Chapter 7

313 6 0
                                    

THE CHAPTER 7;

Kinabukasan ay sapu-sapo ang ulo na nagising ako pero kaagad ding natigilan nang maimulat ko na ang aking mga mata at napagtantong hindi ko kwarto ang nabungaran ko, kung hindi...

Kwarto ni Oliver.

Tangina?! Anong ginagawa ko dito sa unit ni Oliver?

Then the realization hits me of what happened last night...

Uminom akong mag-isa sa labas ng isang convenience store...

Then suddenly my mother and I met...

We talked but not so long...

Hanggang sa napadpad ako dito sa condo ni Oliver...

We talked for a while at saka...

At saka naghalikan kami...

Pagkatapos...

Pagkatapos...

Pagkatapos...

MAY NANGYARI SA 'MING DALAWA!!!

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napamura sa aking isipan habang sinisisi ang sarili sa nangyari kagabi.

Tangina talaga! Ba't ba kasi nangyari 'yon kagabi?!

Bakit kami humantong sa gano'n?!

Puta! 'Yong Bataan ko, naisuko ko na! At kay Oliver pa na mismong kaibigan ko! Damn it! This is bullshit!

Natigilan ako sa pagsabunot sa sarili kong buhok nang bahagyang gumalaw ang katabi ko. Doon ko lang na-realize na katabi ko si Oliver na ngayo'y mahimbing pa ring natutulog. Nakadapa itong natutulog habang ang mukha ay nakaharap sa gawi ko.

Napatingin ako sa sarili kong katawan. Medyo nakahinga ako ng maluwag ng makitang nakasuot ako ng isang malaking t-shirt na pagmamay-ari ni Oliver. Looks like, bago nakatulog ay binihisan at inasikaso muna ako nito.

Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakahiga at pagkakaupo sa kama. Napangiwi pa ako nang bahagyang kumirot ang pagkababae ko. Palatandaan lamang na talagang totoo ang mga nangyari kagabi. Na may nangyari talaga sa 'ming dalawa kagabi ni Oliver...

And speaking of Oliver, bago pa man siya magising ay kinailangan ko ng umalis nang tahimik. Hindi pa ako handang makausap siya lalo na kung tungkol sa nangyari sa 'ming dalawa kagabi.

Sobrang nahihiya ako sa sarili ko. Hindi naman ako ganito. Kahit mag-isa lang si Daddy na pinalaki ako. Pinalaki niya akong mabuti at may delikadesa sa sarili niyang pamamaraan.

Ano na lang kaya ang iisipin ni Dad sa 'kin kapag nalaman niya ang ginawa kong 'to? Na 'yong unica hija niya ay isang malandi?...

Haysst! I'm doomed...



Days passed...

"Are you sure you're okay? May problema kaba? Pansin ko lang kanina habang nasa classroom tayo, nakakatulog ka. Ano bang ginagawa mo tuwing gabi at puyat ka kinabukasan? You know what, pagkaalis na pagkaalis mo ngayon, you should take a rest. Para naman hindi ka palaging puyat sa klase. Matulog ka nang maaga, Sky..." Mahabang lintaya ni Benj. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti habang tinatahak namin ang daan patungong parking lot dito sa school namin.

Benj was my blockmate since we're first year college student. Hanggang sa fourth year namin bilang BS Management student sa college ay magka-blockmates pa rin kaming dalawa kaya naging magkaibigan na lang din kami kinalaunan.

Isa sa mga dahilan kung bakit naging kaibigan ko rin siya ay dahil friendly siyang tao. Kahit hindi kapa niya kilala talaga, he will consider you already as his friends. Kumbaga, feeling close lang gano'n.

Isa rin pala sa mga katangian niya bilang kaibigan is maalalahanin siya. 'Yong kapag nagkita kayo ay unang itatanong niya sa 'yo kapag nagkita kayo ay 'Kumusta?' 'How's your day?' 'Okay ka lang?' isa 'yan sa mga una niyang itatanong sa 'yo. And also, he's an observant person. Kahit kaunting bagay napapansin niya. Lalo na kapag may mali.

'Gaya na lang ngayon. Kanina pa siya tanong nang tanong kung okay lang daw ba ako o kung may problema ba raw ako. Panay din ang paalala niya na matulog ako nang maaga, marahil ay napansin niya ring nakakaidlip ako sa mga klase namin this past few days.

Maaga-aga naman talaga akong natutulog. Ang kaso, nagigising ako bigla kung kailan nasa kalagitnaan na ako ng mahimbing kong pagkakatulog. Nagigising ako bigla dahil sa isang panaginip na paulit-ulit kong napapanaginipan nitong mga nakaraang araw.

At 'yon ay ang nangyari sa 'min ni Oliver nang gabing iyon. Paulit-ulit ko iyong napapanaginipan simula noong araw na walang paalam akong umalis sa unit niya pagkatapos nang nangyari sa 'min. Kaya ito ang naging kalabasan. Naging bangag ako.

"Salamat sa pag-aalala, Benj. Okay lang ako. Huwag kana mag-alala sa 'kin, hmm?" Saad ko kay Benj at ngumiti.

Naningkit muna ang mata niya bago napabuntong hininga. "Sigurado ka, ah? Sige na, una na ako. Kailangan ko pang maghanda para sa family dinner namin mamaya. Ingat sa pagmamaneho, Sky!" Ani Benj saka ginulo pa ang buhok ko bago lumapit sa kotse niya kung saan ito nakaparada nang makarating na kami sa parking area.

"Ikaw din, ingat! Good luck sa family dinner niyo!" Saad ko bago siya tuluyang pumasok sa loob ng kotse niya. Binusinahan pa ako nito bago tuluyang makaalis.

Napangiti na lamang ako sa kawalan at akmang maglalakad na sana patungo sa kung nasaan naka-park ang kotse ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na hindi ko inaasahang maririnig ko ngayon mismo.

"Sino ang lalaking 'yon?"

Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi at medyo nanginginig ang kamay na humarap ako sa likuran ko. "Oliver..." Pagkumpirma ko ng tuluyan siyang makita.

Habang pinagmamasdan siya ay pansin ko sa mukha niya ang kakulangan sa tulog. Halata sa eyebags niya.

"Sino ang lalaking 'yon?" Pag-uulit niya sa kanyang tanong.

"I-it's Benj... Another f-friend of mine..." Halos pabulong kong sagot saka mabilis na nag-iwas ng tingin sa kanya.

Rinig ko ang mahinang pagngisi niya bago nagsalita. "At kailan kapa nagkaroon ng ibang kaibigang lalaki bukod sa 'ming tatlo?" He said, referring Reeze, Deon and him.

Bakit? Bawal na ba akong magkaroon ng ibang kaibigan?

"Bakit? Bawal na ba akong magkaroon ng ibang kaibigan?" Hindi ko namalayang naisatinig ko na pala 'yon. Huli na para bawiin ko pa ang sinabi ko.

"Bawal kung lalaki." Malamig niyang saad.

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya, mata sa mata.

"Bakit? Eh, kayo nga nina Reeze, lalaki din. Kaya bakit hindi pwede si Benj? Besides, Benj was a friend of mine for almost a year now. Mabait siya at maalalahanin. He treats me like her little sister. Tho, we're just same age..." Mahinang sabi ko.

"Basta. Hindi pwede. Layuan mo siya or else..." Matigas na sabi niya.

"Or else, what?!" I hissed. Natahimik naman siya. "Ewan ko sa 'yo, Oliver." I said, pissing off as I turned my back on him and walked away.

"Sky, wait! Let's talk..." Natigil ako sa paglalakad nang narinig ang sinabi niyang iyon. Bakas sa boses niya ng sinabi niya iyon ang pagiging ma-awtoridad.

Dahan-dahan ko siyang nilingon ulit. "Ano na naman?" Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

"Let's talk about what happened that night..." He said, almost whispered but then I still heard what he said.

Hindi ako slow para hindi makuha kung anong ibig niyang sabihin.

Napabuntong hininga ako at napailing-iling na napaiwas ng tingin sa kanya nang magtama ang paningin naming dalawa.

"L-let's just forget about it, Oliver. It's just a mistake..." Parang biglang may kung anong bumara sa lalamunan ko matapos kong sabihin ang mga salitang iyon bago pumasok sa loob ng kotse ko at pinaandar ito pagkatapos ay umalis na sa lugar na 'yon. Leaving him there dumbfounded.

Holding It Together [COMPLETED]Where stories live. Discover now