Ilang buwan ang nakalipas simula nang dumating sa buhay ko si Kotaro. Sa ilang buwan ay wala namang naghahanap sa kanya na siyang ipinagtataka ko. Palihim ko rin siyang pinagtatanungan dito ngunit walang nakakilala sa kanya. Nagtanong din ako kay Sheren ngunit hindi talaga binibigay ng manager nila ang info na siyang mas ikinainis ko.
Hindi ko rin kasi kayang ipasabi na nandito sa akin si Kotaro dahil baka makulong ako. Ayoko na bigyan ng panibagong kahihiyan sa buhay ang mga magulang ko.
Bukod doon ay pinatingin ko rin sa doctor si Kotaro. Nagulat nga ako na walang dapat bayaran pero nagtiwala ako dahil doktor naman iyon. Hindi pa rin daw makaalala si Kotaro at may mga gamot siyang dapat inumin.
Sa ilang buwan na nakalipas ay nasanay na ako sa presensya niya at mukhang nasisiyahan na si Nanay dahil palagi na itong nagkapera.
Si Nanay talaga, mukhang pera.
Nagtataka nga rin ako kung saan nanggaling ang pera niya, eh, wala naman siyang sapat at magandang trabaho.
“Naku, hijo! Napakasipag mo namang binata at marunong ka na ring mangisda! Masuwerte ang mapapangasawa mo, hijo,” wika ni Nanay habang kinukuha ang mga sampay sa labas.
Nagulat ako sa sinabi ni Nanay at agad ibinaling ang tingin kay Kotaro na ngayon ay kabababa lang ng kanyang dala na lambat.
“N-Nay.” Nilakihan ko siya ng mata nang binalingan ko siya. Hindi pa rin pala tanggap ni Nanay na asawa ko si Kotaro. Ano ba naman ito?
Umawang ang labi ni Nanay at agad natawa. “Joke lang naman, hijo. Ang ibig kong sabihin ay masuwerte ang anak ko sa iyo.” Tumango-tango si Nanay at nagpatuloy na lamang sa kanyang ginagawa.
Napailing na lamang ako at nilapitan na si Kotaro na inaayos na ang lambat.
“Tulungan na kita,” ani ko at akmang hahawakan ang lambat nang pinigilan niya ako.
“Huwag na,” aniya sa malalim na boses. “Kumain ka na ba?”
Mapungay niya akong tiningnan. Hindi ko maiwasan ang mapalunok dahil sa kanyang nakakalusaw na tingin.
Ang awkward pala.
“T-Tapos na…” Napakamot ako sa aking batok. “Actually, nandito ako para tulungan si Nanay sa pagkuha ng sampay.” Sumulyap ako kay Nanay na katatapos lang sa pagkuha ng mga damit sa sampayan. “Pero mukhang tapos na siya kaya ikaw na lang ang tutulungan ko.”
Tiningnan ko siya at tipid na nginitian.
“Tsk! It’s fine.” Ngumiti siya sa akin na siyang ikinagulat ko. “Masaya na ako na marunong na talaga akong mangisda. Your father is a great teacher, huh.”
Hindi agad ako nakapagsalita dahil nagulat talag ako sa kanyang ngiti. Ang ganda at lumabas ang kanyang dimples sa magkabilang-pisngi.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at nagbaba ng tingin.
“M-May…” Pumikit ako. “May nag-improve na ba sa iyo? Like, may kaunti ka na bang naaalala?”
“Why are you asking me that? Palagi mo na lang akong tinatanong. Hindi ka ba napapagod? Sumasakit ang ulo ko sa tuwing tinatanong mo ako.”
Umawang ang labi ko at nag-alala siyang inangatan ng tingin.
“Hala, sorry. H-Hindi ko alam.” Umiling ako at hinawakan ang kamay niya na ikinatigil niya. “Gusto mo bang magpa-doctor ulit?”
Umigting ang panga niya. “I am fine, Venice. Don’t worry about me. As long as I’m happy.”
“M-Masaya ka?” gulat ko na tanong ko. “Saan ka masaya?”
“Here. I am happy living here with you.”
Halos lumuwa ang mata ko sa sobrang panlalaki dahil sa gulat.
“T-Talag—” Hindi ako natapos sa aking pagsasalita nang bigla akong tinawag ni Nanay.
“Anak, halika rito! Tumawag ang kaibigan mo sa selpon!”
Nilingon ko si Nanay at nakita ko na winagayway niya ang keypad ko na phone.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at hindi na nagpaalam kay Kotaro. Diretso na lang akong tumalikod sa kanya at nagtungo kay Nanay na mukhang inis na inis na.
“Kaibigan mo tumatawag!” wika ni Nanay sa pasermon na boses at ibinigay sa akin ang selpon. “Sagutin mo.”
Tinanggap ko ang phone at saka nagtungo sa bakuran malapit sa babuyan at doon ko sinagot ang tawag.
“Hello,” sagot ko sabay lagay ng aking isang palad sa tapat ng dibdib ko.
“Omg!”
Nailayo ko ang selpon ko sa tainga ko dahil sa tili ni Sheren sa kabilang linya.
“Ang sakit talaga sa tainga iyang tili mo! Bakit ka tumitili?” inis kong tanong at ibinalik sa tapat ng tainga ang selpon.
“Venice! Kailangan mo itong malaman!” sambit ni Sheren sa kabilang linya at ramdam ko ang kanyang pagka-panic.
Luminga-linga muna ako bago ko ni-loud speak ang tawag. Sa hindi malaman na dahilan, lumakas ang pagkabog ng puso ko.
“H-Huh? Ano ang dapat kong malaman?”
“Pinaghahanap na si Sir Kotaro! Hindi ko akalain na isa pala siyang Monteverde!”
Namilog ang mata ko sa narinig.
“M-Monteverde? Si Kotaro?”
“Oo, Venice! Nag-aalala na ako para sa iyo lalo na’t ilang buwan na rin! At hindi lang siya isang ordinaryong mayaman, Ven. Isa siyang Monteverde! Ang mga Monteverde ay isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa o sa buong mundo! Marami silang negosyo, Venice! Sabi ko na, eh, delikado iyang pinapasok mo!”
Natulala ako at hindi pa rin maipasok sa utak ang mga narinig.
“At ito pa, magbibigay sila ng pabuya sa kung sino man ang makakakita sa lalaki. Naku, kapag nalaman ng Nanay mo ang tungkol diyan ay malagot ka talaga! Kaya kung ako sa iyo, ngayong hindi pa huli ang lahat, ibalik mo na siya sa kanila at ipaliwanag ang lahat kung ano talaga ang totoong nangyari!”
Kinagat ko nang mariin ang labi ko at halos hindi na mapakali. Ano na ang gagawin ko? Paano ko sasabihin sa kanya? Ngayong medyo napalapit na siya sa akin. Hindi ko na alam…
“Hello, Venice. Andyan ka pa ba?” nag-aalala na tanong ko.
Pumikit ako at saka bumuntonghininga. “Sige. Salamat, Sheren.”
“Ano? Ano’ng sige? Venice? Hello! Hello! Hell—”
Binaba ko na ang tawag at napahilamos na lamang sa aking mukha. Nag-send na lang ako ng mensahe kay Sheren.
Ano ba ang dapat kong gawin? Ibabalik ko na ba siya sa kanila? At ano na ang mangyayari sa akin? Matapos kong lokohin at paniwalain sina Nanay at Tatay. Ewan ko na lang. Baka itakwil na ako bilang anak nila.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be The Billionaire's Wife (COMPLETED)
RomantikMonteverde Clan Series #1