Chapter 33

15.4K 511 15
                                    

Naisuot ko na ang puting bikini at totoo nga ang sinabi ni Mary na bumagay nga sa balat ko ang kulay ng bikini. Sakto lang naman ang pangangatawan ko. Hindi pang model type. May kurba at sakto lang din sa height ko.

Nakasuot ako ng roba ngayon habang papatungo ako sa pool area. Kinakabahan ako na nae-excite. Hindi ko ma-explain. Basta sobrang laki ng hakbang ko habang papatungo sa pool area.

Habang papalapit ako, naririnig ko na ang mahina na kaluskos mula roon. Parang may pabalik-balik na lumalangoy.

Nang makarating ako, bumungad sa akin ang malaking pool area. Hindi siya masyadong maliwanag. Huminto ako malapit sa edge ng pool at pinagmasdan ang paglangoy ni Kotaro patungo sa kabilang side. Hindi niya alam na nandito na ako kaya patuloy lang siya sa paglangoy. Hindi ko maiwasan ang mamangha sa kanyang katawan lalo na ang kanyang likod. Bawat langoy niya, nagfe-flex ang kanyang muscles.

Napakagat ako sa aking labi at saka unti-unti kong hinubad ang roba ko. Hindi ko maiwasan ang manginig sa ginaw pero kinaya ko pa ring hubarin ang roba.

Saktong paghubad ko sa roba ay ang pag-ahon ni Kotaro at ang pag-upo niya sa side. Diretso ang pagkuha niya sa wine glass na may lamang wine at saka ininom ito. Matapos niyang inumin ang wine ay napatingin siya sa puwesto ko. Kita ko ang pagtigil at ang pagtitig niya sa akin.

Napalunok ako at biglang kinabahan dahil baka hindi niya magustuhan.

"Uhm."

Wala akong masabi. Parang pinutol ang dila ko dahil sa kaba. Sa paraan ng kanyang pagtitig, para ka niyang tutuklawin.

Unti-unti, nakita ko ang paggalaw ng kanyang mata. Kita ko ang pagpasada niya ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa.

Naibaba niya ang wine glass niya sa edge ng pool at bumaba para magtungo sa akin. Napalunok ako lalo na't mabilis ang kanyang paglangoy hanggang sa nakarating siya malapit sa puwesto ko. Napaatras ako at medyo nahiya.

"Are you comfortable wearing that?" bungad niya at tinaasan ako ng kilay.

"Uhm..." Napalunok ako. "Pool kasi. Hindi naman ito dagat."

Bumuntonghininga siya at naglahad ng kamay. Tumulo pa ang basa sa sahig dahil sa paglahad niya ng kamay.

"Come here. Let's swim together."

"K-Kaya ko naman lumangoy."

Batang dagat kaya ito.

"But I want to hold your hand, baby."

Bumuntonghininga ako at saka tinanggap ang kamay niya. Umupo ako sa edge ng pool at saka tiningnan siya.

"Okay lang ba ang bikini ko?" tanong ko habang hawak ang basa niyang kamay. "Baka mag-iba na ang tingin mo sa akin."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "What do you mean? You are the most beautiful girl I ever saw today. The bikini suits you well. Parang gusto kitang ibalik sa kuwarto para ako lang ang makakita."

Uminit ang pisngi ko. "Tayo lang naman dalawa ang nandito, eh." Nagpalingalinga ako. "Wala namang ibang tao."

"I know." He chuckled.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang lumapit pa siya sa akin. Nakaupo na ako sa pool habang ang mga paa ko ay basa na ng tubig. Lumapit siya hanggang nasa gitna na siya ng aking mga binti.

"K-Kotaro!"

Nabigla ako sa ginawa niya.

Tumingin siya sa akin gamit ang kanyang seryosong mga mata. Ang kanyang basing kamay ay unti-unting puwesto sa likod ko at hinaplos ito paibabaw.

Pretending To Be The Billionaire's Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon