Chapter 2

439 7 0
                                    

THE CHAPTER 2;

Kinabukasan, nagising na lamang ako dahil sa narinig kong mga mahinang pagdaing.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay doon ko lang naalala at napagtantong dito na pala ako sa sofa nakatulog.

Umaga na pala...

"Sky? Anong ginagawa mo dito?" Napalingon ako kay Oliver na ngayo'y nakaupo na sa kama niya habang sapu-sapo ang ulo. Mukhang sa kanya ko narinig ang mga narinig kong daing na may halong mura kanina.

'Yan, sige alak pa...

"Obviously, dito na ako nakatulog dahil dito na rin ako inabutan ng antok kagabi matapos kitang asikasuhin." Saad ko na may kasamang pag-irap bago tumayo at lumapit sa kanya. "Kung hindi kaba naman inom nang inom edi sana hindi ko mukha ang palagi mong nabubungaran tuwing umaga sa tuwing nagpapakalasing ka tuwing gabi." Bulong ko na intensyon kong iparinig sa kanya saka pinagkrus ang dalawang braso sa harapan ng dibdib ko.

Kita ko kung paano ito napanguso pagkatapos ay napabuntong hininga sabay sabing, "Sorry, Sky." na palagi ko na lang naririnig mula sa kanya sa tuwing nasesermunan ko siya matapos niyang magpakalasing.

Nagmumukha na tuloy akong Nanay na sinisermunan ang anak niya! Like duhh! Sa pogi kong 'to?

Ako naman ay napabuntong hininga rin ng malalim bago napaupo sa paanan ng kama niya at nakatingin sa kanya ng deritso at seryoso.

"Oliver, hindi na pwede ang ganito na lang palagi..." Panimula ko. Kita ko kung paano siya napaayos ng upo sa kama. "Hindi na pwede ang palaging ganito. Na palagi kang naglalasing. Gusto mo bang mamatay ng maaga kakainom?

Oliver naman... Ano sa tingin mo ang magiging reaksyon ng mga magulang mo kapag nalaman nila ang ginagawa mo ngayon sa sarili mo? Na ang bunso nilang anak ay unti-unting sinisira ang buhay dahil sa palaging pag-iinom at hindi pagpasok. Ano sa tingin mo ang mararamdaman nila, huh? Unang mararamdaman nila ay kawalang kwenta bilang magulang mo dahil sa nangyayari ngayon sa sarili mo." Napaiwas siya ng tingin sa sinabi ko.

"Isipin mo, unti-unti mong sinisira ang buhay mo---" Hindi ko naituloy ang dapat ay sasabihin ko pa sana ng pinutol niya ito at sumabat.

"Hindi ko sinisira ang buhay ko, Sky." Mariing sabi niya.

Napailing-iling ako. "Eh, ano pala ang tawag mo ngayon sa ginagawa mo ngayon, huh? Naglalasing ka, Oliver. Araw-gabi. Wala ka ng ibang ginawa kundi ang maglasing matapos ang nangyaring hiwalayan niyo ni---" He cut me off again.

"Pwede ba, Sky?! Buhay ko 'to! Huwag kang mangialam. Hindi mo buhay ang nasisira dito. At kung pwede ba huwag mo ng banggitin ang pangalan ng babaeng 'yon?!" Nanlaki pareho ang mga mata namin. Maski siya ay hindi inaasahan ang pagtaas ng boses niya. Kita ko ang unti-unting paglamlam ng mga mata niya. Bakas ang pagsisisi na napagtaasan ako ng boses.

"Sky, I'm sorry. I didn't mean to---"

"Yeah, you're right. That's your life. Hindi ko nga buhay ang masisira sa mga pinaggagawa mo ngayon sa buhay mo..." I suddenly bit my lower lip. "Pero, lol! Kaibigan kita, Oliver. As your friend, concern lang din ako sa 'yo. Sa 'kin kapa naman hinabilin ng mga magulang mo habang wala sila dito. If something might happen bad to you, kargo de kosensya ko pa.

Pero sige, ayaw mo ng pinakikialaman ka? Fine, from now on, bahala kana sa buhay mo. Sirain mo lang ng sirain ang buhay mo, wala na akong pakielam. Sagot ko na lang ang pa-tinapay at kape sa lamay mo kapag namatay kang tangina ka." Masama ang loob na nilisan ko ang condo niya.

Talagang sumama ang loob ko sa kanya. For almost ten years naming pagiging magkaibigan, ngayon lang niya ako sinigawan ng gano'n. At dahil lang sa pangingialam ko sa buhay niya. Tsk!

Concern netizen lang naman ako, ah?! Anong masama ron? Dahil lang sa wala na sila ni Kreezy, sisirain na niya ang buhay niya sa paglalasing araw-gabi at hindi pagpasok? Ulol niya! Eh, siya nga itong nakipaghiwalay!

Alam kong nagmahal lang siya at pagkatapos ay nasaktan pero sapat na ba iyon na dahilan para unti-unti niyang sirain ang buhay niya? For me, hindi. Ang dami-dami pang babae sa mundo na deserve niya.

'Yong babaeng hindi siya sasaktan. 'Yong babaeng mamahalin siya at single. 'Yong babaeng walang asawa. 'Yong babaeng 'ikaw lang sapat na'. 'Yong babaeng hindi two-timer.

In short, babaeng hindi katulad ni Kreezy. 'Yong babaeng kabaliktaran niya.



Papalabas na ako ngayon ng university na pinapasukan ko matapos ang klase namin ngayong araw. Hindi pa man ako nakakalabas ng university namin ay kita ko na ang pamilyar na likod ng isang lalaking nasa may guardhouse. Nakatalikod ito sa gawi ko habang kausap ang isang guwardiya.

As I examined him from head to toe, he's wearing a cap, a navy blue t-shirt, a khaki pants and white sneakers.

Hmm... Himala at nag-ayos ngayon si kumag sa sarili niya.

"Ayy puta!" Napatili at mura ako bigla ng may bumusenang kotse sa aking likuran. Hindi ko namalayang tumigil na pala ako sa paglalakad at nasa gitna pa rin ng dadaanan ng mga kotse dito sa univ namin. Dali-dali naman kaagad akong gumilid para makadaan ang kotseng iyon.

"Okay ka lang?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunot ang noo na tanong ko sa kanya.

The last time I checked, hindi sila dito nag-aaral nina Deon at Reeze. I mean, tapos na silang mag-aral sa college tatlo sa kursong political science. Sa ngayon, nag-aaral na sila sa isang law school at sumasabak sila bilang isang internship sa mga kilalang law firm dito sa ating bansa.

Sa aming apat kasi na magkakaibigan, ako lang ang naiba ng university. Noong highschool pare-parehas kami ng school na pinapasukan. Pero nang nag-college, naiba na. Hindi kasi ako nakapasa sa entrance exam sa university nila. Kaya ayon naghiwa-hiwalay na kaming apat pero may komunikasyon pa rin naman kaming apat. Dzuh, same village lang din naman kami nakatira.

"Usap tayo. Arat sa seven-eleven." Anito saka tipid na ngumiti pagkatapos ay nagpatiuna ng maglakad palabas, marahil nasa labas naka-park ang kotse niya. Sumunod na lang rin ako sa kanya.



"So, anong pag-uusapan natin?" Panimula kong tanong sa kanya nang naupo na kami sa nahanap naming bakanteng upuan. Nakapasok na kami sa seven-eleven at nakabili na rin ng makakain habang nag-uusap.

"Sky, gusto ko sanang mag-sorry sa 'yo. Sorry kung napagtaasan kita ng boses kanina." Frustrated niyang sabi habang nakaupo sa harapan ko.

I nodded slowly while eating the Dairy Milk he bought for me. "Okay lang. Naiintindihan naman kita. Alam kong hindi mo talaga 'yon sinadya kanina. Nagulat ka rin naman ng napagtaasan mo ako ng boses." Mahinang usal ko. "Ang akin lang, concern lang ako sa 'yo, kami. Sa tingin mo tatagal 'yang kidney mo kakainom mo, huh? Wala ka na ngang ginawa buong araw kung hindi ang mag-inom tapos hindi kapa kumakaing tangina ka. Parang tubig na lang kung inumin mo 'yong mga alak. Sa tingin mo hindi mo sinisira ang buhay mo d'yan sa painom-inom mo, huh? Ni hindi ka na nga pumapasok sa law firm niyo. Akala ko ba gusto mong maging Attorney?!" Mahabang lintaya ko.

He sighed. "I know. I'm sorry. Kaya nga ito ako, oh. I'm trying to fix my fucking self. I'm trying to back my old self..." Aniya habang nakatungo.

I smiled. "That's good to know. At least, ngayon sinusubukan mo ng makabangon mula sa pagkalugmok. Don't worry, nandito lang ako. Tutulungan kitang makabangon hanggang sa maging okay kana talaga."

"Thank you, Sky!" He said as he cupped my face saka dumukwang para halikan ako sa noo.

Napapikit ako habang nakangiti. "Walang anuman. Basta ikaw, kayo nina Deon at Reeze. Nandito lang ako palagi para sa inyo." Saad ko.

Ako 'yong kaibigan na sagot kayo palagi. 'Yong kaibigang nandyan palagi para damayan ka through ups and downs. 'Yong kaibigang maaasahan mo anumang oras...

Holding It Together [COMPLETED]Where stories live. Discover now