THE CHAPTER 13;
"Good morning, Ma'am!" Masiglang bati sa 'kin ng secretary ko.
"Good morning too, Lianne." I smiled as I greeted her back nang makaupo na ako sa swivel chair ko dito sa sarili kong office.
"Nakita ko po kayo kanina sa may lobby, hinatid ka po ni Sir Oliver. Ayieee! Sana all na lang talaga!" Kinikilig-kilig nitong sabi habang nasa harapan ko. Mukha tuloy siyang uod na binurburan ng asin kung kiligin.
Napailing-iling na lang ako kay Lianne. Mas bata sa 'kin si Lianne kaya kung kiligin parang teenager lang.
"Well, siyempre asawa ko siya. Ihahatid niya ako kung gugustuhin niya..." Nasabi ko na lang sa kanya.
"Aysus! Siguro inihatid kayo kasi good mood siya Ma'am at naka-score kagabi sa inyo..." Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong kape na ipinagawa ko kay Lianne dahil sa sinabi niyang iyon.
Tangina? Ano raw? Naka-score?!
Porke't inihatid lang ako, naka-score na kaagad kagabi? The hell? Saan nanggaling 'yon? Anong connect?
Kahit gano'n, pinanatili ko parin ang poise ko at bahagya siyang tinaasan ng isa kong kilay. "Paano mo naman nasabing porke't inihatid lang, naka-score na? Huh, Lianne?" Tanong ko.
"Ganito kasi 'yan, Ma'am..." Aniya saka naupo pa sa upuang para sa mga bisita na nasa harapan ko na pinagigitnaan ng lamesa.
Ako naman itong si uto-uto na willing makinig sa kung anumang sasabihin niya.
"Siyempre gwapo si Sir, Ma'am. Bilang isang lalaki, may pangangailangan din 'yan. At bilang asawa niya, responsibilidad mo na na pagbigyan siya sa pangangailangan niyang iyon, ganurn! Basta alam mo na 'yong tinutukoy ko, Ma'am! May anak na nga kayo diba? Triplets pa! Sheesh!" Paliwanag niya.
Napatangu-tango ako. Well, tama naman siya sinabi niya pero hindi ko ma-gets kung anong pinupunto niya tsaka anong connect no'n sa paghatid sa 'kin ni Oliver?
"Kaya, naku! Ikaw, Ma'am ah! Huwag mo hahayaang magsawa sa tahong mo si Sir at baka maghanap 'yan ng ibang tahong. 'Yong mas bata 'tsaka fresh pa..." Dagdag pa nito.
Baka maghanap ng ibang tahong? Tahong? What the hell is that kind of word?
Pero seriously, natigilan at napaisip ako sa sinabing iyon ni Lianne.
Oliver and I are almost eight years married. Since nabuntis, nanganak, at nagsama kami ay hindi na namin ginawa ang bagay na 'yon. Hindi rin namin sinubukan. Isang beses lang talaga 'yon nangyari at hindi na naulit pa.
Nang ginawa namin ang bagay na iyon ay nagbunga kaagad ng tatlong bubwit.
Siguro kasi, hindi rin namin napag-uusapan? Siguro kasi 'yong focus namin ay nasa mga bata lang. Kumbaga 'yong attention namin nasa kanila. Sila 'yong top priority namin as their parents.
Willing naman akong pagbigyan siya kung gusto niya pero hindi rin naman siya gumagawa nang paraan para gawin namin ang bagay na 'yon kahit na sa iisang kwarto kami natutulog at magkatabi. Mas lalong hindi ako gagawa ng moves para lang sa bagay na iyon. Pero...
Siguro kasi may iba siyang napagbabalingan at napaglalabasan ng init sa katawan? I don't know.
Hindi ko hawak ang oras niya at may tiwala naman ako sa kanya kaya kahit anong oras na siya minsan nakakauwi ay okay lang naman sa 'kin. Ni minsan hindi ko siya pinagdudahan, ngayon lang bigla.
I don't know why but there's part of me na naging bitter bigla. Just to think that he's bedding other women dahil sa hindi namin nagagawa ang bagay na iyon. Dahil sa hindi ko siya napagbibigyan sa pangangailangan niya... parang may kung anong kirot sa puso ko. Maybe because... I'm jealous?
Wait, what?! Jealous? I'm jealous? What the freaking hell! Hindi ako nagseselos. Error feelings lang 'ata 'yon kung meron man no'n.
Buong hapon akong wala sa sarili hanggang sa uwian na at naisipan kong pumunta sa law firm kung saan nagtatrabaho si Oliver.
"Good afternoon, Mrs. Drewitt!" Bati ng security guard na siyang nasa entrance ng firm, nakatokang magbantay. Medyo nagulat ako noong una sa pag-aakalang nasa likuran ko si Tita Phamela at iyon ang binati ng guard pero paglingon ko sa likuran ko wala si Tita. Then later on, I realized, ako pala ang Mrs. Drewitt na tinutukoy niya. Ang epek no'n! Nakakahiya kay kuyang guard!
"Hehe, magandang hapon din po." Bati ko rin sa kanya pabalik at tuluyang pumasok sa loob ng firm.
Nasa lobby pa lang ako at kitang-kita ko na ang mga pinaghalong empleyado at mga taong narito para siguro sa mga kaso nila habang labas-masok sa firm.
Hindi ito ang first time kong punta dito pero it was like this is my first time going on this place. Para akong batang manghang-mangha sa paligid. Aissh!
"Sky!" Napalingon ako sa buong paligid nang marinig ang boses ni Reeze. And when I already see him, he's with Deon again as always. Naglalakad na sila ngayon papunta sa gawi ko.
"Reeze, Deon. Si Oliver?" Bungad ko sa kanila.
Napahawak naman si Reeze sa dibdib niya, animo'y nasaktan sa sinabi ko. Kahit kailan ang OA talaga! Apaka OA!
"Wow! Hinahanap niya si Oliver, pare, eh, nasa iisang bahay na nga lang sila nakatira! Ang galing! Pumunta lang dito para itanong sa 'tin kung nasaan ang asawa..." Pagdadrama ni Reeze. Napairap tuloy ako ng wala sa oras.
"Tangina mo, Reeze. Ang OA mo!" Mura ni Deon kay Reeze.
"Tangina mo rin, gago!" Hindi paawat na sabi naman ni Reeze kay Deon.
"Tumigil na nga kayo!" Saway ko na sa kanilang dalawa because they are starting to make a scene sa gitna ng daanan ng mga tao. Napapatingin na rin sa amin ang ibang tao. Ang iba naman ay napailing-iling na lang na para bang normal na sa kanila ang makita ang dalawa na magbangayan araw-araw.
Ghosh! Naturingan pa namang mga abogado ang mga ito. Nakakahiya talaga minsan 'yong mga lumalabas sa bibig nilang dalawa! Aish!
"Kung si Oliver ang hanap mo, nasa 15th floor siya ngayon, Sky." Seryosong sagot sa 'kin ni Deon. Naisingit pa niya iyon bago ulit nakipagbangayan kay Reeze.
Napailing-iling na iniwan ko na lamang silang dalawa roon at pumasok sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan daw kuno si Oliver.
Nang makarating sa floor kung nasaan siya ay kaagad akong lumabas sa elevator at naglakad-lakad kung saan man maaari kong makita si Oliver hanggang sa natigilan ako nang makita siyang may kausap na isang maganda at balingkinitang babae.
Mukhang masaya silang nag-uusap base sa mga ekspresyon na pinapakita nila sa mata ng isa't isa. Then I realized na natigil na pala ako sa kinarorounan ko ngayon at biglang napaisip kung...
Kung hindi nga kaya niya ako nabuntis, malaya pa rin siya hanggang ngayon at wala pang anak?
Kung hindi ba kami ikinasal, until now, single pa rin kaya siya o hindi kaya may bagong girlfriend na siya?
Kung hindi ba siya natali sa 'kin, malaya ba siya ngayon o sa iba natali?
Doon ko napagtanto bigla na ako lang 'ata 'yong masaya na ikinasal kami kahit para lang 'yon for formality at para panagutan ako dahil nabuntis niya ako. Doon ko lang ulit naalala na...
Hindi pala namin mahal ang isa't isa...
This marriage we had is a loveless marriage. And if we're going to decide if we divorce or annul or what, we can do it in a heartbeat, just to make us both separate and will finally be free after years of being married without loving each other...
_ _ _
Author; Ang Chapter 1-13 po ay flashback sa nangyari sa kanilang dalawa ni Sky at Oliver. Kung paano ang naging buhay nila bilang mag-asawa at magulang. Sana walang naguluhan sa inyo. You can free to ask me if you want, I won't bite you. Char!
Simple lang 'yong reason if bakit sila naghiwalay pero I'll assure you, guys. Hindi maghihiwalay ang mga bida nang tuluyan. This story will be worth it, well, I hope so. Light lang po talaga 'to na story hshs. Basta I got this. Hintay lang ng kaunti sa mga susunod pang kabanata. Lovelots, mga centavosq! (^_^)
YOU ARE READING
Holding It Together [COMPLETED]
Romance"Choosing the right decision to be with you again is the best..." - Skylight Bonneville-Drewitt. - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ; This story is not yet polished but I'm trying my best to give a good reading-worthy experience. - - - Date Sta...