“Seryoso ka ba talaga, Venice? Hindi ba at ang lalaking iyon ang dahilan kaya ka napatalsik sa trabaho? Alam mo ba na baka makarma ka sa gagawin mo? Hayaan mo na lang iyon sa ospital!”
Halos sumigaw na ang kaibigan kong si Sheren habang nakapamewang sa akin. Sa tono ng kanyang pananalita, alam ko na hindi siya natutuwa sa plano ko.
Nasa labas kami ng ospital nag-uusap. Kasama ko kasi siya nang pumunta ako rito. Siya rin mismo ang nagbalita sa akin na naaksidente ang lalaking iyon. Isa pa, may dahilan kung bakit ako nandito. Hindi basta-basta biro ang plano ko lalo na’t ang lalaking iyon ang dahilan ng pagiging praktikal ng magulang ko.
Ipagkakasundo ba naman ako sa anak ng kumpare ni tatay na mayaman! Dahil wala raw akong silbi at hanggang ngayon ay wala pa rin akong matino na trabaho. At isa pa, napatalsik ako sa trabaho dahil sa pisteng lalaking iyon.
Nilingon ko si Sheren. “Sheren, alam mo, hindi ako nandito para makipagbiruan. Siyempre nandito ako hindi para tulungan ang lalaking iyon. Nandito ako dahil tutulungan niya ako. Dahil kapag hindi, magiging Misis Javierto na ako! At ayoko na mangyari iyon!” halos gigil ko na sabi at napasabunot pa sa buhok ko.
Ngumiwi siya sa akin. “Eh, ano pa ang inaarte mo diyan? Pogi naman si Carl at engineer! Hindi ka naman lugi.”
Napairap ako sa sinabi niya.
“At saka, twenty-five years old ka na, Ven, kaya talagang magagalit at maiinis na magulang mo dahil wala ka pa ring matinong trabaho,” dagdag niya pa na siyang totoo naman.
Naibagsak ko na lamang ang balikat ko sa sinabi niya at tinalikuran na lang siya para pumasok na sa loob ng ospital. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko ngunit hindi ko na siya pinansin. Kailangang managot ang lalaking iyon!
Hindi kami pumasok sa loob ng kuwarto. Sumilip lang kami sa may pintuan kung saan nakita ko ang lalaking iyon na may bandage na sa ulo at naka-hospital gown. Nakaupo siya sa hospital bed at mukha siyang tanga habang nakatingala sa doktor na nagsasalita.
“May naalala ka ba, hijo?” mahinahon na pagkatanong ng doktor.
Ngunit napatalon na lamang ako sa gulat nang biglang sumigaw ang lalaki na parang nagwawalang leon.
“I said, wala nga! I don’t have any idea! Bakit ako nandito sa cheap na kuwartong ito with this hospital gown and this fucking bandage?” Halos umusok na ang tainga niya sa sobrang gigil. “I fucking don’t even know my fucking name and what the fuck am I doing here?”
“Pang-ilang fuck na iyon, ah? Bastos naman ng bunganga,” mahinang puna ko at mas lalong sumilip para makita ko ang buong pangyayari.
Siniko naman ako ni Sheren. “Sus, ikaw din naman.”
Hindi ko na pinansin ang kaibigan ko at naghanap na lamang ng tiyempo kung kailan ako eeksena. Gusto ko lang makaganti sa lalaking ito.
“Huminahon ka, hijo. Ikaw ay may—”
“Babe!” biglang singit ko at agad pumasok sa loob ng kuwarto.
Narinig ko pa ang pagtawag ni Sheren sa pangalan ko ngunit hindi ko na siya pinansin. Gulat na bumaling sa akin ang doktor at lalong-lalo na ang lalaki na ngayon ay nakakunot na ang noo habang litong-lito sa pangyayari.
Mabilis ang lakad ko patungo sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Naramdaman ko na nanigas siya sa kanyang kinauupuan at ang doltor naman ay napaiwas ng tingin. Kailangan kong um-acting para convincing talaga at kapani-paniwala.
“Mabuti naman at safe ka, babe,” matamis kong sabi sabay ngiti ko sa hindi maipinta na mukha ng lalaki.
Tangina, makisama ka please!
BINABASA MO ANG
Pretending To Be The Billionaire's Wife (COMPLETED)
Roman d'amourMonteverde Clan Series #1