Ilang araw ang lumipas matapos mangyari iyon ay hindi ko na pinansin si Kotaro. Sa tuwing lalapit siya sa akin ay sinasabi ko na may gagawin pa ako. Ilang araw na akong gano’n at ayoko sa nararamdaman ko.
Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang mga labi niya sa akin. Hindi ko akalain na makukuha niya ang unang halik ko. At hindi lang iyon, first time kong makaramdam ng ganitong kakaiba. Ang bigat sa dibdib. Sobra.
Ngayon ay maaga akong nagising. Nagsaing ako, nagpakain ng manok at baboy. Ngayon, papatungo na ako sa gripo upang maglaba. Dala-dala ko ang isang palanggana na damit namin ni Kotaro na ilang araw ko nang hindi nalalabhan. Nahinto lang ako sa pagtungo dahil nadatnan ko si Racel na kakasara lang niya sa gripo. Nang makita niya ako ay natawa siya at napaayos ng tayo.
“Omg!” Humalakhak siya at pinasadahan ako ng tingin. “Nakakagulat naman iyang hitsura mo! Napagod ka ba?”
Kumunot ang noo ko sa kanya at saka pabagsak na inilapag ang dala kong palanggana.
“Paki mo ba?” Inirapan ko siya.
Ngumisi siya. “Aba, malay ko! Baka sinamantalahan mo na ang asawa mo dahil super yummy! Laspag ka na, girl!” At humagikhik siya.
Hindi ko nagustuhan ang kanyang sinabi kaya nag-iba ang pakiramdam ko.
Masyado na yatang naboba ang babaeng ito. Bakit nga ba kami share ng gripo? Ipakain ko sa kanya ang tubo nang matigil siya diyan, eh.
“Sinisira mo ang araw ko ngayon. Kung wala ka nang sasabihin, maaari ka nang umalis,” malamig kong sabi.
Mas mabuting pigilan ko na lang ang sarili ko dahil baka may masabunutan ako sa inis ko. Hindi pa naman mahaba ang pasensya ko.
Tumaas ang kilay niya at napahalukipkip. “Aba! Baka naman ay hindi mo talaga asawa iyang kinakasama mo!” Ngumisi siya. “Alam mo si Carl? Narinig ko na nagwawala raw noong nakaraan dahil tinanggihan na siya ng nanay mo. Huli ka na, girl. Ang landi mo talaga!”
Kumuyom ang kamao ko.
“At saka feeling maganda ka masyado, ’no? Alam mo bang inis na inis ako sa iyo kasi akin naman talaga si Carl sa simula pa lang? Kung hindi ka lang umepal sa birthday party noon ay sana ako ang gusto niya at hindi na sana siya nasaktan ngayon.”
Napangiwi ako. “Malay ko sa inyo. Hindi ko naman nilandi ang Carl na iyon. Bagay nga kayo, eh. Pareho kayong feelingera.”
Napawi ang ngisi niya. “Ano ang sabi mo?”
“Bingi ka?” pambabara ko.
“Alam mo.” Dinuro niya ako. “Hindi ko alam kung bakit pero ang pangit talaga ng ugali mo. Actually, pareho kayo ng nanay mo. Mga malalandi—”
Hindi ko na siya pinatapos dahil lumapit na ako sa kanya at buong lakas na hinila ang buhok niya.
“Aray!” reklamo niya. “Bitiwan mo ako!”
Mas hinila ko pa ang buhok niya at inilapit ang sarili. “Ikaw na pakialamera ka. Huwag mong idamay ang nanay ko sa inggit mo sa akin, ha!”
“Bitiwan mo ako!” Galit niya akong tiningnan. “Totoo naman talaga na malandi iyang nanay mo! Nakita ni Mama na may kausap na—”
Napatili na lamang siya nang inabot ko ang tabo sa balde at ibinuhos ang lamang tubig sa kanya para mahimasmasan siya sa mga sinasabi niya.
Binitiwan ko ang buhok niya at padabog na ibinalik ang tabo sa balde.
“Ayan! Maligo ka dahil ang baho-baho mo! Malangsa ka katulad ng ugali mo!” galit kong sigaw. “Wala kang karapatan na pagsalitaan ang nanay ko ng gano’n! Hindi mo kami kilala!”
BINABASA MO ANG
Pretending To Be The Billionaire's Wife (COMPLETED)
RomanceMonteverde Clan Series #1