Chapter 17

320 4 0
                                    

THE CHAPTER 17;

Oh my! What is he doing here?

"Oliver..." Sambit ko. "A-Anong ginagawa mo dito?" Kapagkuwa'y tanong ko saka napatayo mula sa kinauupuan ko at nilapitan siya.

"Visiting my wife?" Patanong niyang sabi saka umayos nang tayo ngunit madilim pa rin ang awra sa mukha.

"Visiting my wife?"

"Visiting my wife?"

"Visiting my wife?"

Ehh? Hala siya, anong nakain ng isang 'to ngayon?

O baka naman may hinithit 'to?

I never dreamed of being a wife of a drug user! Kidding!

"Uhh, Sky? Sino siya?" Tanong naman sa 'kin ni Benj.

I cleared my throat. "Ahm, Benj, this is Oliver, my h-husband." Pagpapakilala ko ni Oliver kay Benj.

Sarap i-correction na "my ex-husband" hmmp! Kaso huwag na lang muna. Hindi pa kami finally annull eh.

"And Oliver, this is Benj. Friend ko noong college. Remember him?" Pagpapakilala ko naman ni Benj kay Olover.

"Ahmm, guys?" Pagkuha ko sa atensyon nilang dalawa.

Ewan ko ba, ako lang ba ang nararamdaman ang tensyon na narito sa loob ng opisina kk o sila rin? Idunno.

"Benj Hensley, Sky's friend." Pagpapakilala ni Benj kalaunan sa sarili sabay lahad ng kaliwang kamay niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang tinanggap ni Oliver ang kamay ni Benj na nakalahad sa harapan niya.

"Oliver Lance Drewitt, Sky's husband." Oliver said as he emphasized the last word that he said and shooked their hands together.

"Well... It's nice to meet you, Oliver. I hope tinatrato mo nang maayos si Sky sa puder mo." Ani Benj sa seryosong boses.

"Of course, she's my wife and... I love her." Mariin niyang sabi saka ako hinapit palapit sa kanya at nilagay ang kamay niya sa bewang ko.

Natigilan ako sa narinig na huling sinabi niya pero kalaunan ay napailing-iling din nang makumbinsi ang sarili na baka nagkamali lang ako nang pagkakadinig sa huling sinabi niya.

Isa pa, hindi na rin naman bago sa 'kin na sinasabi niyang mahal niya ako sa harapan ng ibang tao lalo na sa mga anak namin. Pang-public display of affection lang kunwari. Para isipin ng iba na masaya kaming nagsasama gano'n.

Bigla ba namang na-grab the waist nang wala sa oras. Inangyarn!

"Sige, Sky. Mauna na ako. I have to go. Bye!" Paalam na ni Benj.

Tumango-tango ako saka nginitian siya nang matamis. "Sige. Bye, Benj! Ingat ka sa pagda-drive! Hope to see you again." Pahabol ko pang sabi sa kanya bago siya tuluyang makaalis sa opisina ko.

Nang wala na si Benj ay doon na ako sumubok na kumawala mula sa pagkakayapos sa 'kin ni Oliver pero ang loko-loko mas lalo lamang niya hinigpitan ang pagkakahawak sa 'kin sa bewang ko.

"Oliver, ano ba?!" Asik ko sa kanya at pilit na kumakawala pero hindi siya nagpapatinag at hindi nakinig sa 'kin saka ako isinandal sa pinakamalapit na pader para makorner niya.

Anak ka ng—

"Is he the reason kung bakit nakikipaghiwalay kana sa akin, huh? Tell me, Sky! Is he?" Tiim-bagang niyang tanong sa 'kin.

Hindi makapaniwala ko naman siyang tiningnan. "What?! Of course no! Hindi siya ang dahilan, okay? So please? Itigil mo na 'tong pangko-korner sa 'kin. Marami pa akong aasikasuhin at gagawin na mas importanteng trabaho." Singhal ko sa kanya saka siya sinamaan nang tingin.

"Hmm, really?" Malamig niyang sabi habang mas lalong lumalapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Oliver..." Parang kinakapos ang hininga na sambit ko habang ilang pulgada na lamang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.

Before I could think to push him away, he already claimed my lips harshly. I couldn't even think straight anymore as I clung my arms on his nape.

Tsngina, bumigay kaagad si anteh...

"Hmmm..." A moan escape from my mouth as he inserted his tounge inside my mouth. He even sucked my lower lip after. Hanggang sa pareho kaming habol ang hininga na tumigil na sa paghahalikan nang kapusin na kaming dalawa sa hininga.

"Sky..."

"Oliver..."

Bago pa man niya ako ulit mahalikan ay kaagad kaming napalayo sa isa't isa nang makarinig ng pagkatok mula sa labas ng pintuan ng opisina ko. Dahil din sa pagkatok na iyon ay natauhan tuloy ako sa ginawa naming dalawa ni Oliver. My ghod!

"Ma'am? Ma'am Sky? Nandiyan ka po ba? Do you need anything? Snacks? Coffee?" I heard Lianne said from the outside.

"Okay lang ako, Lianne. Go back to your work." Sabi ko mula dito sa loob ng opisina ko. Hindi na nag-atubiling pagbuksan siya ng pinto.

May parte tuloy sa 'kin ngayon ang biglang nainis kay Lianne dahil sa biglaan niyang pag-epal sa hindi malamang dahilan. But at the same time, she's a life saver!

Muntik ko nang maisuko ulit ang bataan kung sakaling higit pa sa halikan ang nagawa namin ni Oliver kung hindi lang siya kumatok.

"Okay po, Ma'am." I heard her said bago ko siya narinig na naglakad papalayo dito sa office ko.

Napabuntong hininga na lamang ako pagkatapos ay tumikhim at naglakad patungong swivel chair ko at doon naupo na tila walang nangyari. Hindi alintana ang tingin sa 'kin ni Oliver na nakasunod sa bawat hakbang at galaw ko.

"Ang mga bata nga pala, nasaan?" Tanong ko. Kunwari wala lang sa akin ang nangyaring paghahalikan naming dalawa. Pero hindi alam, grabe ang kabog ng puso ko dahil sa ginawa namin!

"Nasa bahay." Tipid niyang sagot at naupo sa kaninang inuupuan ni Benj.

"Nasa bahay? So, iniwan mo sila sa bahay para lang bisitahin ako dito, gano'n?" Paglilinaw ko.

Seryoso? Pumunta lang siya dito ng gano'n ang rason?

"Exactly, tsaka may bantay naman sila. No worries." Sagot niya.

I scoffed. "Kahit na, Oliver. Dapat kasama mo sila ngayon. Bond with them. Be with them." Pangangatwiran ko.

I heard him sighed. "Fine, ito na, aalis na nga." Pagsuko niya. "By the way, mga 7 p.m ko siguro sila uuwi sa 'yo." He informed me.

I nodded habang ang tingin ay nasa computer ko lang. "Okay. Hihintayin ko kayo ng mga bata." Saad ko.

"Sige. Bye." Aniya. Doon na ako lumingon sa kanya para magpaalam na rin sa kanya nang wala na siya sa harapan ko kung hindi nasa gilid ko na siya ngayon, bahagyang nakayuko. At nang lingunin ko siya ay kaagad niya kinuha iyon bilang pagkakataon para halikan ulit ako sa 'king labi.

"Bye ulit." Matamis ang ngiting iginawad niya sa 'kin bago tuluyang lumisan sa opisina ko at iniwan akong tulala, naguguluhan at mabilis ang pintig ng puso.

"B-Bye..." Damn you, Oliver! Anong ginagawa mo sa 'kin?

My heart...

Holding It Together [COMPLETED]Where stories live. Discover now