin ng mga nakarinig.

"Yes! Yes!" Tumayo na ito mula sa pagkakaluhod sa buhanginan at napasuntok ng ilang beses sa ere bago ako niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo ng paulit-ulit.

"I love you, Sky..." He whispered while still hugging me.

"I love you too, Oliver..." I whispered back. "Anyways, we're having a twin..." Kalauna'y sabi ko sa kanya sa mas mahinang boses kesa sa bulong.

Nangunot ang noo na lumayo siya sa akin ng bahagya. "What? May sinasabi ka, wife?" Tanong niya.

"Huh? Sinabi? May sinabi ba ako?" Maang-maangan ko.

"May sinabi ka, eh. Hindi ko lang narinig nang malinaw..." Aniya.

"Well, sabi ko we're having a twin..." Pag-uulit ko sa sinabi ko kanina at inilibot saglit ang paningin sa kapaligiran. Nasa may buhanginan kami na pinalilibutan ng mga nagtataasang kawayan kung saan nakasabit mismo ang mga series lights na nagsisilbing liwanag dito sa malamig na gabi sa beach resort na ito.

Simple lang ang proposal ni Oliver pero nakaka-overwhelmed dahil nag-effort pa rin siya bagay na ito. Na-appreciate ko ang ginawa niyang effort. Para sa 'kin, ito ang pinaka 'the best' na proposal.

Nang ibalik ko ang tingin sa kanya ay nakatingin lang ito sa 'kin na para bang hindi nakuha ang ibig kong sabihin.

Slow lang? Char!

"What I mean is I'm pregnant and we're having a twin this time naman..." I explained. That made him gasped.

"Oh, shit! Shit! Narinig niyo ba 'yon? I'm going to be a father again!" Sigaw niya para marinig ng iba na dahilan para magsipalakpakan ang mga taong nandito ngayon.

Sunod-sunod siyang napamura at napatakbo sa kung saan nang walang direksyon hanggang sa bumalik din siya sa harapan ko na hingal na hingal.

"Daddy? Are you okay? Why did you ran?" Tanong ni Orion sa ama niya na ngayo'y naglalakad na palapit sa 'min kasama ang dalawa niyang kapatid.

"Kids, Mom and Dad have a good news..." Excited na sabi ni Oliver sa mga bata at talagang lumuhod pa sa harapan ng mga ito.

"What is it po?" Tanong ni Ophelia.

"Mommy is pregnant again, kids! Magkakapatid na kayo..." Anunsyo ni Oliver at tumayo na mula sa pagkakaluhod sa harapan ng mga bata.

"So may baby na ulit sa tummy ni Mommy, Daddy?" Curious na tanong ni Orion.

"Yes, baby..." Ako ang sumagot.

"NO!!!" Sabay-sabay kaming napatingin kay Octavia ng sumigaw siya at nagsimulang nagpagulong-gulong sa buhanginan habang ngumangawa. Kaagad naman itong nilapitan ni Oliver at pinatahan.

"Ayaw niya po ng bagong baby, Mommy..." Sumbong sa 'kin ni Ophelia.

"What? Why?" Naguguluhan kong tanong kay Ophelia.

"Gusto niya siya kasi siya lang ang baby natin." Sabat naman ni Orion.

Napatawa na lamang ako. Looks like, magtatagalan bago matanggap ni Octavia na Ate na rin siya.

Holding It Together [COMPLETED]Where stories live. Discover now