Chapter 12

12.3K 349 9
                                    

"Hijo, okay lang ba sa iyo na nandito? Wala ba kayong planong bumukod ng anak ko?" tanong ni Nanay kay Kotaro sabay baling sa akin. "Alam mo Venice, unti-unti ko nang nagugustuhan itong asawa mo. Bukod sa masipag sa pangingisda ay palaging nagkakapera!"

Hindi ako nagsalita at nanatili lang na nakatulala sa naka-display sa lamesa. Nasa isip ko pa rin ang sinabi ni Sheren sa akin. May naghahanap na kay Kotaro at kapag itatago ko pa rin siya ay baka mapahamak pa ako.

Ano ba ang dapat kong gawin?

"At hindi lang iyon, gumaling ka sa pangingisda, ah!" puri ni Nanay at nakita ko pa siyang binigyan niya ng inumin si Kotaro. "Ang dami mong nakuha ngayon."

"Tama na nga iyang pagpuri mo sa kanya, Helen. Normal lang sa mga lalaki dito ang ganiyan," wika ni tatay at tinungga ang natirang tubig.

"Sus!" Matamis na ngumiti si Nanay. "Iba pa rin itong si Kotaro kasi ang pogi. May nakita na ba kayo na poging mangingisda?"

"Matatanda na kadalasan ang mga mangingisda, Helen. Huwag mo sanang laitin ang mga itsura namin. Wala kaming oras para magpa-guwapo dahil hindi mabibihag ang mga isda sa kaguwapuhan."

Umirap si Nanay. "Ewan ko sa iyo, Adoy. Hindi ko naman nilalahat. At saka, ano'ng hindi? Baka sa angking kaguwapuhan ay baka hindi isda makukuha mo kundi sirena."

Bumuga ng hangin si Tatay at binalingan ako. Nang napansin niyang hindi ko pa ginagalaw ang pagkain ko ay kumunot ang noo niya.

"Venice, kumain ka na," ani Tatay. "Ano ang gusto mo?"

Tiningnan ako ni Nanay. "Ano na namang kadramahan ito, Venice?"

"Tama na nga iyan, Helen," saway ni Tatay at nilagyan pa ng panibagong ulam ang pinggan ko. "Kumain ka na."

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang seryosong tingin ni Kotaro sa akin. Para niya akong pinag-aaralan. Hindi ko maiwasan ang mapalunok at mapatingin sa kanya.

Ngumiti lang ako ng tipid at saka nagsimula nang kumain.

"Sana may regular ka nang trabaho, hijo. Simula nang dumating ka sa buhay namin ay parang sinuwerte kami. Sana masuwertihin din itong anak ko."

Hindi na lang ako nagsalita at tahimik na lamang na kumain.

•••

Matapos namin maghapunan ay naiwan kaming dalawa ni Kotaro dito. Ako ay nagliligpit ng mga pinagkainan habang siya ay nanatiling nakaupo sa kanyang puwesto habang pinagmamasdan ako.

Maingat na nilapag ko ang mga pinggan sa may lababo at saka kumuha ng basahan upang punasan ang lamesa. Hindi ko maiwasan ang mailang lalo na't ang mga mata ni Kotaro ay nakasunod lang sa mga kilos ko.

Sa gitna ng katahimikan, bigla niya itong binasag.

"You're so quiet. May nangyari ba?" tanong niya.

Saglit akong tumingin sa kanya bago nagpatuloy sa ginagawa.

"Wala naman," tipid na sagot ko.

Gusto kong mag-isip. Gusto kong alamin kung ano ba talaga ang dapat gawin.

"Kanina pa iyan." Bumuntonghininga siya at tumayo mula sa pagkaupo. "Can you tell me?"

"Huh?" Tiningnan ko siya at tumigil ako sa aking ginagawa. "Wala namang problema, Kotaro."

Kumunot ang noo niya at itinuko sa lamesa ang kanyang mga kamay kaya medyo napahilig siya.

"You didn't even call me, Langga."

Namilog ang mata ko at unti-unting namula sa kanyang sinabi.

Langga? Kailangan ba iyon?

"B-Big deal sa iyo iyon?" Natawa ako. "Sorry, wala lang ako sa mood."

Ayan, inamin ko na rin. Ayoko na kasi na magtanong pa siya sa akin. Gusto kong mag-isip kung isasauli ko ba siya o hindi.

Actually, halu-halo na itong nasa isip ko. Nasa punto na ako ng buhay ko na dudang-duda na ako sa amnesia niya. At alam ko na hindi biro ang mawalan ng alaala. It's a serious matter pero hindi ko maiwasan minsan magduda sa kanyang mga kilos.

"Yeah, big deal iyon sa akin," pag-amin niya at nagulat ako nang mabilis siyang lumapit sa puwesto ko. "That's why I want you to say it again. I want to hear it again."

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Ngayong kami na lang dalawa ang nandito ay para akong pinagpapawisan. Ang puso ko ay kumalabog at hindi ko alam kung paano ko ito ibabalik sa normal.

Ano ba naman ito?

"Hey, look at me?"

Napasinghap ako nang hinawakan niya ang baba ko at pinaharap sa kanya. Nang nagkatinginan kami ay pumungay ang kanyang itim na mata.

"Say it. I want to hear it again, Venice..."

Mas lalong kumalabog ang puso ko at tingin ko ay mabibingi na ako sa sobrang lakas. Baka sasabog na ito anumang oras at ramdam na ramdam ko na ang pangangatog ng binti ko.

Nang hindi ako sumagot ay nagsalubong ang kilay niya at inilapit niya ang kanyang mukha sa akin.

"Ayaw mong sabihin iyon sa akin? Bakit?"

"L-Lang..." Hindi ko matapos-tapos dahil parang mawawalan ako ng laway.

Para akong mauubusan ng hininga dahil sa tensyon. Hindi ko alam kung bakit naging ganito.

Hindi naman ako ganito dati.

"Say it or I'll kiss you," banta niya na siyang ikinagulat ko.

"L-Langga..." Pumikit ako dahil sa hiya.

Hindi ito acting, okay? At hindi ako handa sa scene na ito. Buwisit na Japayoki na ito! Binibigla ako! Ano ba ang nangyayari sa kanya?

Akala ko ay tapos na dahil nasabi ko na ngunit nagulat na lamang ako nang hinapit niya ang bewang ko kaya napamulat ako at nahulog ko ang dala kong basahan.

Namilog ang mata ko nang nakitang seryoso na ang kanyang mukha. Ang aking palad ay agad kong isinampa sa kanyang matigas na dibdib upang hindi tuluyang mag-isa ang aming katawan.

"A-Ano ang ginagawa mo?"

Ngumisi siya at tinagilid ang ulo niya.

"I'm sorry, darling." At tumigil ang mundo ko nang bigla niya na lamang akong hinalikan sa labi.

Hindi ako makagalaw sa aking puwesto at gulat na gulat sa kanyang ginawa. Nanatiling nakamulat ang aking mga mata habang sa kanya ay pikit na pikit kaya kitang-kita ko ang kanyang mahaba na pilikmata.

Nang gumalaw ang kanyang labi para sa mas malalim na halik ay doon ako natauhan. Binigay ko ang buong lakas ko upang matulak siya kaya nabitiwan niya ako at napaatras. Umawang ang labi niya sa ginawa ko at gulat na gulat.

"Venice-"

Hindi ko na siya pinatapos at tumalikod na lang sa kanya at saka tumakbo patungo sa kuwarto ni Ate. Nang sinara ko na ang pinto ay napaupo na lamang ako sa sahig at napasapo sa dibdib.

Hinihingal ako at napahaplos ako sa aking labi na nakaawang. Suminghap ako at napatingala.

Bakit niya ako hinalikan?

Pretending To Be The Billionaire's Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon