Chapter 9

292 6 0
                                    

THE CHAPTER 9;

"Mukhang importante ang pag-uusapan natin ngayon, ah? Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin?" Ani Tito Oliverio. Oliver's dad.

Hindi ko alam kung paano naging possible pero heto na kami ngayon ni Dad sa bahay nina Oliver. Kaharap sina Tita Phamela at Tito Oliverio at si... Oliver.

"'Yang bunso mong anak, Oliverio." Hilot-hilot ang sariling sentido na turo ni Dad kay Oliver na nasa gitna nina Tito Oliverio at Tita Phamela ngayon nakaupo.

"Bakit? Anong problema?" Tanong naman ni Tita Phamela habang nakakapit sa braso ni Oliver.

"Binuntis si Sky." Matipid na sagot ni Dad pero bakas sa boses ang galit.

"What?!" Sabay-sabay na reaksyon ng mga magulang ni Oliver. Bakas sa mga mukha nito ang gulat at hindi makapaniwala.

"Y-you're pregnant, hija?" Tanong sa 'kin ni Tita Phamela. Hindi rin ito makapaniwala. "... At si Oliver ang ama?"

"Y-yes po... Mga five weeks na..." Nakayukong sagot ko.

"Oliver, care to explain what the hell is this?!" Matigas na sabi ni Tito Oliverio kay Oliver.

Nang wala akong marinig na sagot mula sa kanya ay dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. And there, I met his gaze. Shock and surprise are evident to his face.

"B-Buntis k-ka?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi pa rin nakaka-get-over ang loko.

"Yes." Sagot ko saka napaiwas ng tingin sa kanya.

Tangina! Ngayon na nga lang ulit kami nagkita, dahil pa sa kailangan niya akong panagutan dahil nabuntis niya ako. Parang noong huli kaming nagkausap, sinabi ko sa kanyang kalimutan na lang 'yong nangyari sa amin tapos ngayon, magkaharap kami kasama ang mga magulang namin, nag-uusap tungkol sa pagkabuntis ko at siya ang ama.

"The hell, Oliver! Nawala lang kami saglit ng Daddy mo tapos ito na kaagad ang nangyari? Nakabuntis ka! Nabuntis mo si Sky, Oliver! Panagutan mo siya!" Eksaheradang sabi ni Tita Phamela saka pinagpapalo ng throw pillow si Oliver sa braso.

Marami pang pinagsasabi si Tita Phamela kay Oliver na nakatulala pa rin habang sina Dad at Tito Oliverio ay nasa bandang gilid na, masinsinang nag-uusap.

Hanggang sa marinig ko ring nagsalita na rin ulit sa wakas si Oliver. Pero hindi ko inaasahan ang sasabihin niyang iyon.

"Pananagutan ko siya, Ma. Don't worry, pakakasalan ko rin siya."



Weeks passed...

Kasing bilis ni Flash ang lahat nang nangyayari ngayon sa aking paligid. Parang kailan lang wala akong ibang hiniling kung hindi ang mabuo ulit ang pamilya namin kahit malabo na pero ngayon...

Sa isang iglap, ikakasal na ako. Magiging Mrs. Drewitt na ako. Magiging may-bahay na ako ni Oliver na dati ay matalik ko lang na kaibigan pero ngayon, magiging asawa ko na dahil sa isang gabing may nangyari sa 'min at may nabuo.

Hindi ko inaasahan 'to. Kasi alam kong magkaibigan lang talaga ang tingin namin sa isa't isa noon pa man. Kung pwede nga lang ibalik ang oras pero kahit ganoon, huli na rin siguro para magsisi. Nandito na kami, eh. Kailangan na lamang naming pangatawanan itong desisyong pinili namin. It's too late to regret...

"Welcome, loved ones. We are gathered here today to join Oliver Lance Drewitt and Skylight Bonneville in holy matrimony..." The judge started to said something in front of us.

"... In addition, it will take commitment, to hold true to the journey, you both now pledge to share together. agreed to live together in Matrimony, have promised your love for each other by these vows, I now declare you to be Husband and Wife. Congratulations, you may kiss your bride." Sa kay haba-haba ng sinabi ng judge na nasa harapan naming dalawa ni Oliver, na siyang judge na nagkakasal sa 'min ngayon. Ang salitang iyon lang 'ata ang tanging narinig at naintindihan ko mula sa kanya.

Hindi na rin ako nag-expect ng lubusan na hahalikan talaga niya ako sa labi sa harapan mismo ng mga magulang namin pero ginawa niya pa rin, saglit nga lang.

Tanging ang mga magulang lang namin ang mga bisita at saksi sa kasalang naganap. Sa kaibigan naman namin, si Reeze lang ang naka-attend. Ni wala man lang kangiti-ngiti. Siguro hindi pa rin maproseso ng utak niya ang lahat ng nangyayari ngayon.

"Welcome to the family, hija." Nakangiting bati sa akin ni Tita Phamela.

"Thank you po, Tita." Saad ko saka ngumiti ng kaunti.

She shooked her head. "Nope! Don't call me Tita, call me Mama or Mommy. You're now part of our family." Aniya.

This time, I smiled genuinely. "Thank you, Ma." I thanked her again for welcoming me to their family.

After 10 years, ang sarap pala ulit sa pakiramdam na may tinatawag ng Mama. Nakakatuwa lang...

"You're always welcome, dear."



"Hindi naba talaga makakahabol si Deon?" Pasimple kong tanong kay Oliver na nasa tabi ko, nakaalalay sa 'kin.

Simula nang nalaman niyang buntis ako. Hindi siya nagdalawang isip na panagutan ako. Kaya ito siya, tudo ang alalay sa 'kin, akala mo isa akong pilay.

Buntis ako. Hindi person with disability.

Tumikhim siya. "Hindi na raw. Busy raw siya masyado ngayon. Babawi na lang daw siya." Sagot niya.

"Okay." Medyo sumama ang loob ko na wala si Deon dito. Kahit naman kasi hindi ito 'yong inaasahan kong magiging wedding ko, naalala ko bigla, sabi niya, isa siya sa mga hindi mawawalang tao sa pinakaimportanteng araw ng buhay ko. Pero ngayon, wala siya. Hindi siya nakarating.

"I have to go." Walang emosyonng saad ni Reeze na ngayo'y nasa harapan na namin ngayon ni Oliver.

"Sige, ingat." Saad ko saka ngumiti ng kaunti kay Reeze. Alam kong hindi niya nagustuhan ang nangyari at kinahantungan naming dalawa ni Oliver pero ito pa rin siya. Thankful ako at kahit papaano, dumalo pa rin siya sa civil wedding na naganap.

"Ikaw ng bahala kay Sky. Ang usapan natin, Oliver. Ingatan mo si Sky. Makakatikim ka talaga ulit sa 'kin kapag hindi mo iningatan ang prinsesa natin." Seryosong sabi ni Reeze. Walang himig ng pagbibiro na palagi kong nakasanayan sa tuwing nagbibitaw siya ng mga salita.

"Makakaasa ka, Reeze." Seryoso ring saad ni Oliver.

"Tsk. Loko! Ewan ko sa 'yo. Hindi pa rin tayo bati. Suyuin mo 'ko." Sinuntok pa ni Reeze ng bahagya ang tiyan ni Oliver bago tuluyang lumisan na kinailing-iling ko na lamang.

Lokong Reeze.

Holding It Together [COMPLETED]Where stories live. Discover now