Chapter 3

323 6 0
                                    

THE CHAPTER 3;

Weeks passed...

Tatlong linggo na ang nakakalipas. And thankfully, unti-unti na ngang bumabalik si Oliver sa dating siya.

Sinusubukan na raw niyang mag-move on kahit papaano sa pamamagitan ng pagiging busy pero sabi niya hindi naman na niya pinapabayaan ang sarili niya 'gaya nitong mga nagdaang buwan. Kung mag-inom rin ito ay isang beses sa isang linggo na lamang. Kasama pa kami. Kaya habang tumatagal bumabalik na rin talaga siya sa dati sa tulong naminng magkakaibigan sa pamamagitan ng palaging nandiyan sa tabi niya.

"Sky, nasaan kana? Nandito na kami!" Reeze said on the other line. Tumawag ito para lang itanong kung nasaan na ako. Base sa narinig kong background music ay nasa bar na nga sila ngayon base na rin sa ingay na naririnig kong nagmumula sa kabilang linya.

"Ito na, papunta na nga, oh!" Irita kong sabi bago siya binabaan ng tawag pagkatapos ay binuhay na ang engine ng kotse ko at nagtungo na sa bar kung nasaan sila ngayon.

Mga ilang minuto lang ay nakarating na kaagad ako sa labas ng bar na pagmamay-ari nina Reeze. I immediately found a space where I can park my car. Pagkatapos ay pumasok na sa loob.

As usual, kaagad na bumungad sa 'kin ang ingay na nagmumula sa maraming tao na nasa dancefloor at ingay na nagmumula sa music na pinapatugtog ng DJ or beat maker.

People are everywhere. Some of them are drinking, dancing, shouting the word 'Bottoms up!' and any other words like they were the one who knows and understand what they said. Some of them also are so wild! May nadaanan pa akong nagmi-make out. Damn!

"Nasaan na ang mga 'yon?" Kunot na kunot na ang noo ko sa paglilibot ko ng aking paningin, hinahanap ang tatlong kulugo na iyon pero hindi ko sila makita.

Napabuntong hininga na lamang ako. Marahil ay nasa smoking area silang tatlo.

Nagpunta na lang ako sa may bandang bar counter at doon naupo sa upuang mataas na nasa harapan ng counter. Kaagad akong nag-order ng isang lady's drink sa bartender. Dito na lang siguro ako maghihintay sa kanila.

Ilang minuto pa lamang ako roon na nag-iisang uminom nang may isang talipandas na lumapit sa 'kin.

"Alone?" Sulpot nito bigla sa gilid ko.

"Drei..." I called him as I turned my gaze on him and recognized him.

"Oh, Sky! Ikaw pala 'yan?!" Kunwari'y gulat na aniya ng nilingon ko siya.

"Yeah." Tipid na sagot ko saka nag-iwas ng tingin sa kanya. Ayoko talaga sa isang 'to. Masyadong presko. Mayabang pa.

Drei was my blockmate. First day of school pa lang noong first semester ay ramdam ko na ang mga pagpapalipad hangin niya sa akin pero sorry siya, medyo mataas ang standards ko sa isang lalaki.

Sa taas ng standards ko sa isang lalaki, NJSB pa rin ako hanggang ngayon. No jowa since birth.

"Mukhang mag-isa ka lang 'ata ngayon," Aniya.

Umismid ako. "Obvious ba?" Pambabara ko sa kanya.

"Sabi ko nga. Gusto mo samahan kitang uminom?" Umiling-iling ako.

"Huwag na. Ayokong makaabala pa." Sabi ko sabay tungga ng alak na hawak ko. "Isa pa!" Saad ko sa bartender ng maubos na ang alak na iniinom ko.

"Isang blended scotch whisky sa 'kin, pre." Ani Drei na nasa tabi ko pa rin hanggang ngayon. Mukhang walang balak si loko na iwan akong mag-isa. Tss!

Ilang minuto lang ang hinintay ko at ibinigay na ng bartender ang order ko at order ni Drei nang magkasabay. Nagpasalamat pa si Drei sa bartender bago ibinalik sa 'kin ang atensyon. Looks like, he knows that bartender.

Holding It Together [COMPLETED]Where stories live. Discover now