THE CHAPTER 5;
Tangina lang...
Bago pa man nila mapansin ang presensya ko ay kaagad na akong umalis sa lugar na iyon. Baka sabihin pa nilang istorbo ako. Tsk!
"Anim na Red Bull, Miss." Saad ko sa cashier sabay lapag ng mga binili ko sa harapan niya.
"Kayo lang po ba ang iinom ng mga 'to?" Tanong sa 'kin ng cashier habang hawak-hawak ang mga can beer ng Red Bull na binili ko habang pinapasok ang mga ito sa isang malaking paper bag kasama ng mga junk foods na pinamili ko rin bilang pulutan ko.
"Aba'y pake mo ba?" Masungit kong tanong saka kinuha na sa kanya ang mga pinamili ko at inabot sa kanya ang bayad ng mga pinamili ko pagkatapos ay lumabas na ng convenience store na iyon at naupo sa labas kung saan mayroon silang mga upuan para sa mga customer nila.
Sunod-sunod ang naging pag-inom ko kung hindi lang ako natigilan ng may nakitang pamilyar na taong lumabas mula sa loob ng convenience store. Mas lalo pa akong natigilan nang nakita ko talaga ang mukha ng babae at ng mga kasama niya.
Mukhang masayang-masaya sila kahit ganitong gabi na ay nasa labas pa rin sila.
Edi sana all happy family...
Habang ako? Habang kami ni Dad? Ayon, nasa bahay. Kami lang at ang mga katulong namin ang naroon sa bahay habang si Dad... Umaasa pa ring babalik siya na alam ko namang hindi na mangyayari kahit kailan.
Tangina, ba't pa nga ba babalik sa 'min, eh, mukha namang masaya na siya ngayon sa buhay niya.
Mukhang naging masaya siya sa pinili niyang desisyon na iwan kami para sa iba...
Mukhang napansin 'ata niyang kanina pa may nakatingin sa kanya at sa kanila ng bago niyang pamilya kaya lumingon-lingon ito hanggang sa mapunta sa direksyon ko ang tingin niya. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat ng makita ako.
Inubos ko na lahat ng can beer bago tumayo sa kinauupuan ko at naglakad ng medyo pagewang-gewang papunta sa dala kong kotse kung saan ko ito ipinarada nang may humawak sa braso ko.
Napalingon ako kung sino ang humawak sa braso ko pero kalaunan ay napaismid rin ako at pabalibag na binawi ang braso ko sa kanya.
"Light..." Sambit niya.
Tangina! Ayoko ng marinig ang palayaw na 'yan mula sa kanya!
Hindi ko siya pinansin at padarag na binuksan ang pintuan ng kotse ko para sana pumasok na sa loob nang narinig ko ang sinabi niya.
"S-sky, anak. Kamusta kana? Paki-kumusta na lang din ako sa Daddy mo..."
Nilingon ko siya saka mapanuyang nginisihan. "Anak? Kamusta kana? Paki-kumusta na lang din ako sa Daddy mo? Wow! Big word! Pagkatapos mo kaming iwan ni Dad ten years ago?! Really?Mangungumusta ka matapos mo kaming iwan at sumama sa ibang lalaki? Wow! Amazing! Ang galing mo rin!" Napayuko siya sa sinabi ko.
"Mangungumusta ka na para bang hindi mo kami iniwan. Ano?! Masaya kaba? Masaya kana ba at sa wakas nahanap mo na ang putanginang true love na sinasabi mo sa lalaking 'yon? Huh, ano? Magsalita ka!" Mariing sabi ko sa kanya.
"Anak, hindi sa gano'n---"
"Huwag mo akong tawaging anak!" Asik ko.
Napabuntong hininga siya. "Sky, magpapaliwanag ako..."
"Magpapaliwanag na ano? Na kaya mo talaga kami iniwan ay hindi mo naman talaga minahal si Dad? Na ginamit mo lang siya at ng maghirap ay iniwan mo na lang basta na parang isang basura? Gano'n ba?! 'Ma, naman!" I bursted out. Tuluyan na akong naiyak sa harapan niya.
YOU ARE READING
Holding It Together [COMPLETED]
Romance"Choosing the right decision to be with you again is the best..." - Skylight Bonneville-Drewitt. - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ; This story is not yet polished but I'm trying my best to give a good reading-worthy experience. - - - Date Sta...