Chapter 14

333 6 0
                                    

THE CHAPTER 14;

(Ito na po talaga 'yong pinaka-present. Promise!^.^)

The Present...

"Ang mga apo ko!" Agad na bungad sa 'min ni Dad pagkapasok namin ng bahay. Talagang pinaghandaan niya ang pagbabalik namin ng mga apo niya.

"Lolo!!!" Sabay-sabay na dinamba ng yakap ng triplets ko ang Lolo nila. "We miss you po!"

"Na-miss rin kayo ni Lolo, mga apo..." Nakangiting sabi ni Dad sa kanila. "Tara sa sala." Aya niya sa mga ito na kaagad namang sinang-ayunan ng mga bata.

Napabuntong hininga na lamang ako. Looks like, mag-isa na naman ako. Si Dad talaga...

"Ang lalim ng buntong hininga... Ayos ka lang ba, hija?" Biglang sulpot ni Manang Marley sa gilid ko. May dala-dala itong tasa ng kape na kaagad niyang ibinigay sa akin na tinanggap ko naman.

Si Manang Marley ang mayordoma dito sa bahay mula bata pa lang ako hanggang sa tumanda. Siya rin ang nag-aalaga sa 'kin noon pa man kapag nasa trabaho si Dad. Kumbaga, parang pangalawang ina ko na rin siya kung gano'n.

"Ayos lang ho ako, Manang." Mahinhin kong sagot. "Ikaw po? Kumusta?" Tanong ko rin sa kanya pabalik.

"Ayos lang ako. Huwag mong ibahin ang usapan natin..." Aniya nang ma-sense niyang 'atang nilalayo ko ang topic sa 'kin saka ako inimbitahan sa harden namin dito sa mansion.

"Hindi ko po iniiba ang usapan natin..." Sagot ko nang maupo na kaming pareho sa metal na upuan na nandito sa garden.

Natahimik kami saglit habang humihigop ng kanya-kanyang kape at pinagmamasdan ang buong kapaligiran dito sa garden namin. Hanggang sa binasag na nga ni Manang Marley ang katahimikan.

"Kumusta na nga pala 'yong takbo ng annulment of marriage ninyo ni Oliver?" Bigla ay naitanong niya.

Oh, that! Kamusta na nga kaya ang annulment case namin ni Oliver? Wala na akong balita since noong pumunta kami ng Cebu at nagbakasyon dahil bakasyon ng mga bata sa klase.

Natigilan naman ako saglit pero kapagkuwan ay napailing-iling din ako. "Hindi ko pa po alam. Hindi ko pa po naitatanong kay Oliver..." I honestly answered.

Si Oliver kasi ang umaasikaso sa bagay na iyon. Sa kanya ko ipinagkatiwala tutal attorney din naman siya at may alam tungkol sa mga bagay na iyon.

Kung hindi lang dahil na nasaksihan ko kanina, namin ng mga anak niya, malamang nandoon pa rin kami ngayon sa firm nila at naitanong ko sa kanya ang tungkol sa takbo ng annulment naming dalawa.

Medyo masama pa rin talaga ang loob ko sa nakita ko kanina. Looks like, hindi na talaga siya makapaghintay na maghiwalay kami nang tuluyan.

Ipagpapalit na nga lang ako, eh, sa secretary niya pa. Damn him! Mukhang tama lang pala talaga ang desisyon ko na makipaghiwalay na sa kanya. So that he can be free again and love whoever he wants.

Mabuti na lang talaga at mukhang wala namang nakita ang mga bata kanina katulad nang nakita ko. Tama lang talaga na ako ang nauna kanina at nasa likod ko sila, nakatago. Hindi na rin naman sila nagtanong kung bakit hindi kami tumuloy dahil nirason ko sa kanilang wala ang Daddy nila sa loob at iba ang naroon. Saka ko naman sila inayang pumunta kami dito sa bahay ng Lolo nila na mismong Dad ko.

"Ni minsan ba, hija. Noong mga panahong magkasama pa rin kayo sa iisang bahay, sinubukan mong mahalin si Oliver? Minahal mo ba siya?" Kalauna'y tanong sa akin ni Manang Marley.

Hindi kaagad ako nakasagot. Sabay pa kaming napabuntong hininga ni Manang bago ako nakasagot.

"Ang totoo po, sinubukan ko. Pero alam mo 'yong feeling na awkward? Ang awkward na sinusubukan kong mahalin 'yong dati kaibigan ko lang? Na ngayo'y tatay mismo ng mga anak ko.

"But all in all, sinubukan ko naman talaga. It's like, hindi ko maramdaman sa kanya 'yong biglaang pagtibok ng puso ko, you know, 'yong mga palaging sinasabi ng iba kapag mahal mo na ang isang tao kapag bumilis o tumibok ang puso mo to that person. Wala akong maramdaman. Wala akong makapa sa sarili ko to clarify my real feelings for him. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit..." I said truthfully.

Nasobrahan 'ata ako sa self-love kaya ganito.

Napabuntong hininga ulit si Manang. "Eh, kung gano'n pala na wala kang nararamdaman para kay Oliver, eh 'di mabuting maghiwalay na nga talaga kayo. Pero... pero naisip mo rin ba? Kung maghihiwalay na nga kayo, paano ang mga bata? Anong na lang ang iisipin nila? Na 'yong family nila, unti-unti ng nawawasak?" Ani Manang. Hindi na ako nakasagot at napayuko na lang saka napabuntong-hininga.

Alam ni Manang ang lahat dahil sa kanya ako nagkukuwento ng mga problema ko o kung ano pa man. Kaya nga ang lakas niyang pangaralan ako.

"Tinanong ko si Ophelia tungkol sa paghihiwalay ninyo ni Oliver bago kayo umalis papuntang Cebu para magbakasyon." Doon ako unti-unting napaangat ng tingin kay Manang. Nag-aabang sa mga susunod niyang sasabihin.

"Tinanong ko siya, ‘Anong masasabi mo sa paghihiwalay ng Mom at Dad mo, apo?’ Alam mo kung anong sagot niya sa akin? Ang sabi niya, ‘Well, maybe they're just fighting lang rin naman po siguro that's why we need to separate to Dad. Just like my classmate's parents. Sabi po niya, nag-away ang Mom at Dad niya kaya sila tira ibang bahay ng Mom niya na hindi sama ang Dad niya. Pero po, nagbati rin po ang parents ng classmate ko sabi niya, kaya bumalik rin po sila sa totoo nilang bahay together with her Dad. So, they live happily ever after again...’" Napamaang ako sa sinabi ni Manang.

So... all this time, iniisip lang nila na 'yong paghihiwalay namin ng Dad nila ay katulad lang din sa magulang ng kaklase nila? Damn it! Kaya pala hindi nagtatanong sa 'kin ang tatlong 'yon. They thought simpleng paghihiwalayan lang ang naganap sa 'min ng Dad nila at babalik din kami sa dati at titira sa iisang bahay ulit.

"See? Hindi pa nila alam ang totoong nangyayari pero isipin mo na lang, hija. Sila ang pinaka-maaapektuhan sa napili niyong desisyon dalawa ni Oliver bilang mga magulang nila." Ani Manang.

"Pag-isipan mo. Habang hindi pa huli ang lahat habang hindi pa kayo naghihiwalay nang tuluyan." Dagdag pa ni Manang bago ako iwan sa garden nang mag-isa at nakatulala.

Tangina lang. Nagpaka-shellfish ako at nakipaghiwalay kay Oliver ng hindi iniisip ang magiging reaksyon at epekto no'n sa mga anak namin.

Shit! Anong ginawa ko at humantong sa ganito?

———

Skylight "nasobrahan sa self-love" Drewitt. 😭😭😭

Holding It Together [COMPLETED]Where stories live. Discover now