Tulala akong nakatingin sa salamin habang sinusuklay ko ang aking mahaba na buhok. Ako lang ang mag-isa ngayon dito sa sala dahil kasalukuyang naliligo si Kotaro sa banyo.
Tulala ako dahil hindi ko alam kung ano na ang mangyayari pagkatapos nito. Panigurado ay babalik ako sa dating buhay pero iba na rin ang dating. Iba na kasi wala na siya rito. Hindi na ako maiinis, o hindi kaya maha-high blood sa kanyang katangahan.
Matapos kong magsuklay ay nilubayan ko na ang salamin at umupo na sa couch. Natahimik ako nang nakita ko ang pagpasok ni Nanay sa sala mula sa labas. Nang nakita niya ako ay tinaasan niya ako ng kilay.
“Talaga bang mamamasyal kayo, Venice?” nagdududa niyang tanong sa akin. “Kita ko ang disgusto ni Kotaro sa gusto mo. Ayaw niyang mamasyal dahil gusto niya ay nandito lang kayo. Ano ba ang meron at bakit atat na atat ka yata?”
“Nay, gusto ko lang mamasyal kasama siya,” ani ko at napatayo. “May problema ba roon?”
Napasapo si Nanay sa kanyang noo at inilingan ako. “Walang problema, Venice. Gusto ko lang malaman kung bakit ka umiyak kagabi tapos ngayon ay mamamasyal kayo.”
Hindi ako sumagot sa kanya at napakagat na lamang sa ibabang labi.
“Huwag mong masamain ang sinabi ko, anak. Nanay mo pa rin ako at nandito ka sa puder namin ng tatay mo kaya gusto kong malaman kung bakit ka umiyak,” aniya. “Concern lang ako sa iyo.”
Kumirot ang puso ko. Hindi ko alam. Mas lalo lang bumigat ang pakiramdam ko dahil kay Nanay. Alam ko naman na concern lang siya dahil anak niya ako pero hindi ko maiwasan ang maging bitter dahil sa pagtrato niya sa akin noon.
“Personal problem lang naman, Nay—”
“Hindi ka na naman ba natanggap sa trabaho?” pagputol niya sa akin. “Kaya ka ba umiyak kagabi?”
Natawa ako. “Gano’n ba palagi ang dahilan kapag umiiyak ako, Nay? Dahil hindi ako natanggap sa trabaho?”
Umawang ang labi niya. “Hindi naman sa gano’n—”
“Huwag kayong mag-alala, Nay. Pagkatapos ng gagawin ko ngayong araw, babalik ako sa paghahanap ng trabaho.”
“Ano ba ang gagawin mo ngayon? Ha?”
Hindi ako sumagot. Gusto kong sabihin ang totoo pero natatakot ako sa maaaring lumabas sa bibig niya.
“Ano ba kasi iyon, Veni—”
Natigil si Nanay sa pagsasalita nang bumukas ang pinto ng banyo kaya napalingon ako roon. Nakita ko si Kotaro na tanging tuwalya lang ang nakapulupot sa katawan.
Hindi ko maiwasan ang mapalunok at maibaba ang tingin sa kanyang magandang katawan. May abs. Magagandang abs. Mas lalo pang naging maganda tingnan ang kanyang abs dahil sa tubig na tumutulo dito.
Tumikhim ako at iniwas ang tingin doon. Nag-angat ako ng tingin kay Kotaro.
“T-Tapos ka na pala.”
Nag-angat siya ng kilay sa akin. “Yeah, and so?”
Natawa ako. “Ang sungit mo naman, asawa ko. Magbihis ka na. Tapos na ako. Ready na ako sa gala nating dalawa.”
Tumango siya at saka dumiretso na sa kuwarto. Nakahinga ako nang maluwag at saka binalingan si Nanay na napailing na lang sa akin at iniwan na akong mag-isa sa sala.
•••
“Ang pogi-pogi talaga ng asawa mo, Venice! Send tips ka nga riyan!”
Napangiwi ako habang hawak-hawak ko sa kamay si Kotaro. Naglalakad na kami ngayon sa gilid ng kalsada dahil sasakay kami ng tricycle patungong eskinita. Plano ko siyang ipasyal sa sea park sa kabilang bayan.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be The Billionaire's Wife (COMPLETED)
RomansaMonteverde Clan Series #1