THE CHAPTER 8;
Months passed...
"D-dad..."
"Yes? Do you need anything, my princess?" Malambing niyang tanong habang hindi pa rin nakatingin sa akin. Nakatutok kasi ang atensyon nito sa binabasang papeles.
Nandito kami sa loob ng mismong office niya dito sa bahay. And here I am, may sasabihing importante na hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kapag narinig niya ang sasabihin ko o hindi kaya ay baka hindi siya maniwala.
"Dad, I-I'm pregnant..." I confessed, bravery. Doon na siya napatingin sa 'kin saka natigilan nang unti-unting mag-sink-in sa utak niya kung anong sinabi ko at narinig niya.
"What did you say? Pakiulit," He said in a stern voice. Umayos siya ng upo at tinanggal na ang suot-suot niyang reading glasses.
"I'm pregnant, Dad." Pilit kong pinapatatag ang sarili kong huwag mag-breakdown sa harapan niya ngayon. Kahit ang totoo at sa kaloob-looban ko ay gusto ko ng maiyak sa harapan niya lalo na nang unti-unti kong nakikita at nababasa sa mga mata niya ang emosyong ayokong maramdaman niya.
Disappointment and regrets are the visible emotions that I see to my father's eyes. There's also pain that across in his eyes.
Mariin akong napapikit. Kasalanan ko 'to. This is all my fault. Kung hindi nangyari ang bagay na 'yon nang gabing 'yon, hindi sana... Tangina!
Hindi ko alam. Hindi ko na alam. Masyadong naging mabilis ang oras at panahon. Parang kailan lang noong nangyari ang gabing iyon. Tapos ngayon, ito, nabuntis ako. Tangina lang. Kung hindi ba naman ako tanga at hindi naisip ang pwedeng mangyari pagkatapos ang gabing 'yon. Edi sana baka naagapan ko pa. Kaso huli na ang lahat. Nandito na 'to. May bata ng nasa sinapupunan ko ngayon.
Hindi ko naman kayang ipalaglag ang inosente at walang kamuwang-muwang na batang ito na nasa loob ng tiyan ko. For Pete's sake! This is my child! Support man ni Dad o tanggap man sa hindi ni Dad itong pinagbubuntis ko ngayon, ipagpapatuloy ko ang pagdadalang-tao ko.
"Sabihin mo nga, Sky. Saan ako nagkulang? Sa oras? Sa pagbibigay ng pera sa 'yo? Sa pag-aalaga sa 'yo? Saan? Saan ako nagkulang? Bakit? Bakit humantong kaagad sa ganito? Ni hindi ka pa nga nakakapagtapos. Malapit na, Sky. Malapit na, oh. Ilang buwan na lang. Tapos ito..." Sunod-sunod niyang sabi habang napapahilot sa sariling noo. "Buntis ka. Buntis ka at the age of nineteen. Talaga nga namang... History repeats itself..."
Ang tinutukoy nitong 'History repeats itself' ay ang nangyari rin noon sa kanila ni Mommy. Maaga rin kasing nabuntis sa 'kin si Mommy nang mabuo ako noon. It was all planned. Pinikot niya si Dad. Sorry for the word pero iyon ang totoo base sa nalaman ko. Hindi niya talaga minahal si Dad kung hindi ang pera lang nito.
Kaya noong nagkaroon ng problemang pinansyal ay hindi siya kaagad nagdalawang isip na iwan si Dad at ako para makalaya at makahanap naman ng iba. She didn't mind me at all kung anong mararamdaman ko noong mga panahong iyon.
Basta na lang niya kaming iniwan and that made me mad at her even more lalo na kapag sa hindi inaasahang pagkakataon ay magkikita kami bigla sa mga lugar kung saan-saan.
Kahit nga sa sarili ko, naiinis ako noon pa man. Sino ba namang matutuwa kung kamukha mo 'yong nanay mong iniwan kayo ng tatay mo, hindi ba? Kung sana si Daddy na lang talaga ang naging kamukha ko.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at niyakap siya mula sa likuran nang kinauupuan niyang swivel chair. "H-hindi ka nagkulang, Dad. Hmm? Hindi. Hinding-hindi. It will never be. For me, sapat ka. Sapat kana sa 'kin. Ako lang itong nagkamali kaya humantong sa ganito. I'm sorry, Dad. I-I'm really sorry. Forgive me, Dad..." I said saka paulit-ulit na humingi ng sorry sa kanya habang hindi ko na rin napigilan ang sarili kong maiyak habang yakap-yakap mula sa likuran ang Daddy ko na ngayo'y umiiyak rin.
"Okay na, anak. Huwag ka ng umiyak. Ako dapat ang humingi ng sorry sa 'yo dahil masyado akong naging kampante na hindi mangyayari ang bagay na ito. Akala ko kasi... Kapag naging mahigpit ako baka masakal ka at biglang magrebelde kaya nga kahit labag sa loob ko pumayag akong bumukod ka at magkaroon ng sarili mong condo kasi nga may tiwala ako sa 'yo. Tiwala ako sa 'yo..." Aniya saka humarap sa akin na luhaan. Imbes na ang sariling luha ang unang punasan ay ang mga luha ko ang una niyang pinunasan habang nakangiting nakatingin sa 'kin kahit tumutulo pa rin ang mga luha sa mata niya. "At hinding-hindi ako magsisisi na hindi ako naging mahigpit sa 'yo dahil sa tuwing nakikita kitang masaya, masaya na rin ako, anak..."
"I-I love you, Dad..." Madamdamin kong saad at niyakap ulit siya.
"Mahal na mahal ka rin ni Daddy, Sky..." Tugon naman niya habang hinagod-hagod ang likod ko.
"Sino nga palang ama ng dinadala mo?" Tanong ni Dad ng maging maayos na kaming dalawa.
Nandito na kami ngayon sa garden, nagpapahangin at umiinom ng tsaa.
Nagdadalawang isip man sa una ay nagdesisyon pa rin akong sabihin ang totoo kay Daddy.
"S-Si Oliver po..." Mahinang usal ko pero sakto lang para marinig pa rin iyon ni Dad. Na siyang dahilan nang biglang pagdilim ng mukha nito.
Shit! Kinakabahan ako!
"Anak ng! Oliver Lance Drewitt ba kamo? 'Yong kaibigan mong lalaki?" Paglilinaw niya.
I nodded. "Y-Yes, Dad. He is." Kinakabahan kong sagot.
"Aba'y putangina!"
"Dad, calm down, please..." Pagpapahinahon ko sa kanya.
"Paano ako kakalma, huh, Sky? Ang lalaking 'yon, kaibigan mo. Kaibigan natin ang pamilya nila. I thought I can trust him. But what did he do, huh? Binuntis ka niya! He took some advantage to you! Naturingan pa namang mga attorney ang pamilya nila." Iiling-iling na saad ni Dad.
"Dad. He didn't take an advantage that time. I swear, it's my fault. That night, nagkita kasi kami ni Mom and you know, as usual, nagkasagutan lang din kami. Wala na ako sa sarili ko that time dulot na rin ng pag-inom ko. Instead na umuwi, I just found myself there in Oliver's unit. And you know, we did that thing that results in to this, having this baby inside my womb..." I honestly said to Dad as I pointed my tummy na hindi pa umbok at hindi pa talaga kita saka pansin ang baby bump ko.
Well, I'm just 5 weeks pregnant. Kahapon ko lang nakompirma when I tried the pregnancy test and when I saw the result, I immediately went to hospital at nagpa-check-up sa isang Ob-gynecologist to confirm if I'm really pregnant or not. And hell yeah, I'm really pregnant.
Pero siyempre, hindi ako basta-basta pumunta lang kaagad sa hospital just because my 'instinct' tells me that I'm pregnant kahit dipa ako gumamit noong una ng pregnancy test. I did observe all the changes that are happening to myself from the previous weeks.
Halos umiyak ako nang umiyak dahil positive na buntis nga talaga ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko o kung sinong una kong pagsasabihan sa mga oras na iyon hanggang sa ito ako ngayon, kaharap ang mismong ama ko.
"Kahit na, Sky! Alam niyang nakainom ka at hindi mo alam kung tama paba ang ginagawa mo o hindi. Siya ang nasa tamang pag-iisip pero he took that as an advantage para may mangyari sa inyo."
"Dad, hindi sa---"
"Don't ever try to defend that jerk, Skylight." Mariing sabi niya sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako mula dito sa kinauupuan ko. "Fine. Hindi na." Pagsuko ko.
Ito naman ang sunod na bumuntong hininga. "Alam ba niyang buntis ka?" Tanong nito kapagkuwan.
Umiling-iling ako. "Hindi po.
"Anak ng... Kailan mo balak sabihin sa kanya, huh? Kapag nanganak kana? O baka naman ayaw mo 'tong ipaalam sa kanya? Bakit? Anong kinakatakot mo?" Sunod-sunod na tanong sa 'kin ni Dad.
"Sasabihin ko din naman sa kanya, Dad. Humahanap lang ako ng tiyempo." Mahinahon kong sagot.
"Humahanap ng tiyempo?" Iiling-iling na sabi ni Dad. "Hindi pwede. Tawagan mo siya ngayon mismo at magtutuos kami ng lalaking 'yon. Mag-uusap kaming dalawa, lalaki sa lalaki..."
YOU ARE READING
Holding It Together [COMPLETED]
Romance"Choosing the right decision to be with you again is the best..." - Skylight Bonneville-Drewitt. - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ; This story is not yet polished but I'm trying my best to give a good reading-worthy experience. - - - Date Sta...