Chapter 18

14.4K 458 8
                                    


Kanina pa ako titig nang titig sa calling card na ibinigay ni Sheren sa akin kagabi. Pangalan pa lang ng girlfriend ni Kotaro ay ang ganda na pati na rin ang apelyido.

Ortiz.

Kaya siguro minalas ako sa buhay dahil ang sama-sama kong tao. Hindi ko man lang naisip na may naghihintay pala sa kanya sa kanyang pagbalik. Ako itong nanloko at nang-uto ng tao. Kung tutuusin ay puwede akong makulong sa ginagawa ko.

“Oh, ano iyang tinitigan mo?”

Agad kong itinago ang calling card at binalingan si Nanay na may dalang tasa ng kape. Umaga na at pareho kaming hindi nakatulog ni Nanay dahil pagkatapos ng piyesta ay nagligpit kami ng mga gamit.

“Ah…” Awkward ako na tumawa. “Numero po ito, Nay. Bigay ni Sheren sa akin. Sabi niya, trabaho raw,” pagsisinungaling ko sa huli kong sinabi.

Umangat ang isang kilay niya at umupo sa tapat ko.

“Mag-a-apply ka na?” tanong niya at sumimsim sa kape. “Naku, pagbutihin mo na ngayon, ah! Gusto kong magkaroon ka na ng sariling bahay lalo na’t may asawa ka na. Gayahin mo ang mga kapatid mo na bumukod.”

Kinagat ko ang labi ko at tumango na lang.

Hindi na mawala sa isip ko ang tungkol sa sinabi ni Sheren sa akin. Hindi ko maiwasan ang mailang muli kay Kotaro dahil sa nalaman.

Nasa akin na talaga ang huling desisyon. Bago pa mahuli ang lahat. Bago pa ako tuluyang mahulog at mabaliw. Kailangan ko na magdesisyon hindi lang para sa aking sarili kundi para na rin sa kabutihan ng lahat.

•••

“Why can’t I come?” lumalabing tanong ni Kotaro sa akin habang nakatingala sa akin.

Nakaupo kasi siya sa upuan malapit sa salamin habang ako ay nakatayo habang nakatingin sa full size mirror.

Ngayon, tatawagan ko ang numero na ibinigay ni Sheren sa akin at titingnan ko kung ano ang magagawa ko. Hindi ako sulutera at hindi ako mang-aagaw.

Babae ako at alam ko ang tama. Ngayong alam ko na may karelasyon pala itong kahalik-halikan at kayakap ko, mas mabuting itigil na para hindi na mas lalong lumala pa ang lahat.

Ayoko na may masaktan na damdamin nang dahil sa akin.

“Maghahanap lang ako ng trabaho.”

Nilambingan ko ang boses ko kahit sobrang bigat na ng nararamdaman ko. Kahit naiisip ko pa lang ang posibleng gagawin ko, natatakot na ako sa magiging reaksyon niya.

Pero ayoko rin naman na makasakit pa ng tao. Hindi na nga tama itong ginagawa ko na panloloko sa kanya tapos aagawan ko pa ang girlfriend niya na sigurado akong ilang buwan nang naghihintay sa kanya.

Niliitan niya ako ng mata. “All of the sudden?”

Nilingon ko siya at kita ko na nanliit ang mata niya.

“Nagdududa ka ba?” Natawa ako. “Kausap ko si Sheren kagabi at nag-usap kami tungkol sa trabaho. M-May bagong hiring daw kaya gusto kong subukan.”

“Then, I’ll come with you.”

Namilog ang mata ko.

“I want to come with you,” ulit niya at saka hinawakan ang kamay ko kaya naibaba ko ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin.

Sumikip ang dibdib ko at nagtagal ang tingin doon.

Nang matauhan ay nag-angat ako ng tingin sa kanya at saka siya nginitian.

“Huwag kang mag-alala, pagkatapos kong magtungo sa pupuntahan ko, ipapasyal kita.”

Hindi siya nagsalita agad kaya nagpatuloy ako.

“Hindi naman ako magtatagal. Babalik din naman ako agad,” ani ko para hindi na siya maging makulit.

Bumuntonghininga siya at tumango. “Alright. I’ll wait for you.”

Tumango ako at saka nag-iwas na ng tingin.

May naghihintay pala sa iyo, Kotaro. Hindi dapat ako ang hihintayin mo dahil wala namang tayo.

•••

D-in-ial ko ang numero na nakalagay sa calling card nang nakarating ako sa lungsod. Dito ko naisipan na tumawag dahil malakas ang signal. Nanginginig ang kamay ko habang hinihintay na sumagot ang babae o kung sino man ang may-ari ng numerong ito. Baka kasi hindi pala ito si Maria Faye.

Ngunit halos tumigil ang paghinga ko nang sumagot ang isang babae na may mahinhin at malambing na boses.

“Good morning. Who’s this?” tanong ng babae sa kabilang linya.

Napakurap-kurap ako at napaayos ng upo sa aking inuupuan dito sa isang milk tea shop sa lungsod.

Tumikhim ako. “I-Ikaw po ba si M-Maria Faye Ortiz?”

Napakagat ako sa aking labi nang mautal ako. Kinakabahan kasi ako.

“Yes, this is Maria Faye Ortiz. Why?” ani ng babae sa isang malambing na boses.

Sa boses pa lang, wala na akong laban. Astang kalye ako at ito, well-mannered. May pinag-aralan at mayaman.

“U-Uhm...Gusto sana kitang kitain.”

“For what, I am sorry. Hindi ako nakikipagkita sa strangers.”

Napalunok ako. “T-Tungkol ito kay K-Kotaro…”

“Kotaro?”

Halos mabingi ako sa biglang sigaw ng babae sa kabilang linya, siguro dahil sa gulat.

“What about him? You saw him? You saw my boyfriend? Saan mo siya nakita? Please, don’t joke around. Ilang buwan ko na siyang hinahanap,” desperadang sambit niya sa akin at nakarinig pa ako ng kaunting hikbi.

Hindi ko maiwasan ang masaktan para sa kanya. Ramdam ko ang pagmamahal niya kay Kotaro at tingin ko ay sasapakin ako ni Kotaro kapag bumalik na ang alaala niya at ang isang estranghera na katulad ko ay nagpanggap bilang asawa niya.

“Please, if you saw him. Please tell me. Bibigyan kita ng reward! O kahit ano’ng gusto mo. If you want money, I can give you that. If you want a job, I can give you that! Anything! As long as sasabihin mo sa akin kung nasaan siya!”

Kumirot ang puso ko sa narinig.

“Miss Maria Faye,” sambit ko sa kanyang pangalan. Huminga ako nang malalim. “Bukas na bukas, makikita mo na ang boyfriend mo. Makikita mo na po siya.”

“Are you sure that you are not fooling me?” nagdududa niyang tanong.

Hindi ko namalayan na nangilid na ang luha sa aking mata.

“O-Oo.” Pinunasan ko ang luha sa aking mata. “H-Hindi po kita niloloko. B-Bukas na bukas po. Makikita mo na po si Kotaro. P-Promise po.”

“Sure! But, by the way, what’s your name?”

Napasinghap ako.“H-Hindi mo na po kailangang malaman pa, Ma’am. Basta po bukas, makikita niyo na po si Kotaro—”

“I want to know para mabigyan kita ng reward—”

“Hindi ko po tatanggapin, Ma’am. Kusa ko pong ibabalik sa inyo si Kotaro,” pagputol ko sa kanyang sinabi.

“Ibabalik?”

Napapikit ako.“Basta, Ma’am. Magkikita na po kayo bukas. Ite-text ko na lang po ang address at oras. Maraming salamat po sa time niyo. Ibababa ko na po ito.”

“Okay. Wait—”

Binaba ko na ang tawag at napahilamos na lamang sa aking mukha. Sikip na sikip na ang dibdib ko at alam ko sa sarili ko na special na si Kotaro sa akin.

Ngunit may naghihintay sa kanya at ayoko ng gulo. Ang dami-dami ko nang kasalanan tapos dadagdagan ko pa? Kahit ngayon lang ay makagawa man lang ako ng tama.

Pretending To Be The Billionaire's Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon