Chapter 12

798 9 0
                                    

CHAPTER 12;

Masyadong mabilis ang panahon. Parang kahapon lang, buntis pa lang ako. Tapos ngayon, ito na ako, nagbe-breastfeeding sa kanilang tatlo.

Mahirap magbreastfeeding, pero kinakaya.

Isipin mo, ah? Mawawala lahat ng lakas mo sa kaka-breastfeeding lang sa isang baby. What more pa kaya kung tatlong babies ang pinapadede mo, hindi ba? Edi nawalan ka ng ulirat.

Gustuhin ko man na formula na lang ang inumin nila ay ayoko lalo't sabi ng doctor, hindi 'yon totally advisable lalo't may sariling gatas naman daw ako. Tsaka mas healthy daw talaga kung mula sa 'kin ang gatas na mismong iinumin ng mga anak ko.

Sa bawat kain ko, triple sa dati kong pagkain. Dinaig ko pa nga ang mga construction workers kung kumain sa dami ng pagkaing kinakain ko araw-araw. Nakakagutom din kasi ang pagbe-breastfeeding kahit wala ka namang gagawin o ginagawa kung hindi ang padedehin ang anak mo. Pero talagang mauubos ang lakas mo.

Minsan pa nga naiiyak na lang ako sa tabi dahil sa sobrang pagod kahit wala naman akong gaanong ginagawa.

Then I realized, hindi madali maging isang ina. Lalo na kung single mom or single parent ka lang, napakahirap magpalaki ng bata nang mag-isa, iyon ang napagtanto ko.

Kaya saludong-saludo ako sa mga single mom na nakayang palakihin ang mga anak nila ng sila lang mag-isa. Ako nga kahit may kasa-kasama na sa pag-aalaga sa mga anak, nahihirapan pa rin, paano pa kaya ang mga katulad nilang mag-isa lang na itinataguyod ang mga anak nila, hindi ba?

At siyempre, saludo rin ako sa Dad ko na nakaya akong palakihin ng siya lang. He raised a daughter like me so well. Nakakaproud.

"I'm home..." Oliver stated as he entered our room.

Thankful din ako dahil palaging nasa tabi ko si Oliver. Hindi niya ako pinabayaan. Kami ng mga anak namin. Kapag nasa bahay lang siya ay salitan kami sa pag-aalaga sa mga bata.

"Nakauwi kana pala. Hindi ko napansin. Sorry..." Paghingi ko ng sorry sa kanya dahil sa naabutan niyang mga kalat sa sahig.

Mga kalat iyon ng wipes at tissue na ginamit ko sa panglinis ng mga pusod ng triplets. Nililinis ko kasi ang mga pusod nila kanina pagkatapos pinalitan pa sila ng mga diaper nila dahil puno na at saka sila pinadede kaagad kaya hindi ko na napulot at naitapon sa trash bin kaagad ng maayos.

"Napaaga yata ang uwi mo ngayon..." Pansin ko dahil alas-tres pa lang ng hapon.

Kadalasan kasi kapag umuuwi siya, mga bandang alas-sais na.

"Umuwi talaga ako nang maaga. Wala na rin kasi akong gagawin do'n sa firm, that's why..." Sagot niya at siya na mismo ang pumulot sa mga nagkalat na basura at itinapon sa trash bin. Saka nagtungo sa banyo, marahil ay para maghugas ng kamay.

Nang lumabas ito mula sa banyo ay tanging ang suot na lamang nito ay ang three button down polo shirt at slacks. Wala na ang coat.

"Hi Daddy!" Bahagya kong pinaliit ang boses habang ikinakaway ang maliit na kamay ng panganay namin sa gawi niya. Buhat-buhat ko kasi ngayon si Ophelia.

Nakangiti naman nang matamis na lumapit at naglakad sa gawi namin si Oliver. Ito namang si Ophelia, naglulumikot at panay ang galaw sa kandungan ko.

"Hello, baby Ophelia!" Oliver said at siya na ang bumuhat sa isa sa mga triplets. "Ang panganay namin ni Mommy..." Aniya habang isinasayaw-sayaw sa kandungan niya si Ophelia, ang panganay sa kanilang triplets.

Si Ophelia Rose ang panganay sa triplets, sinundan ng nag-iisang lalaki na si Orion Louie at ang panghuli at bunso ay si Octavia Sky...

Mukhang nakatunog din ang dalawa na nandito na ang ama nila kaya sunod-sunod na nagsi-gising at nagsi-iyakin, sa wari ko'y gusto rin 'ata nilang mabuhat sila ng kanilang ama.

Holding It Together [COMPLETED]Where stories live. Discover now