Chapter 15

347 5 0
                                    

THE CHAPTER 15;

"Hey..."

Tila bumalik lang ako sa tamang huwisyo nang marinig ang boses na iyon.

"O-oliver? Anong ginagawa mo dito?" Gulat at hindi makapaniwalang sabi ko nang makumpirmang si Oliver nga ang nandito sa harapan ko ngayon habang nasa kusina, mag-isa akong nagluluto para sa hapunan namin habang si Manang at ang iba pang kasambahay ay nasa dining area, naghahanda ng mga plato at kung ano pa man na gagamitin namin sa pagkain ngayong hapunan.

He sighed. "Sinabi ng security guard sa 'kin na on-duty kaninang tanghali na pumunta raw kayo sa firm. Why? Bakit hindi ko kayo nakita? Hindi ba kayo tumuloy ng mga bata? Tsaka hindi mo rin sinabi sa akin na ngayon pala ang uwi niyo galing bakasyon, edi sana nasundo ko kayo sa airport..." Bagkus ay sabi niya habang dahan-dahang lumalapit sa gawi ko.

Napabuntong hininga rin ako saka tinanggal na ang apron na suot ko sa pagluluto. "Well, yes. Nagpunta kami roon. Sinadya talaga naming hindi sabihin sa 'yo na ngayon ang uwi namin because the triplets wants to surprise you. Pero ako mismo ang nagulat sa nakita kong ka-imoralan. That's why, hindi na lang kami tumuloy. Ayaw ko namang maistorbo kayo ng babae mo. Also, ayokong pinapanood ang mga anak natin ng mga, you know? rated SPG." Mahinahon kong sabi pero hindi nakaligtas sa 'kin ang pagiging tunog-bitter ko.

Natigilan naman siya sa paglapit sa akin at biglang napalunok. "N-nakita niyong---" I cut him off.

"Ako lang, Oliver. Ako lang ang nakakita. Mabuti nga at ako lang ang nakakita, hindi ang mga bata. Talagang matatamaan ka sa 'kin pag nagkataon. Hindi na lang kasi nag-motel..." Sabi ko habang pahina ng pahina ang boses na naka-cross-arm habang nakasandal sa counter.

"I'm sorry sa nakita mo." Napapabuntong hiningang sabi niya. "Iyong nakita mo kanina, wala lang 'yon. I'm really sorry. That secretary of mine--- Damn it! She seduced me, Sky. Believe me, hindi ko ginusto ang nangyari kanina. I swear! Tumayo agad ako as soon as possible dahil sa ginawa niya." Pagpapaliwanag niya.

At nagpaakit ka naman!

Lihim akong napairap. "Oh, please! You don't have to say sorry, Oliver. It's okay. Wala akong pake kung sino man ang gusto mo or what. Just please, please know the right place kung saan niyo gagawin ng babae mo ang bagay na 'yon." I said as I was pertaining to the word 'sex' that they almost did earlier.

Baka nga ginawa pa nila iyon nang makaalis na kami roon ng wala siyang kaalam-alam.

Nakita ko kung paano tumiim ang bagang niya. "Wala akong ibang babae, Sky..." Mariin niyang saad.

"Ows, really? Share mo lang." Pabalang kong sabi saka umirap.

"Wala nga sabi akong--- Wait, are you jealous?" Pagkakuwa'y sabi niya saka unti-unting sumisilay ang ngiti sa kanyang mapupulang labi.

"Amputa! Gago, anong---" Naputol ang sasabihin ko nang biglang pumasok dito sa loob ng kusina si Manang at tinignan ako ng nagbabanta.

"Ang bibig mo, Sky." Warning niya sa 'kin saka binalingan ng tingin si Oliver at ngumiti rito. "Dito kana maghapunan, hijo." Alok nito kay Oliver.

"Sige po." Magalang naman na sang-ayon ni Oliver saka ako binalingan at nginitian nang matamis bago tuluyang nagpaalam na mauna nang pumunta roon sa hapag-kainan.

"Aray! Manang!" Hiyaw ko nang kurutin ako ni Manang sa tagiliran ko.

"Ikaw na bata ka! Ba't kaba nagmumura, huh?!" Saway niya sa akin.

"Hindi po ako nagmura." Parang bata na sagot ko habang pinapagalitan ni Manang.

"Hindi ako bingi, Sky. Narinig ko! Nagmura ka! Naku! Sinasabi ko sa 'yo, kapag narinig ka at gayahin ka ng mga anak mong magmura, humanda ka sa 'kin!"

"Manang naman, eh!" Nagmamaktol kong sabi.

"Hala sige, dalhin mo na 'yang mga niluto mo sa hapag-kainan at kakain na." Nasabi na lang ni Manang saka kinuha ang malaking bowl na may lamang ulam na mechado at lumabas na sa kusina at nagtungo sa hapag-kainan para ilagay roon ang kinuha niya.

Ako naman ay kinuha na rin ang isang bowl na may lamang chicken lollipop na para sa mga bata at dinala ito sa hapag-kainan.

Nang makarating sa hapag-kainan ay nakita ko kaagad na kandung-kandong ni Oliver si Orion at Octavia sa kandungan niya habang nasa gilid naman niya si Ophelia, may subo-subong lollipop sa bibig.

"Hi Mom!" Bati sa akin ni Ophelia kaya sabay-sabay naman na napalingon sa 'kin ang dalawa niya pang kapatid at binati rin ako.

"Hello..." I greeted them back as I put the food I brought from the kitchen on the center of the table.

Nilapitan ko sila at isa-isang hinalikan sa noo hanggang sa natigilan ako nang mapansin si Oliver na nakasunod sa 'kin ng tingin.

"What?" Taas ang isang kilay na tanong ko sa kanya nang nakatingin lang siya sa akin.

"Kiss mo rin daw kasi si Daddy, Mommy..." Ani Octavia saka bumungisngis.

Napalunok ako. "Fine." Saka siya hinalikan rin sa noo para matapos na.

"Sa noo lang?" Nakangusong sabi niya.

Napairap ako.

"Mommy, sa forehead lang daw po?" Singit naman ni Orion.

"Eh, saan ko pa ba hahalikan ang Daddy niyo? Sa puwet niya?" Sarkastiko kong sabi. Earning from them to laugh.

"Hindi po, sa lips po." Ophelia answered. That made me blush.

"Tama, sa lips po." Sangayon naman ng dalawang nasa kandungan pa rin ni Oliver hanggang ngayon.

Napatingin naman ako kay Oliver na nakangising naghihintay sa gagawin ko. Sinamaan ko pa siya saglit nang tingin bago dinampian ng halik sa labi.

Kaagad naman akong nakarinig ng mga impit na tilian na halatang pinipigilan ang kilig nila mula sa ibang kasambahay namin dito na nakakita sa ginawa kong iyon.

"Anong nangyayari't para kayong mga uod na binudburan ng asin, huh? Charlotte?" Tanong ni Dad na kakapasok pa lang sa dining hall.

"Wala po, Sir." Sagot ng kasambahay na tinanong ni Dad. Nakahinga naman ako ng maluwag ng wala siyang sinabi tungkol sa ginawa ko na lakas maka-PDA. Mabuti na lang at bago tuluyang pumasok dito sa dining area si Dad ay nakaupo na rin ako sa tabi ni Oliver.

Pero nakalimutan ko 'atang maypaka-madaldal pala itong bunso kong anak.

"Lolo, si Mommy at Daddy po nag-kiss. Bati na po sila" Ani Octavia at bahagya pang nag-sign ng nag-kiss using her hands.

Napatampal na lang ako sa sarili kong noo.

Mahaba-habang gabi 'to panigurado...

Holding It Together [COMPLETED]Where stories live. Discover now