Chapter 6

15.4K 555 43
                                    

Sermon ang inabot ko kay Nanay imbes na mag-alala siya sa akin. Kahit nanginig na ang katawan ko sa lamig ay wala siyang pakialam basta masermonan niya lang ako.

Bakit ko raw dinala ang asawa ko sa dagat? Eh, hindi pa nga maayos ang kalagayan?

Tama naman siya. Tama si Nanay. Masyado lang din kasi akong na-hype maghigante dahil sinisisi ko si Kotaro kahit ang totoo dapat ang sarili ko ang sinisisi dahil tanga ako kaya palagi akong napatalsik sa trabaho.

“Wala ka man lang ginawang tama sa pamilyang ito. Pabigat ka pa at ngayon, gusto mong makapatay ng tao? Paano kung hindi marunong lumangoy iyang asawa mo? Ano ang gagawin mo?”

Iyon ang huling sinambit ni Nanay sa akin bago niya ako iniwang nakatulala sa sala.

Gusto ko lang naman na tigilan na niya ang pag-pressure sa akin. Kung may malalayasan lang talaga ako ay baka matagal na akong naglayas.

Hindi ko na dapat ginawa ang panloloko na ito sa isang lalaking walang kaalam-alam.

Ano ang gagawin ko? Isasauli ko na ba ang lalaking ito at pumayag na lang sa gusto ni Nanay para tapos na ang lahat?

Paano naman ako? Gusto ko talaga magkaroon ng trabaho. Ayoko maging pabigat. Kapag naikasal ako sa lalaking gusto ni Nanay para sa akin, parang pinamimigay niya na rin ako dahil wala akong silbing anak.

•••

“I know you are blaming yourself right now.”

Agad akong naalerto at napalingon nang marinig ko ang boses niya. Mulat na ang kanyang mata kaya napasinghap ako at agad siyang nilapitan.

Nakahiga siya ngayon sa kama ng kuwarto ko at ginamot na siya ng kakilala ni Nanay. Wala kasi kaming malaking pera para ipagamot siya sa ospital.

“G-Gising ka na,” mahinang sambit ko at sinuri ang mukha niya. “O-Okay na ba ang pakiramdam mo?”

Tingin ko, ito na yata ang pinakamahinahon ko na boses. Hindi ako sanay sa ganito dahil palagi akong nagmumura o hindi kaya ay sumisigaw.

Nanatili lang nakatingin si Kotaro sa akin. Hindi ko maiwasan ang mabahala dahil baka nabagok ang kanyang ulo.

“Hijo, sana maayos na ang pakiramdam mo,” biglang sambit ni Nanay na ngayon ay nakasilip na sa may pinto at pagkatapos ay binalingan ako. “Asikasuhin mo iyan!” aniya bago umalis.

Kinagat ko na lamang ang ibabang labi ko at tiningnan si Kotaro na ngayon ay seryoso nang nakatingin sa akin.

“M-May k-kaunti ka bang naalala?” maingat na tanong ko.

Kung makaalala na siya ay siguro ako na mag-iiba ang ugali niya. Pero hindi, eh. Wala akong natanggap na sigaw ngayon kasi nakatitig lang talaga siya sa akin na parang pinag-aralan ako.

“You’re so fucking pretty,” mahinang sambit niya.

Namilog ang mata ko sa kanyang sinabi.

“H-Ha? A-Ano ba ang pinagsasabi mo?” Halos mautal ako dahil sa kakaibang naramdaman.

“I heard the conversation,” aniya sa matigas na ingles. “I’m sorry…”

Napasinghap ako at mas lalong namilog ang mata.

Ano ang ibig niyang sabihin? Bakit siya nagso-sorry?

“But, totoo ba? You don’t have a work?”

Bigla akong nahiya para sa sarili. Alam kong tanong lang iyon pero ang katotohanan na narinig niya ang sagutan namin ni Nanay ay mas lalong nagpahiya sa akin.

Pretending To Be The Billionaire's Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon