Chapter 16

318 6 0
                                    

THE CHAPTER 16;

"Good morning, Ma'am! And also, welcome back!" Lianne greeted me nang pumasok na ako kinabukasan sa trabaho.

As I expected, tambak na naman ang mga tatrabahuhin ko.

"What is my schedule for today, Lianne?" Tanong ko sa kanya nang maupo na ako sa swivel chair ko.

"May board meeting po this 9:30 a.m to 11:30 a.m, Ma'am." She informed me. I just nodded. "And the CEO was expecting you to be there, Ma'am." She added. Pertaining to my Dad who's the CEO of this company.

"Ok, noted. Thank you, Lianne." I politely said as I sipped on my coffee.

"Welcome po, Ma'am." Aniya saka lumabas na sa opisina ko.

Nang ako na lang ang mag-isa ay kaagad kong sinimulan ang pagtratrabaho at nang sumapit ang 9:28 sa relo'ng pambisig ko ay kaagad akong nag-ayos at hinanda ang mga dadalhin ko sa conference room.

Nasa tapat na ako ng conference room at nang pumasok ako ay nandoon na pala ang lahat ng parte ng board members. Ako nalang 'ata ang hinihintay. Naks hinihintay!

"Good morning." I greeted them with a warm smile as I walked and sit to the chair which was mine dahil sa nakalagay na 'CFO's chair' sa likod ng seater.

"May hinihintay pa ba tayong iba?" Mahinang tanong ko sa katabi ko na IT director ng kompanya.

Ako lang 'ata ang walang alam kung tungkol saan ang meeting na ito ngayon.

"Hello! Ang sabi-sabi, may bagong investor daw tayo ngayon from Hongkong. Ipapakilala sa 'tin ng Dad mo." Paliwanag niya sabay turo ng bahagya sa Dad ko na seryoso at pasensyosong hinihintay na dumating ang bagong investor kuno. Nasa gitna ito nakaupo at naghihintay.

Charot. May hinihintay pa palang iba na bagong investor kuno. Assuming ni anteh!

"Gano'n ba. Thank you." Nasabi ko na lang at muling tumahimik.

Ilang minuto pa kaming naghintay lahat hanggang sa bumukas ang pinto ng conference room at pumasok ang isang lalaking nasa mga late 50's na 'ata. May kahawig ito na hindi ko mapangalanan kung sino.

Hanggang sa may kasunod pa siyang pumasok na isang lalaking nasa late 20's at malaki ang pagkakahawig sa lalaking naunang pumasok dito sa conference room.

Right there, napagtanto ko kung sino ang mga ito. Ang mag-amang Hensley. Si Benj at mismong ama niya!

Remember Benj? My former blockmate when I was in college. And also a friend of mine way back then.

Wow. 'Yon lang 'ata ang masasabi ko habang pinagmamasdan siyang walang emosyon ngayon habang nakaupo na silang dalawa ng Dad niya sa dalawang vacant seats na para sa kanila talaga.

Ang daming nagbago sa physical na anyo niya, pero katulad pa rin kaya siya ng dati? 'Yong approachable na klase ng tao? Para kasing hindi na. Wala ba namang bakas ng emosyon 'yong mukha niya ngayon. Hayst!

Huling balita ko sa kanya ay nagpunta siya sa ibang bansa years ago. Malamang, kakauwi lang niya ngayon dito sa Pilipinas, I guess?

"Meeting adjourned." The CEO announced. Which is my Dad. "Sky, maiwan ka muna dito." Aniya nang akmang aalis na rin ako kagaya ng ibang board members.

"Sky, I want you met my kumpare, Benjamin Hensley. Isa siya sa mga ninong mo no'ng binyag mo." Pagpapakilala niya sa Tatay ni Benj sa 'kin.

I smiled. "Hello po! I'm Skylight Bonneville-Drewitt. The only daughter of Skyler Lee Bonneville." Pagpapakilala ko rin sa aking sarili sabay lahad ng kamay sa tatay ni Benj. Kaagad naman nitong tinanggap ang kamay ko at nakangiting nakipagkamay sa akin.

"Nice to meet you, hija. Ang laki mo na." Aniya saka bahagyang natawa. "Hindi bale, kuwentahin mo na lang ang ilang taon na wala ako sa pasko kasama ka at bibigyan kita nang maagang pamasko kinabukasan." Pabiro niyang sabi na ikinatawa naming apat na naroon sa conference room.

"By the way, this man beside me is my son. Benjie Hensley. You can call him Benj for short." Pagpapakilala niya kalaunan sa anak niyang lalaki na si Benj na ngayo'y nakangiting nakatingin sa akin.

"Hey, Sky! Zupp?" Aniya.

"Na-miss kitang kumag ka!" Saad ko saka siya dinamba ng isang mahigpit na yakap. "Ahmishyouuu!"

"I miss you too, Sky..." Aniya saka ako isinayaw-sayaw sa hangin habang buhat-buhat ako and at the same time ay yakap-yakap rin ako.

Nang makuntento na sa pagyayakapan at pagka-miss sa isa't isa ay bumitaw na kami sa pagkakayakap.

"Are you guys know each other?" Sabay-sabay na tanong sa 'min ng ama namin na kanina pa pala kami pinapanood.

"Well, Dad. Benj and I used to be friends and are blockmates way back in college, that's why we really know each other." Sagot ko.

Napatangu-tango naman ang dalawa. "Okay, that's good to know. Akala ko hindi ka pala-kaibigan sa school. Ni hindi ka naman kasi nagdadala ng ibang kaibigan mo sa bahay noon kundi sina Reeze, Deon at Oliver lang." Lintaya ni Dad.

"Eh, sa takot sila sa 'yo, eh." Pabiro kong sabi at bahagyang natawa. "Sige na po, Dad. Una na ako. Tito Benjamin, Benj..." Paalam ko na at tuluyang nilisan ang conference room na iyon. Mukhang may pag-uusapan pa kasi silang importante.

Nang makabalik sa office ko ay kaagad akong bumalik sa ginagawa ko kanina na naudlot dahil kailangan kong umattend sa meeting na iyon.

Ilang minuto pa lang ang lumipas habang nagtratrabaho ako ay may kumatok sa pintuan ng opisina ko mula sa labas. The next thing I know is bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Benj at pumasok sa loob ng opisina ko.

"Oh, Benj! Tapos na kayong magusap-usap nina Tito at Dad?" Nakangiting tanong ko sa kanya habang inaayos ang mga gamit ko sa lamesa ko na nagkalat. "Have a sit." I said at iginaya siyang maupo sa visitor's chair na nasa harapan ko na pinagigitnaan ng lamesa ko mismo. "What brings you here?" Tanong ko kalaunan.

"Well, wala lang. Gusto lang kitang makita ulit?" Patanong niyang sabi sa 'kin.

Napanguso ako. "Ikaw talaga! So, ano nga?"

"Wala. Mangungumusta lang sana..." Aniya saka nahihiyang nagkamot ng batok niya.

"Well, I'm just doing fine. How about you?"

"Well, I'm good but not really..." He answered.

Nakuha no'n ang interes ko. "Why naman?"

"Hindi ako sinipot ng fiancée ko sa kasal sana namin last month." Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanya.

Damn! Hindi siya sinipot? Bakit kaya?

"Bakit naman kaya?"

Umiling-iling siya. "I don't know. Hindi ko rin alam. Basta bigla na lang siyang nawala na parang bula. Alam mo 'yon? Iniwan ako ng walang paalam. Na walang pasabi kung babalik pa ba siya o hindi na..." Aniya. Bakas sa boses at mga mata niya ang lungkot at pangungulila niya sa fiancée.

Napabuntong hininga na lamang ako. "Everything happens for a reason, you know. Malay mo, isang araw, masagot din ang mga katanungan mo kung bakit nangyari ang mga bagay na iyan sa 'yo ngayon." Pampalubag-loob ko sa kanya. "Cheer up, Benj!"

"Yeah, thank you, Sky. Anyway, let's change the topic." Pag-iiba niya ng usapan. "How about you? Single ka pa rin ba?" Tanong niya.

Pabiro akong napairap sa tinanong niya. Sa dami-daming pwedeng itanong, 'yon pa talaga?! Psh!

"Well, I'm now married with three kids. Actually triplets sila. Babae, lalaki at babae." Kampante kong sagot.

Siya naman ngayon ang napanganga sa narinig.

"T-triplets?" Hindi makapaniwalang usal niya.

"Yeah." Cool kong sabi.

"Wow! Sana all!" Bulalas niya. "Sino naman ang napangasawa mo?" Tanong niya kalaunan nang makabawi na mula sa pagkagulat.

"Ako." Boses iyon na nagmumula malapit sa pintuan ng opisina ko kung nasaan naroon si Oliver. Nakasandal sa gilid ng pintuan ng opisina ko habang madilim ang mukha.

Oh my! What is he doing here?

Holding It Together [COMPLETED]Where stories live. Discover now