THE EPILOGUE;
Oliver Lance Drewitt's POV
"Bata! Bata! Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa babaeng mukhang si Dora ang buhok na nilapitan ko dito sa Park, kung saan marami ring bata ang mga naglalaro kasama ang mga bantay nila o hindi kaya ay mga magulang.
But this girl, she's alone. Sitting on the roots of tree under the sun.
"Huh? Sinong umiiyak? Hindi ako umiiyak!" Maang-maangan niya habang nakayuko. Hindi nakaligtas sa 'kin ang pasimple niyang pagpupunas ng luha niya habang nakayuko.
Naisipan kong iwan muna siya at bumalik sa kasama kong Yaya ko at nanghingi ng perang pambili ng dalawang sorbetes. Binigyan naman kaagad ako nito ng pambili at sinamahan pa ako mismong bumili.
"Dito ka po muna, Yaya. Babalik din po ako." Sabi ko sa kanya at iniwan siyang busy sa cellphone niya at bumalik na sa kung saan nakita ko ang batang babae na mag-isa lang.
Nang bumalik ako kung nasaan ko siya nakita at iniwan saglit ay maaliwalas na ang mukha niya at hindi na siya nakayuko. Nakatingin na siya ngayon sa kapaligiran at nagmumuni-muni.
"Ito, oh. Para sa 'yo." Sabi ko sabay lahad sa kanya ng isang sorbetes na binili ko talaga para sa kanya saka naupo sa tabi niya.
"Huh? Eh, wala akong pera pambayad, eh..." Aniya saka napanguso.
"Libre ko. Dali na, matutunaw na 'yong ice cream, eh." Wala na siyang nagawa pa kundi tanggapin ang binigay ko at kinain din sa huli ang bigay ko sa kanya.
"Bakit ka nga pala umiiyak kanina, Bata?" Tanong ko kalaunan. "May umaway ba sa 'yo? Sabihin mo, ipapakulong ko sa Daddy at Mommy ko, mga attorney sila, eh." Pagmamayabang ko sa propesyon ng mga magulang ko.
'Bata' muna ang tawag ko sa kanya dahil hindi ko pa alam kung sino siya at ano ang pangalan niya. Base na rin sa tingin ko ay mas matanda ako sa kanya ng ilang taon.
"Iniwan na kasi kami ni Mommy. Iniwan niya kaming dalawa ni Daddy..." Naiiyak niyang sabi.
Kaagad kong hinagod-hagod ang likod niya para pagaanin ang nararamdaman niya.
"Okay lang 'yan. Gusto mo? Share na lang tayo ng Mommy. Mabait at maganda naman ang Mommy ko, eh." Sabi ko sa kanya.
Napatingin naman siya sa akin. "Talaga? Pwede ko rin siyang maging Mommy?" Nagagalak niyang tanong.
Tumango ako. "Oo naman."
"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong niya sa 'kin.
"Oliver, ikaw? Anong pangalan mo?"
"Skylight pero Sky na lang para hindi mahaba..."
"Okay, Sky. So, friends?"
"Friends!"
And starting that day that we met, we became friends.
Hanggang sa nagbinata at nagdalaga na kaming pareho ay naging magkaibigan pa rin kami. Bunos na ang makilala rin namin sina Reeze at Deon noong nasa first year high school kami at pareho ng paaralang pinasukan.
Sa sobrang tagal na naming magkaibigan ni Sky, hindi ko na namalayang...
May namumuo na pala akong feelings o nararamdaman sa kanya...
And when I was at the point already to confessed my feelings towards her, doon ko naman nalamang hindi lang pala ako ang may nararamdaman para kay Sky.
Si Deon din...
"Paano mo naman nasabing gusto mo siya?" Seryosong tanong ko sa kanya matapos niyang umamin sa 'kin na may gusto rin siya kay Sky.
"Well, sa totoo lang, hindi ko alam. Pero alam mo 'yong feeling na gusto mo siyang makita araw-araw? 'Yong feeling na makita mo lang siya, buo na agad ang araw mo? 'Yon ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya at kapag hindi ko lang siya makita ay para akong lantang gulay na ewan. Tapos kapag masyado siyang malapit sa 'kin, ang bilis ng tibok ng puso ko..." Lintaya niya.
YOU ARE READING
Holding It Together [COMPLETED]
Romance"Choosing the right decision to be with you again is the best..." - Skylight Bonneville-Drewitt. - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ; This story is not yet polished but I'm trying my best to give a good reading-worthy experience. - - - Date Sta...