Chapter 9

11.9K 366 12
                                    

“I need to go to the bathroom,” biglang sambit ni Kotaro sa gitna ng pagkawili ko sa mga magagandang ukay na damit.

Agad akong tumango at binigyan siya ng limang peso. Kumunot ang noo niya sa akin.

“Why?” nagtatakang tanong niya sabay baba ng tingin sa palad niya na may limang peso na.

“Hindi ka makapagtae o hindi kaya maka-ihi kapag wala kang pera dito sa lungsod. Hindi ka makapagdumi kung wala kang pera. Walang libre sa mundong ito,” sabi ko sabay irap.

Tumango siya sa sinabi ko at saka tumalikod. Kumunot ang noo ko at napahalukipkip.

“Alam mo ba kung nasaan ang CR?” nagtataka kong tanong.

“I don’t know…” Binalingan niya ako. “Where is the restroom?”

Napairap muli ako at saka tinuro ang kaliwang bahagi ng palengke. “Nandoon. May CR doon. Dalian mo, ha, kasi maghihintay ako rito.”

Tumango siya sa akin at naglakad na patungo sa direksyon na itinuro ko. Pinagmasdan ko ang kanyang kilos at hindi ko mapigilan ang magduda. Masyado na yata akong nabobobo about amnesia. Try ko kayang magresearch nang malaman ko.

Puwede akong makulong sa ginagawa ko lalo na kapag makaalala na siya. Hindi niya ako kilala at hindi niya ako asawa.

Kung makaalala na siya, siguro sobrang sama na niya sa akin at baka umuwi na sa kanila. Pero hindi, narito pa rin siya at nagtitiis sa pang-aalipin at pang-uuto ko.

At sana kapag makaalala na siya ay may matinong trabaho na ako. Ayokong maikasal kay Carl dahil hindi ko siya gusto. Hindi ko rin naman siya masyadong kilala.

Hindi man kami mayaman pero uso rin sa mga mahihirap ang fixed marriage. At alam ko na seryoso ang mga magulang ko lalong-lalo na si Nanay.

“Venice…”

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Carl. Bigla tuloy akong kinabahan at kinilabutan lalo na’t matagal na kaming hindi nagkita. Siguro alam na niya na may asawa ako. Sa malaking bunganga ba naman ni Nanay, baka kabilang bayan ay alam na rin.

Huminga ako nang malalim bago hinarap ang lalaki. Narito pa rin kami sa loob ng ukay-ukayan at hindi ko akalain na makikita niya ako rito.

“Carl,” malamig kong sambit.

Pinasadahan ko siya ng tingin. In fairness, malinis na tao naman itong si Carlos Javierto pero hindi ko talaga siya bet.

Kumpara kay Kotaro, mas friendly ang mukha niya. Kay Kotaro, kahit saang sulok, walang kaamo-among mukha.

“Totoo ba? May asawa ka na?” bungad niyang tanong sa akin at humakbang palapit. “Umaasa ako na maikakasal ka sa akin dahil iyon ang sabi ng magulang mo. Naghintay ako na mangyari iyon pero hindi...”

Nakita ko sa mukha niya ang pagkabigo. Nakita ko sa kaliwa niyang kamay ang susi ng kanyang kotse. Pormang-porma siya at hindi siya bagay sa palengke.

Ano pa ba ang hinahabol-habol niya sa isang palamunin na isang katulad ko? Bukod sa kagandahan, wala na akong maipagmamalaki.

May trabaho na siya, engineer pa nga, eh, tapos mayaman din ang pamilya. Hindi man kasing yaman ng mga nasa telebisyon o mga milyonaryo pero at least guminhawa ang buhay. Tapos magpapakatanga lang siya sa isang katulad ko?

Hindi ko lubos na kilala si Carl dahil mabibilang ko lang sa daliri ko ang pagkikita namin at ang mga iyon ay kung may okasyon.

Tipid akong ngumiti sa kanya at saka niyakap ang napili kong damit at pina-counter. Nilingon ko si Carl.

Pretending To Be The Billionaire's Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon