Prologue

796 12 2
                                    

THE PROLOGUE;

Skylight Bonneville's POV

"Ladies and Gentlemen we have just landed at Ninoy Aquino International Airport, Cebu Pacific Air welcomes you to Manila. On behalf of your flight crew headed by Captain Aegea with First officer Delgado and the rest of the team, we thank you for choosing Cebu Pacific. Your airline of choice." The flight attendant on the speaker said.

Pagkalapag na pagkalapag ng sinasakyan naming eroplano ay kaagad kong ginising ang mga kasama ko.

"Ophelia, Orion, Octavia, wake up na. We're here." Panggigising ko sa tatlo.

"Mommy?"

Napangiti ako dahil sa maliit na boses ni Octavia. Ewan ba, sabay-sabay naman silang pinanganak pero ang isang ito ay parang hindi kasabay nina Ophelia at Orion pinanganak. Siguro ay dahil siya ang bunso at huling pinanganak. Feel na feel ang pagiging bunso at baby.

"Nasa Manila na po tayo, Ma'am, Sir. Gising na po." Pang-aasar ko sa kanilang tatlo.

Ophelia sighed. Orion just shrugged his shoulders as they woke up already. While my baby Octavia giggled.

"I'm still sleepy, Mom..." Ophelia said sleepily as she leaned on my shoulder.

I smiled. "I know, sweetie. But we need to go out to this plane already. Sige ka, maiiwan tayo dito sa plane, you want that?" Panakot ko rito.

Itong panganay ko talaga napaka antukin!

"No po." Simpleng tugon nito saka dahan-dahan ng tumayo mula sa pagkakaupo at pinasan ang bag na puro gamit niya ang nasa loob.

"Orion, let's go. Stand up na." I said to my son.

"Yes po, Mommy." Masunurin nitong sabi habang pasan-pasan sa kanyang likuran ang Spiderman niyang bag na sakto lang sa kanila na kaya nilang bitbitin na hindi sila gaanong nabibigatan.

"Let's go, baby." I sweetly said to Octavia as I carry her. Kaagad naman siyang kumapit sa leeg ko habang hawak-hawak ko naman sa kabilang kamay ko ang isang maleta.

"Ophelia, Orion, huwag lalayo kay Mommy." Paalala ko sa mga ito habang naglalakad na kami palabas ng eroplanong sinasakyan namin na mula pa sa Cebu.

We're from Cebu. Almost three weeks din kaming namalagi roon for our summer vacation. Ngayon ang balik namin dito sa Manila. Only Dad and our some helpers knows that we will go home now.

"Yes po, Mommy." Sangayon ng dalawa sa 'kin.

Kagaya ng sinabi ko ay hindi talaga sila lumayo sa 'kin hanggang sa makalabas kami ng Airport.

I roamed my eyes to see if nandito na ba ang susundo sa 'min. Luckily, I immediately found Mang Isko, our family driver. May hawak-hawak itong isang maliit na tarpaulin kung saan may nakasulat na 'Welcome Back!' sa baba nito ay doon nakasulat ang mga pangalan namin.

- Skylight Bonneville-Drewitt
- Ophelia Rose Drewitt
- Orion Louie Drewitt
- Octavia Sky Drewitt

Bahagya pa akong napailing ng mabasa ang huling apelyido na nakakabit sa apelyido ko.

All my life, I never expected that I'll use that surname also. Na matatawag rin akong Mrs. Drewitt kagaya ni Tita Phamela.

Isang simpleng tao at kaibigan lang naman ako noon, eh! Pero ika nga, life is full of surprises. Sa dinami-daming surpresa na nangyari sa buhay ko ay hindi ko man lang na-imagine na magiging Drewitt rin ako.

Kung hindi lang sana talaga nangyari ang bagay na iyon, siguro walang Ophelia, Orion at Octavia ngayon. Pero wala na, nangyari na eh. At hinding-hindi ako magsisisi kahit kailan na nangyari ang bagay na iyon.

Holding It Together [COMPLETED]Where stories live. Discover now