Chapter 11

274 5 2
                                    

THE CHAPTER 11;

"Ate Rochelle, manganganak na 'ata ako..." Biglang sabi ko kay Ate Rochelle isang araw nang naramdaman kong pumutok na ang panubigan ko.

Kabuwanan ko na ngayon kaya expected na talaga naming one of these days ay manganganak na ako. At ito na, manganganak na nga ako!

"Huh? T-teka anong gagawin ko? 'Yong mga gamit na kailangang dalhin, tama! Sandali, kailangang malaman ni Sir Oliver 'to! 'Yong cellphone ko nasaan..." Natatarantang turan ni Ate Rochelle habang hindi alam kung anong una at dapat gawin. Kung ihahanda na ba ang mga gamit na dadalhin namin sa hospital o ang tawagan si Oliver na ngayo'y nasa law firm nila nagtatrabaho.

"Ate Rochelle! Hindi ko na kaya! Manganganak na talaga ako! Ahhh! Hah! Ohhh!" Hiyaw ko at mahigpit na napakapit sa tiyan kong humihilab na.

"Teka lang, Sky! Ito na, tinatawagan ko na si Sir! Sandali na lang papunta na tayong hospital." Ani Ate Rochelle. "Hello, Sir?--- Opo, si Rochelle po 'to.--- Manganganak na po si Ma'am Sky.--- Opo, dadalhin ko na po siyang hospital. Doon na po tayo magkita. Sige na po, bye!" Kausap nito sa kabilang linya kay Oliver. Nang matapos ang pag-uusap nila ay dali-dali itong lumapit sa kinaroroonan ko at inaalalayan akong tumayo.

"A-anong sabi ni Oliver?" Nahihirapan kong tanong.

"Siya na raw po ang bahala sa mga gamit, Ma'am. Dalhin na raw kita sa pinakamalapit na hospital. Susunod na lang daw po siya..." Sagot niya na ikinatango-tango ko na lamang bago kami nakalabas ng bahay nang tuluyan at pumara ng taxi'ng masasakyan patungo sa pinakamalapit na hospital.


"Ahhhhhhhhhh!" Halos napuno ko ng sigaw ang loob ng delivery room kung nasaan ako ngayon dahil sa paulit-ulit na pagsigaw para ma-i-push o ma-i-ire palabas ang mga batang nasa sinapupunan ko.

"Sige pa, Misis! Ire!" Anang midwife na nagpapaanak sa 'kin ngayon.

"Argh! Uhhhhh!"

"Sige pa, Misis! One more!"

"Ahhhhhhhhhhhh!" Huling hiyaw ko nang tuluyan ko na ngang na-i-ire ang huling sanggol na nasa sinapupunan ko.

The next thing I knew is, sabay-sabay kong narinig ang mga pag-iyak ng tatlong isinilang ko before my vision became blurred and then everything went black...



Nang magising ako ay nasa isang private room na ako. Kasama si Oliver na ngayo'y nakaidlip 'ata sa pagbabantay sa 'kin. Hawak-hawak pa nito ang kaliwa kong kamay habang mahimbing na natutulog kahit nakaupo lang.

"Oliver..." Paos ang boses na gising ko sa kanya. Kaagad naman siyang nagising. Marahil ay napaos ako dahil sa pagsigaw o kakasigaw kanina sa delivery room habang pinapanganak ang triplets.

"Sky, you're awake..." He stated.

"Ang triplets?" Kaagad kong tanong. Hindi naitago sa boses ko kahit paos ang excitement ko na makita ang mga anak namin.

"Oh, Sky! Gising kana pala." Biglang pumasok sina Reeze at Deon na may mga dala-dalang paper bag na may tatak mula sa mga sikat na restaurant at fast-food chain.

"Nandito rin pala kayo..." Nakangiting sabi ko sa kanila

"Of course, Ninong kami ng mga anak niyo ni Oliver, eh! Tsaka, we're friends if you don't remember..." Deon butted in.

Yeah, right. Friends.

"Sabi nga pala no'ng Ob-gynecologist mo, Sky, mga ilang sandali na lang nandito na ang triplets. Ihahatid na sila maya-maya." Ani Reeze habang tinutulungan si Deon na ilapag sa lamesa ang lahat ng pinamili nilang pagkain. "Can't wait to see them if sino ang kamukha nila..." Dagdag pa nito.

"Sana all talaga, isang sagad, tatlo agad." Hirit pa nito na dahilan para medyo mailang ako sa sinabi niya.

Narinig ko namang napatikhim si Oliver kaya napalingon ako sa kanya. Nakatingin ito sa 'kin at nang makita akong lumingon sa kanya ay kaagad niya akong nginitian.

"Kumain na muna tayo. Wala pang laman ang tiyan mo kaya paniguradong gutom ka after mo mawalan ng malay pagkapanganak." Oliver said.

"Sige." Tanging tugon ko at kumain na rin kasama silang tatlo.

Napapangiti na lamang ako sa tuwing nagkakasagutan silang tatlo habang kumakain. This moment with them was priceless. Imagine, ang tatagal na naming magkakaibigan simula mga bata pa lang kami tapos ngayon, ito, walang halos nagbago, magkaibigan pa rin kami. Kung may nagbago man, 'yon sigurong nabuntis ako ni Oliver at naging mag-asawa kami. But nonetheless, nothing change. Only our physical body change as times goes by. Nanatili 'yong mga ugali at kung paano kami magturingan mula noon hanggang ngayon. Kahit na nagbago na ang sitwasyon ngayon...

Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa saktong patapos na kaming kumain ay pumasok ang dalawang nurse na may tulak-tulak na isang malaking baby incubator at nagkasya roon ang tatlong sanggol na bagong panganak pa lang.

"Ito na po sina baby..." Saad ng isang nurse.

Mas nauna pa ang dalawang kulugo sa 'min ni Oliver na tingnan ang mga anak namin. Nagkatinginan na lang kami ni Oliver at pagkatapos ay sabay-sabay na napailing-iling. Itong dalawang 'to talaga...

"Naku! Baby pa lang, Oliver na Oliver na ang itsura! Naks naman, tol!" Ani Reeze habang nakasilip sa mga baby. "Parang gusto ko na rin tuloy magka-baby..." Hirit nito bigla.

"Nurse, pwede po bang buhatin ko 'yong nasa gitna?" Ani Reeze sa isang nurse. Sumang-ayon naman ang nurse na kausap niya at nagpatulong pa siya sa kung paano buhatin ng tama ang sanggol na pinili niyang buhatin.

"Kamukha mo silang tatlo, Oliver." Komento rin ni Deon habang nakangiting nakatingin sa mga sanggol.

For some reason, bigla akong naiyak na kaagad namang ikinapangamba ni Oliver.

"Hey, are you okay? Why are you crying?" Naguguluhan niyang tanong sa 'kin.

Tiningnan ko siya ng masama habang patuloy pa rin na umiiyak. Tuloy ay mas lalo siyang naguluhan nang sinamaan ko siya ng tingin habang umiiyak. "Punyeta ka! Ako ang nagbuntis, ako ang naglihi, ako pa ang nagsilang sa kanilang tatlo. Tapos... Tapos magiging kamukha mo lang silang tatlo? That's unfair! Nakakainis! Eh, tamod mo lang naman ang naiambag mong kupal ka!" Bulyaw ko sabay palo sa kanya ng unan. Wala na akong pake kung narinig man 'yon ng mga kasamahan namin at ng mga magulang namin dalawa na kakapasok lang sa kwarto.

Nakakabadtrip talaga amputa!

Holding It Together [COMPLETED]Where stories live. Discover now