Chapter 19

322 7 0
                                    

THE CHAPTER 19;

"Bakit kung kailan mahal na mahal na kita doon mo pa naisipang makipaghiwalay? Hmm?"

Gulat at hindi makapaniwala ang kaagad na bumalatay na reaksyon sa mukha ko nang marinig ko ng malinaw ang sinabi niyang iyon.

"O-Oliver... Ano bang sinasabi mo..." Halos pabulong kong sabi sa kanya.

"Yes, Sky. I already love you. Pero kung kailan mahal na kita, doon mo naman naisipang makipagkalas sa 'kin..." Mahinang usal niya pero sapat lang para marinig ko pa rin siya.

"M-Mahal mo 'ko...?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes, matagal na. Ikaw lang naman itong manhid at pilit inilalayo ang sarili sa 'kin..." Aniya saka nag-iwas ng tingin sa 'kin. "Siguro kasi may mahal kang iba?" Patanong niyang sabi at hindi nakaligtas sa 'king pandinig ang pagiging tunog-bitter niya.

Bigla ay inatake ako ng pagkataranta sa kaloob-looban ko dahil sa sinabi niya. "W-Wala ah! Wala akong ibang mahal!" Nauutal kong sabi sa kanya.

"Kung gano'n, bakit hindi mo 'ko magawang mahalin?" Straightforward niyang tanong.

Ako naman ngayon ang napaiwas ng tingin sa kanya. "Hindi sa gano'n. Sinubukan ko naman kasi..." Mahina ang boses na sabi ko.

"Pagkatapos? Anong nangyari?" Aniya saka unti-unting lumalapit ang mukha sa mukha ko.

Tsngina, usap lang oh. Walang lapitan ng mukha. Kapag ako natukso...

Hindi na ako nakasagot sa kanya at natuon na lang bigla ang atensyon sa labi niyang mamasa-masa at ilang pulgada na lang din ang layo sa mismong labi ko.

"If you don't know how to love me, then let me teach you and feel to you how I love you so much..." He whispered, huskily. And with that, he claimed my lips and kiss me passionately and slowly.

Kaagad ko naman tinugon ang halik niya at sabay naming pinagsaluhan iyon dalawa. Nang kapusin sa hininga ay saglit na tumigil pero kalaunan ay hinalikan ulit niya ako at inangkin ng paulit-ulit ang labi ko ng buong pag-iingat at may... pagmamahal.

My heart...

Ah this man! Once again, he made my heartbeat fast.

And then, the next thing I knew is, we're already in a room, that the light was only a dim. He laid me on the bed while he was on top of me, still kissing me as his hands started to explore around my body and...

And after that, the rest was history...


Kinabukasan ay nagising na lamang ako na may nararamdamang humahalik sa 'kin sa may leeg at balikat ko.

"Hmm..." Ungol ko. Nang sinubukan kong idilat ang mga mata ko ay kaagad kong ipinikit muli ang aking mga mata at hinayaan muna mag-adjust amg mga ito bago tuluyang idinilat.

At nang maidilat ko na ang mga ko ay doon unti-unting sumampal sa 'kin ang realidad at naalala ang nangyari sa 'ming dalawa ni Oliver kagabi. Kung paano nauwi sa mainit na pagtatalik ang lahat kagabi.

O to the M to the G...

Did we...? For real?!

"Good morning, wife..." Kaagad akong napalingon kung saan nanggaling ang malambing na boses na iyon. And there, I saw Oliver beside me. He's also naked like me at tanging kumot lamang ang nakatakip pareho sa aming mga hubad na katawan. Patunay na may nangyari nga talaga sa 'min kagabi...

But last night was different. Pareho kaming hindi lasing at hindi nakainom nang ginawa ang bagay na iyon. The thing that married couples do.

So definitely, responsibilidad naming pareho ang nangyari kagabi at walang sapilitan na naganap dahil pareho naming ginusto ang nangyari sa 'min kagabi. Pareho kaming nag-init at kinailangangan ang katawan ng isa't isa kaya hindi na nakapagpigil pa.

"M-Morning..." Paos ang boses na bati ko sa kanya pabalik. Ipinagsawalang-bahala ko na lang ang pagtawag niya sa 'kin ng 'wife'.

Nang subukan kong bumangon ay napangiwi at daing kaagad ako sa sakit ng pinaka-sensitibong parte ng katawan ko.

"Masakit ba?" Nag-aalala niyang sabi habang inaalalayan akong maupo sa kama. Sa tingin niya hindi? Kitang dumaing 'yong tao eh magtatanong pa talaga!

Namumula at nahihiya man ay tumango-tango ako. Sunod-sunod naman ang naging mura niya sa mahinang boses.

"I'm sorry. Did I took you roughly last night?" Walang prenong tanong niya sa 'kin. Bakas mula sa mukha niya ang pagka-guilty sa nangyari.

I shook my head. "H-Hindi naman. Siguro, hindi pa lang talaga ako sanay sa 'yo...?" Halos patanong at mahina kong sabi dahil sa sobrang hiya.

Damn this awkward situation.

Parang ang sarap na lang bigla mawala na parang bula dahil sa sobrang hiya. Ghosh!

Napabuntong hininga naman siya. "I'm sorry, wife." Paghingi niya pa rin ng pasensya.

"Okay lang." Ginusto ko ren nemen ang nengyeri kagebi.

Hala si anteh!

"Ako na munang bahala sa mga bata na umasikaso sa kaila at ako na rin muna ang magluluto ngayon. Hmm? Dito ka na muna. Stay here, okay?" Aniya saka iniwan ako saglit at nang bumalik ay may dala-dala na siyang isang oversized t-shirt at isang undergarments.

"Do you need help?" Tanong niya habang inaalalayan akong maglakad patungo sa banyo para doon mag-ayos sa sarili at magpalit ng damit.

"No thanks, kaya ko na 'to. Ang mga bata ang alalahanin mo. Baka gising na ang mga iyon, baka nagugutom na ang mga 'yon ngayon. Anong oras na rin." Sabi ko sa kanya.

Anong oras na pala. Napuyat ba naman kagabi. Aish...

He nodded. "Sige, magluluto na muna ako ng almusal natin. Sumigaw ka lang kung kailangan mo nang tulong." Aniya at bago pa man niya ako tuluyang iniwan sa labas ng banyo ay hinalikan pa niya ako sa aking noo. Ayy iba!

As if naman sisigaw ako para humingi ng tulong sa kanya. Pero para matapos na rin ay tumango na lamang ako bago tuluyang pumasok sa loob ng banyo.

———

Skylight "nadiligan na rin ulit sa wakas" Drewitt. HAHAHHHHHAHAHA!

Holding It Together [COMPLETED]Where stories live. Discover now