Chapter 4

281 4 0
                                    

THE CHAPTER 4;

"Sky, we're here. Wake up." Nagising akong niyuyugyog ni Oliver. Marahil ay ginigising ako.

Nakatulog pala ako sa biyahe.

"Hmm? Buhat mo 'ko?" Inaantok ko pang saad habang yakap-yakap siya sa leeg.

Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya ng malalim bago ako binuhat.

"Hmm... Ang bango mo, Oliver." Saad ko habang inaamoy-amoy siya sa may leeg niya habang pasan-pasan niya ako sa kanyang likuran.

"Damn!" Rinig kong mahina niyang pagmumura.

"Oliver..."

"Malapit na tayo sa unit mo." Saad niya pagkalabas namin sa elevator na sinakyan namin habang pasan-pasan pa rin ako sa likuran niya at naglalakad papunta sa kung nasaan man ang unit ko kuno.

"We're here." Anunsyo niya ng nasa harap na kami ng condo unit ko.

Kaagad niya akong ibinaba mula sa pagkakasampa sa likuran niya. Mukhang nangawit siya sa pagpasan sa 'kin.

"Ang susi mo nasaan?" Tanong niya sa akin habang nakatingin lang ako sa bawat galaw niya.

I don't know why but right now, I find him hot. Aminado akong gwapo siya at may itsura pero sa paningin ko sa kanya ngayon, I really find him so hot. Sa sobrang hot. Parang may kung ano sa akin ang nagsisimulang uminit sa buong pagkatao ko.

Normal pa ba 'to o dahil sa lasing na nga 'ata ako?

"Anong susi?" Inosente kong tanong sa kanya habang ang dalawa kamay ay nasa likuran ko.

"Susi. Susi nitong unit mo." Nababanas niyang sabi.

Naningkit ang mga mata ko. "Susi? Susi... Nasaan nga ba?" Pagkausap ko sa aking sarili.

"Ahuh! Here! Ito!" I said sabay bigay sa kanya ng susi ng condo unit ko na sinasabi niya na mula pa sa loob ng bra ko nakalagay. Talagang kinuha ko iyon sa loob ng bra ko sa mismong harapan niya dahil na rin siguro sa dala ng pagkalasing ko ay nawalan na ako ng hiya sa sarili at katawan.

As I looked at Oliver. Natigilan at nakanganga ito habang nakatingin sa may bandang dibdib ko kung saan ko kinuha ang susi'ng hinihingi niya sa akin.

I suddenly had an urge to bit my lower lip. "Wanna touch it?" Pilyang tanong ko sa kanya habang nakatingin pa rin siya sa hinaharap ko.

Ewan ba, parang hindi na ako 'to. Parang hindi na ako itong nagsasalita ngayon lalo na ang boses ko... Damn! Kailan pa ako natutong mang-akit? 'Yong boses ko parang nang-aakit na ewan! Shutaaa! Hindi ko na alam!

Napatikhim ito sabay iwas ng tingin pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang paglunok niya dahil sa paggalaw ng adams apple niya.

"Ilang baso ba ng alak ang nainom mo at mukhang ang lakas ng tama mo ngayon? Tss!" Aniya. Saka lang siya lumingon sa 'kin ng mabuksan niya na ang pintuan ng unit ko. "Pasok na." Utos niya sa 'kin na kaagad ko namang sinunod. Nang makapasok sa loob ay sumunod na din siyang pumasok.

As he finally entered, kaagad ko siyang sinugod ng nag-aalab na halik. Ikinawit ko ang dalawang braso ko sa leeg niya at mas lalong idiniin ang sarili sa kanya. Ramdam ko ang init ng katawan naming dalawa. Kahit gulat sa ginawa kong pag-atake sa kanya ng halik ay humalik rin ito sa 'kin pabalik at ipinulupot ang mga braso niya sa bewang ko at mas diniin ang sarili niya sa akin.

Nang pareho kaming kapusin sa hininga ay kaagad niyang pinaghiwalay ang mga labi namin sa isa't isa. Hinabol ko pa ang labi niya at pinatakan ng magagaan na halik hanggang sa pinigil na niya ako.

Holding It Together [COMPLETED]Where stories live. Discover now